Chapter 8 ♡

110K 1.8K 150
                                    

Daniel’s POV:

Another day of community service. I’m spacing out kasi sa nalaman ko na malapit lang pala sa akin si Ms. Loner. Pero sino?! Madaming posibilidad dahil ang daming babae sa school namin, buti sana kung all boys school 'to tapos pwedeng limang babae per section, mahahanap ko pa eh.

“Hoy Daniel!” binatukan ako ni Kathryn. Nandito kami sa library. Wala ng masyadong estudyante nakauwi na sila ee. Di pa din tapos yung community service namin, ang dami ko na ngang natry. Ni hindi man ako ginaganito sa bahay, buhay hari kasi ako.

“Aray!” sabi ko. Tumawa naman siya at napasimangot ako. Gustong gusto talaga akong nasasaktan ng babaeng 'to ah?

“Kanina ka pa tulala! Anong problema?” tanong nito tapos hinawakan niya yung noo ko. "Wala ka namang sakit? Bakit ang tahimik mo naman?"

Sasabihin ko ba kay Kath? Mapagkakatiwalaan ba siya?

“Kas----.” Hindi ko na naituloy, kasi may biglang kumapit sa braso ko. Errrr. Eto nanaman siya, ang stalker ko at hinila ako paalis kay Kath.

Si Julia Barretto!

“Daniel, hatid mo ako! Natatakot ako ee.” Nagbaby talk pa! Anak ng! Kelan ba ako tatantanan nito?! Di maipagkakaila ang kagwapuhan ko pero kung ganito kaclingy ang stalker ko, baka magparetoke nalang ako.

Tinanggal ko ang pagkakapit niya sa akin, sinusubukan niya kasing idikit ang dibdib niya sa braso ko. Gentleman ako, makapaghihintay ang mga bagay-bagay!

“Kaya mo na iyan Julia! May bodyguards ka naman ee.” Sabi ko. “Tsaka isa pa can’t you see nagcocommunity service pa ako?!” tinuro ko pa si Kath na nagsososrt ng mga libro. Nag-awkward smile siya kay Julia.

 

“Ihhhh..” nagpout siya. “Pwede mo naman ipasa sa nerd na ito ehh.” Tinuro pa niya si Kath. Makikita mo na nagfade yung ngiti sa mukha ni Kath.

Nakayuko na si Kath, tila ba naiiyak. Bunganga talaga ng babaeng ito!

“Julia!!!” pagtatanggol ko kay Kathryn. Oo nga't naiinis ako minsan kay Kath pero hindi naman yata tama na wala akong gagawin sa ganitong sitwasyon?

“Totoo naman hindi ba, nerd?!” tinulak tulak pa niya si Kathryn. What to do with Julia Barretto?!

Humarang ako sa pagitan nila, nasa likod ko na si Kath. Nanginginig siya.

“Tsk. You.. You’re protecting her?! Choosing her over me? How dare you!” mangiyak-ngiyak naman si Julia. Tsk, best actress nanaman! Halos mapatingin ang mga tao sa library at makikita mong nakatayo na yung librarian

“Yes Julia.” Kalmadong sabi ko at hinila ko na paalis si Kath. Iniwan namin si Julia na nakatulala at nagtatrantrums na parang batang naagawan ng candy.

Textmate [Kathniel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon