CHAPTER 28: Confused

660 32 1
                                    

CHAPTER 28: Confused

Crystal Leigh's P.O.V.

"Molly! What are you doing!" I pushed her away from me the moment I realized what she did.

"I-I'm sorry, Crystal..." she apologized.

I stood up and walked away. I can't believe what just happened. I can't believe Molly did that to me!

"Crystal! Sandali!" sigaw niya pero hindi ako huminto sa paglalakad. I don't know, but I feel upset, really upset.

"Crystal!" She grasped my arm but I held it away abruptly. "L-Let me explain, Crystal... I'm begging. Hear me out," she pleaded and I can see in her eyes that she really wants to explain.

"Okay. Tell me... Tell me, Molly. Why did you do that? Why did you kiss me?!" galit kong tanong.

"Because I love you!" she cried out, which made me gape and surprise.

"W-What?... Y-Yes. Of course, you love me, because I'm your best friend!" I retorted.

"Gusto mong malaman kung sino ang special someone ko, 'di ba? It's you! It's you, Crystal. Whether you believe me or not," maluha-luha ang mga matang giit niya.

My forehead furrowed. "This joke... is not funny," matapos kong sabihin ang mga katagang 'yan ay umalis na ako.

Gusto kong isipin na nagbibiro lang siya. Gusto kong isipin na anytime ay babawiin niya rin ang mga sinabi niya. Hindi puwedeng ako ang special someone na sinasabi niya. Hindi puwede.

"Oh, Crystal!" Jane and Karen approached me. "Mag-isa ka lang? Nasaan si Akira?" Jane asked.

"Akira?" naguguluhan kong tanong, dahil hindi ko naman nakasama si Akira kanina pa. "What about Akira? Hindi n'yo ba siya kasama?"

"Kanina kasama namin siya, pero nagpaalam siya sa amin na pupuntahan ka niya. Nakita ko kayo ni Molly na papuntang garden kaya sinabi ko kay Akira na nandoon ka," Jane stated. "That's why, nagtataka ako kung bakit mag-isa ka lang. Where's Akira?"

Hindi ko siya magawang sagutin dahil hindi ko naman alam kung nasaan si Akira. Hindi ko rin alam na pinuntahan niya ako dahil hindi ko naman siya nakita ro'n sa garden.

"Hindi ko alam kung nasaan siya. Hindi ko siya naki—" Natigilan ako nang may ideya ang biglang pumasok sa isip ko.

Hindi kaya...

Walang sabi-sabi ay tumakbo ako patungo sa classroom. Una siyang hinanap ng mga mata ko, subalit hindi ko siya nakita sa loob. Nasaan kaya siya?

-

Akira's P.O.V.

Nakatingala lang ako sa payapang kalangitan habang nakaupo mag-isa sa wooden bench. Dinadama ko rin ang hangin na nararamdaman ko sa balat ko.

"Akira!" Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko si Remi na papalapit sa gawi ko. "Anong ginagawa mo rito? Bakit mag-isa ka lang?" tanong niya nang maupo siya sa tabi ko.

"Wala naman. Hinihintay ko lang na mag-ring ang bell," sagot ko.

"I see. Anyway, nakita mo ba si Crystal? Kanina ko pa kasi hinahanap silang dalawa ni Molly, e."

"Si Leigh? Ahm, h-hindi. H-Hindi ko siya nakita." Muli kong itinuon ang mga mata ko sa langit at pinagmasdan iyon.

"Talaga? Pero ang sabi sa akin nina Jane, pinuntahan mo raw sila. Paanong hindi mo nakita si Crystal?"

Natigilan ako at napatingin sa kawalan. Gusto kong sagutin ang tanong niya, kaya lang hindi ko alam kung paano. Ayoko naman na magsinungaling sa kaniya.

She Takes My Breath Away (GxG)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora