Chapter 10 ♡

88.1K 1.4K 114
                                    

Ang nakaraan:

  

Narinig ni Kath ang usapan nina Daniel at Julia sa likod ng school. Sa sobrang shocked niya, umalis siya ng may luha sa mga mata. Pumunta siya sa garden ng school at dun siya umiyak. Lumapit si Albie sakaniya calling her Ms. Loner. Ano ang kinalaman ni Albie sa kwentong ito? Bakit alam niya ang tungkol sa pen name ni Kath? Paano na si Daniel? Ano ang meron sakanila ni Julia B? Alamin! Bwahahaha

  

===

Kathryn’s POV

“Ang cute cute mo kasi ee. Ms. Loner!” biglang sinabi ni Albie nung tinanong ko kung bakit siya tumatawa. Napatigil ako sa narinig ko. Ms. Loner.. hindi ako pwedeng magkamali. Ito yung pen name na gamit ko kay Blue Bear.

Medyo natagalan ang utak ko sa pag-absorb ng mga sinabi ni Albie

  

And it hit me... SIya kaya si...

  

Si..

Si..

Si..

 BLUE BEAR?

 

“T-teka lang... Anong Ms. Loner?” pa-inosenteng tanong ko. Parang gusto ko siyang sakalin para malaman ko yung sagot pero nanahimik lang siya tapos ay tumawa.

Nagpatuloy lang siya sa pagtawa. Ewan ko kung ginogoyo lang ako nito or alam niya talaga yung pen name ko or what. Ewan ko, gulong gulo na ang utak ko! Sinabi ni Julia M. sakin na malapit lang si Albie sakin.. tapos classmates kami sa halos lahat ng subject nitong si Albie at medyo magkatabi yung upuan namin.

Ito na ba yun?

“Ano ba Albie! Anong Ms. Loner?” seryosong tanong ko. Tumigil naman siya sa pagtawa. Tapos ay tinignan ako ng diretcho. Nagseryoso na siya? Pero ngiting aso naman ang binigay niya sakin.

“Ms. Loner? Hmmmmm... Secret!” tumuyo siya at ginulo yung buhok ko. Tapos ay umalis na. Napatameme ako sa ginawa niya. Balak ko pa nga siyang habulin kaya lang feeling ko... Feeling ko ginogoyo lang ako nun. Baka nanghula lang siya ng pen name tapos Ms. Loner yung lumabas. Common naman kasi yun eh?

Di ba?

Hay! Bakit nga kasi ako nagdadrama? Ambabaw ko naman yat. So what kung si Daniel at Julia B. nga? Ano namang pakialam ko? Tsaka.. yung pag-aayos ko di ba wala lang. Wala lang di man ako nagpapansin para mapuri ni Daniel. Hindi man. Tsk.

So what?

  

So what?

 So what?

  

Aish. So what na nga pero bakit nalulungkot pa din ako? Huwaaaa... Makapunta na nga sa haunted room! Bahala na si Daniel kung pupunta siya o hindi. Basta ako, magcocommunity service ako. Kainis naman siya kung kailan kailangan ko dun wala!

---

Daniel’s POV

Pagkasabi ni Julia ng huling line niya sa script ng play namin ay bigla nalang akong umalis. Kami kasi yung may lead roles, tapos romance pa. Tsk! Ang corny kaya!

Ilang beses naming inulit yun. Feel na feel niya yung script ee! Perfectionist pa man din itong babaeng ito! Tsaka baka gustong makatsansing sakin nito dahil may part dun na yayakapin ko siya.

Hay Daniel ang gwapo mo talaga. pagpuri ko sa sarili ko.

“Daniel!!!!” habol pa ni Julia sa akin. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa napunta kami sa may tapat ng cr ng mga lalaki. Hmph.

Binuksan ko yung pinto nung cr at tumingin kay Julia.

“Wag mong sasabihin na susundan mo ako sa loob?” tanong ko sakaniya at nagsmirk ako. Nagblush siya, halatang napahiya.

Napalunok siya at nauutal sa pagsasalita. “Uhm.. H-hindi n-noh!!! G-gusto ko l-lang n-namang magpasalamat!” pagkasabi niya nun ay tumakbo na siya paalis. Naisahan ko nanaman siya! *smirk*

Since malapit lang yung room ni Kathryn sa banyo ng mga lalaki, susunduin ko na siya. Community service na din niyan ee! Tsaka kakaiba yung nakaassign sa amin ngayon!

Pero pagpunta ko dun ay yung mga kabarkada niya lang yung nandun. Nagtanong ako sakanila.

“Nakita niyo ba si Kath?” tanong ko kay Julia Montes

Tumango ito. “Hinanap ka.” matipid na sabi nito.

“Oo!!!” sigaw nung Sofia. “Di ba community service niyo na? Teka! 30 minutes na siyang umalis ahh. Baka hindi kayo nagkita?

Napa-Ahhh nalang ako. “Salamat. Hahanapin ko nalng siya”. Tapos ay umalis ako.

Where could she be?

Wala naman sa garden..

Hmmm. Ahhh! Baka nauna na sa haunted room. Mapuntahan nga. Medyo may kalayuan ang room na iyon dahil abandonado na. Naisipan kong kumanta.

 Sa umaga’t. Sa gabi. Sa. Bawat minutong lumilipas 

 ♪Hinahanap-hanap kita♪

 ♪Hinahanap-hanap kitaaaa♪

 

 Malapit na ako sa haunted room na yun.

♪Sa isip at panaginip. Bawat pagpihit ng tadhana♪

 ♪Hinahanap-hanap kita

 ♪Hinahanap-hanap kit-----♪

 “AAAAAAHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!” nakarinig ako ng sigaw ng babae. Wait. Hindi lang basta babae. Boses iyon ni Kath!!!

Napatakbo nalang ako bigla. Kusang gumalaw ang katawan ko papunta sakaniya.

Textmate [Kathniel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon