Chapter 27 ♡

77.8K 1.2K 74
                                    

Kathryn's POV:

"Hi Miss, ako nga pala si Sam Concepcion. Sam nalang." At inabot na niya yung kamay niya sakin. Makikipaghandshake na sana ako sakaniya pero may biglang kamay na lumitaw at yun yung nakipaghandshake na iba.

"Hi, ako nga pala si Daniel John Ford Padilla. Wait, THE Daniel John Ford Padilla. At siya?" tinuro ako ni DJ. "She's mine."

"And I thought your name was Kathryn. Sorry, So. You're Mine?" tumawa naman si Sam.

"Brod, She's MINE!" sigaw ni Daniel. I glared at him at nagkibit-balikat lang siya na may ngisi sa mga labi niya.

"Oo nga. She's Mine. I KNOW, kasasabi mo pa nga lang sakin eh!" giit ni Sam, halatang nang-aasar at obvious naman na hindi masakyan ni Daniel yung topak niya.

Napakamot lang sa ulo si Daniel at bumuntong-hininga.

"Osige na nga! Kathryn nga siya. Pero ako lang ang pwedeng tumawag sakaniya ng Kath. Teka, since mataba naman siya... Baba nalang. TaBA TaBA. HAHAHAHAHAHAHA." Parang baliw yung tawa ni Daniel at napatingin ang mga kaklase namin sakaniya.

Napatingin ako sa sarili ko. Naconscious naman ako bigla sa katawan ko. Ang taba ko na ba para matawag na BABA ni Daniel?

Humarap ako kay Daniel.

"Wala ka namang magawa noh? AHH!!!" saglit na tinakpan ko yung mukha ko tapos humarap sakaniya at inirapan siya. "Ikaw. Pottie!!! Payatot!!! Diyan ka nga nga!" tumayo ako at lumabas.

Narinig ko na tumawa siya. Ihhh!!! Nakakainis. Hindi naman ako mataba ah? Di ba? Oo malakas nga akong kumain pero promise hindi ako ganun kataba.. sakto lang eh.

Sa sobrang sama ng loob ko nakarating na pala ako sa canteen, hindi para kumain ah! Tatambay lang ako dun. Sakto! Nandun sina Julia M. at Sofia. Lumapit ako ako na padabog sakanila.

"Uyyy. BV ka yata?" tanong ni Julia M. sakin at nakangisi siya na nakakaloko.

"Please. Wag ka ng magtanong." sabi ko tapos tinabihan ko sila at nangalumbaba muna at bigla ko nalang nagulo yung buhok ko!

"HAHAHAHAHA. For sure si Daniel 'yan!" sabi ni Sofia. Sinamaan ko lang siya ng tingin. Kainis! Alam na alam agad? Tutok siya sa phone niya kaya baka may tinext si Khalil sakaniya. Nakibalita na nga yata ito.

"Ooops. You hit the bulls eye Sof. HAHAHAHA. Kelan mo ba kasi sasagutin?" pang-iintriga ni Julia, lumapit pa ito sakin parang may alam ito na hindi ko alam eh?

Feeling ko namumula na ako kaya yumuko nalang ako. Ni hindi ko pa nga napapangalanan yung "something" ko sakaniya tapos nandito naman siya ngayon, sobrang clingy at showy sa feelings niya.

Anong nangyare sakanila ni Julia B? What's the catch?

"Wag ganiyan" Change tapoic na sana... Tama nga! Nagtawanan nga sila eh tapos kumain nanaman sila, binigyan na nila ako dahil nagstress eating nalang ako.

Habang kumakain kami, may isang familiar face na lumapit samin. Mukha siyang loner kaya napatingin kami sakaniya, iba yung aura niya eh.

"Hi. I'm Bea Binene. Bea nalang. Can I join you for a while? My friends left me for a while kasi eh." Hindi pa man kami pumapayag ay umupo na siya. What's the sense of asking? Tapos ang conyo pa niya.

Sa totoo lang, hindi naman sa isa akong judgmental na tao ako... Mukha siyang masungit na spoiled na ewan! Eto nanaman yung instinct ko. Siguro guni-guni lang ito. Ika nga nila, Gutom lang!

Akala ko matatahimik na ako sa topic tungkol kay POTTIE pero sinimulan nanaman ito ni Bea...

"So I heard na nililigawan ka ng super hot at sikat na si Daniel?" nilapit niya yung mukha niya sakin. Nag-iintriga!

"Oo? Ewan?" mahinang sagot ko. I wish she would just drop the topic dahil kita naman niya na payapa kaming kumakain ng mga kaibigan ko.

"Awww. Wala na pala akong pag-asa..." pasigaw na bulong nito. Sabay sabay kaming napatingin sakaniya dahil bigla siyang umiyak. Hala?

"Bakit ka umiiyak Bea?" lumapit yung adviser namin samin na biglang sumulpot sa likod namin. Mageexplain na sana sina Julia M at Sofia sakanila ay inunahan kami ni Bea

Nagulat kami sa sinagot ni Bea.

"Ma'am, Kathryn was saying that I'm panget daw and I'm so arte." pag-aarte nito. Grabe! Umiyak pa talaga siya?

"Miss Bernardo! To my office now!" sabi ni Ma'am. Sumama na ako, pero bago ako maglakad, I saw her smirking sabay alis sa table namin.

Ni hindi man ako pinagexplain nung adviser namin.. office agad?

At alam niyo kung sino yung mga friends na tinutukoy niya na iniwan muna siya? Sina Julia B! Gosh! Akala ko lumipat na siya.

Yung mga mukha naman nina Julia at Sofia, parang gusto nilang sabunutan si Bea.

Ang gulo ng Senior year ko!

Textmate [Kathniel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon