Chapter 26 ♡

82K 1.2K 62
                                    

Kathryn's POV:

Ang bilis ng panahon, parang kailan lang nung 4th year 1st sem palang kami tapos ngayong araw na ito, 4th year 2nd sem na *sighs*. Last year na namin ito sa school! Sana magkaroon kami ng good memories! Sawakas ay matatapos na kami as Business Ad students! Mamimiss kong maging college neto.

"Kath! Dali malalate na tayo oh!" sabi ni Julia M. sakin. As usual magkasama sila ni Enrique. Tapos si Sofia naman, well... Masaya na siya kasama si Khalil! Nagulat nga kami nung naging sila eh. Kung may JulQuen na sumisikat, kasabay nila ang SofLil.

Wooooow

Lumalovelife na yung mga Sis ko!

Nagkukwentuhan kami tungkol sa thesis defense namin, palakad na kami papasok sa room nung biglang may umakbay sakin... Pagtingin ko kung sino...

Si Albie! Hindi siya sumuko sa panliligaw sakin. Araw araw palala ng palala mga trip niya.

Tinanggal ko yung pagkaakbay sakaniya tapos binigyan niya ako ng isang malapad na ngiti!!!

"Magandang umaga Kath! Pero... Mas maganda ka pa sa umaga" sabi ni Albie. Hindi naman sa pagiging masungit, nginitian ko lang siya. May memories naman kami eh, siya bilang si BLUE BEAR.

Pagkapasok naming lahat sa school, nagkumpulan ang mga tao sa isang corridor. Sa corridor ng section namin! Tama, magkakasection kami this year! Buti nga at para may kasama na kami nina Julia M. at Sofia pag kailangan ng 5-10 sa groupings, madalas kasi kaming nagsosolo.

"Anong meron diyan?" tanong namin sa isang babaeng nakikipagsiksikan din.

Nilingon niya kami pero bago siya sumagot at kinilig muna siya. OKAY. Ang creepy nung mukha niya... parang natatawa pero may luha sa mga mata.

Hala anng nangyare dito?

"Kasi nagtransfer dito sina Katsumi Kabe! Lester Giri! JC Padilla! At si Seth Gothico! Waaah!! Wooh!!!" sagot nito. Napatakip kami lahat ng tenga sa sigaw niya.

Ha?

Parang kilala ko sila...

San ko na nga ba sila nakita/narinig?

Hay!

Makakalimutin na nga yata ako

Sa pagmumuni-muni ko biglang mas lalong lumakas ang sigawan!

"Parking 5! Parking 5!" sigaw nung mga fangirls ng paulit-ulit with matching hand gestures pa na pagtaas ng kamay. Yung iba ay may banners pa at tarpaulin na hawak.

Hala?

Parking 5?

Pero mas may ikinabigla ako nung may nagtakip sa mukha ko... Ahhh... Si Albie siguro?

"Albie?" sabi ko. Tumawa yung boses.

"Ganiyan ka! Nagbakasyon lang kinalimutan mo na ako!" tinanggal niya yung pagkakatakip sa mukha ko. Tas pag lingon ko, nandun SIYA.

Si Daniel John Ford Padilla...

Pagkatapos niyang madischarge sa hospital... Nakipaghiwalay siya kay Julia B. pagkatapos ay sinimulan niya akong ligawan. Pati nung bakasyon... Hindi siya tumigil.

Gusto ko kasi ng tahimik na buhay eh. Ito ang consequence ng pagiging close kay Daniel Padilla.

"Daniel naman eh!" bulong ko. Eh sa nagsimula nanamang magbulungan ang mga tao. Tapos idagdag mo pa yung paglapit ng mga transfer students samin. Wait scratch that. Kay Daniel!

"Brod! Kamusta?" ngumisi si Katsumi sakin at kay Daniel.

"Ang agang damoves naman niyan DJ! Padilla ka nga talaga!" humalakhak si JC.

"Hello Miss..." iniabot ni Seth yung kamay niya sakin. Tinanggap ko naman ito.

"Brod! SOLID oh! Galing mong mamili!" umakbay si Lester kay Daniel at kinalbit ang bewang nito at medyo napakembot si Daniel.

Bigla akong hinila ni Daniel papunta sa likod nya tapos ay may binulong siya sa apat na hindi ko naman narinig. Bulong nga eh.

*******

Daniel's POV:

"Mga brod. Anong ginagawa niyo dito?" bulong ko sakanila. Ngumisi pa ang mga loko! Tapos naghigh five pa.

"Para agawin si Kathryn mo!" sabay sabay na sagot nila. I glared at them tapos tumawa naman sila. Nasa likod ko pa naman si Kath.

"WAG! AKIN LANG SIYA!" medyo napasigaw ako at nakalimutan ko na nasa likod ko pa pala si Kath.

Bigla siyang umalis sa likod ko at hinila ako papunta sa room. Sumunod na din ang apat samin. Sa sobrang haba ng paguusap namin, nakalimutan namin na may klase pa pala.

Since first day ngayon, walang katapusang pagpapakilala nanaman niyan sa lahat ng subjects dahil puro bago ang mga teacher namin.

Nagsimula ang pagpapakilala... Mga bagong mukha ang nakita ko... naiba kasi section namin eh!

"Good Morning, I'm Bea Binene. You can call me Bea for short!" sabi nung naunang babae. Tapos nakita ko kinindatan pa ako. Ahhh. Flirt.

"Hi. I'm Sam Concepcion. Sam nalang." tapos napansin ko na tumingin siya kay Kath. Hugutin ko mata neto eh. Tsk. Kung ano ang akin, akin lang!!!

Pagkatapos nila kami naman ang tinawag.

Blah blah blah...

Buong araw ganun lang ang ginawa namin.

BOOOOOOOOOOOOOORING!

Magiging magulo siguro ang school year na ito. Kailangan kong bantayan si Kathryn

Textmate [Kathniel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon