Season 3: Ending? ♡

32.6K 652 33
                                    

PROLOGUE

Akala ko masaya na. Akala ko nakuha na namin ang happy na ending namin ni Daniel.. hindi pa pala.

Akala ko lang pala yun.

Magcecelebrate na sana kami ng 2nd Anniversary pero laking gulat ko nang bigla kaming paglaruan ng tadhana.

Nakatayo si Daniel sa may pinto ng restaurant kung san kami nagcelebrate ng 1st anniversary namin. Malapad ang ngiti nya at kumikinang ang mata.

Ako naman ay nakasimpleng dress lang. Ganito lang ang gusto kong pagcelebrate ng anniversary tapos ay uuwi kami at manunuod ng movies hanggang sa antukin kami.

"Halika na, hon?" ngumiti ito sakin at binuksan niya ang pinto at inoffer ang kanyang kamay.

Hinawakan ko ang kamay niya.

"Tara" nagpahila ako sakaniya.. pero wala pa mang ilang hakbang sa table na reserved samin ay...

"Ahhhhh!!!!" binitawan ni Daniel ang pagkakahawak niya sakin at humawak sa ulo niya.

"Daniel!!! Daniel!!!!" agad ko itong dinaluhan at tumawag ng tulong.

------

Nanginig ang buong katawan ko habang nakatingin sakaniya at may mga kung ano ano ang nilagay sakaniya sa hospital.

Biglang bumukas ang pinto at niluwa nito sina Julia at Sofia.. yung mga Sis ko.

Agad akong humagulgol sakanila. Di ko alam ang gagawin ko ayaw pang gumising ni Daniel...

"Shhh.. tahan na Kath" hinagod ni Julia ang likod ko.

"Lets pray na okay na si Daniel. Gigising din yan" sabi ni Sofia.

As if on cue ay nakita kong gumalaw ang daliri ni Daniel.

"Daniel? Naririnig mo ba ako?" agad akong lumapit dito. Sinamahan naman ako nina Julua at Sofia

"Daniel!" humawak ako sa kamay niya nang makita kong minulat niya ang mata niya.

"Nasan ako? Sino ka? Sino kayo?" sunod sunod ang mga tanong niya.

"Daniel, di mo ba ako naaalaa? Ako si Kath.. asawa mo ako. Di magandang biro 'to ah" nangingilid ang luha sa mata ko at napahawak ako kina Julia at Sofia dahil kung hindi ay baka natumba na ako sa panghihina ng tuhod ko sa mga narinig kay Daniel.


"Asawa? Sinong asawa?"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig.

Anong nangyayare?

****

Ate Dhane: Hi hindi po ako makakapangako ng Book 2 pero bibigyan ko kayo ng Season 3. Humingi ako ng sign kung itutuloy ko ito at pag-gising ko ay #3 na po tayo sa Teen Fiction! Maraming salamat po! Ito ang pambawi ko sainyo :)

Textmate [Kathniel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon