Chapter 5 ♡

127K 1.8K 178
                                    

Kathryn's POV

Nako. Eto na ang community service! Kasama ko na si Daniel at ang una naming gagawin ay ang ayusin ang garden sa school tapos may long list pa kami ng gagawin at itong ksama ko naman mukhang pinaglihi sa sama ng loob, kanina pa nagdadabog!

"Kathryn." sabi ni Daniel.

Nangilabot ako na ewan!

Badump

 

Badump

 

 Badump

 

Tsk, eto nanaman yung heartbeat ko. Hindi. Dahil sa init ng araw lang 'yan! Hindi ako takot umitim eh, sabi nila bagay ko daw maging morena. Sabi ng FRIENDS ko. Pero kasi pag nababad ako sa araw nahihilo ako.

Humarap ako sakaniya.

"Bakit?" tanong ko. Ang lakas ng loob ko na medyo magtaray sakaniya eh!

"Mauna na ako ah?" sabi nito at tumalikod at naglakad. Ganun lang 'yun? Ako ng bahala dito? Ayos lang pero ang unfair! Hindi pwede 'to! No no no (by APink)

Hinabol ko ito at hinawakan ko siya sa braso.

"Teka! Teka! Teka! Teka lang!" sabi ko naman. Napatingin siya sa akin at kumunot ang kilay niya. Nacute-an pa ako sakaniya pero hindi ko pinahalata! Baka daanin ako nito sa charms niya, madami pa naman siya nun!

Nagkamot siya ng ulo. "Ano?!" sabi niya

"Ang kulit mo din eh ano? Di ba mas mapaparusahan ka pag umalis ka? Nako! Hindi pa tayo nakakapagsimula umaalis ka na!" sabi ko sakaniya. Para akong nanay. naalala ko tuloy si mommy Min! Ganito siya sa mga kapatid ko eh.

Tinignan niya ako ng masama at tumaas ang isang kilay niya.

"Hindi mo naman ako isusumbong di ba?" sabi ni Daniel at parang nagpabebe sakin with matching paghawak pa sa kamay ko na parang nasa isang fairytale kami na malapit na ang happy ending

Aba! Ano ba naman iyan. Oo may utang na loob ako sakaniya dahil binuhat niya ako papuntang clinic dati. Pero?! Kasi naman ako ang malilintikan kay Ms. Ramirez ee!  Tsaka parang nagkakasala ako sa University. Ewan ko ba ba't ang sunurin ko.

"Magsusumbong ako!" pananakot ko dito. Nakita ko na parang nagulat siya sa sinabi ko at namutla! Pag nalaman kasi ni Ms. Ramrez, pag nagsumbong ako, kukunin yung phone niya. Ginto naman yata yung phone nito parang ayaw ipahawak sa iba?

"You wouldn't do that!" sabi nito. Mukhang kampanteng kampante at nakasmirk pa! Mas lalong umapaw ang kakisigan ng isang 'to. TEKA TEKA, nasa isang debate kami di ako dapat madala sa looks niya!

"Ohh? Talaga? Try me." nilabas ko ang phone ko. Kunwari nag-dial ako. Pero sa totoo lang wala akong number ni Ms. Ramirez "Hello? Sorry po sa Abala Ms. Ramirez.." binitin ko ito para kunwari nakikinig sa sagot ng naturang guro

"Kath!" sigaw ni Daniel

"Oh yes Ms. Ramirez? Si Daniel po?" nag smirk ako. Nakakatawa na ang mukha ni Daniel. Namamawis pa XD.

"Kath, ibaba mo iyan." Bulong niya.

Bumelat ako. "Ma'am? Si Daniel po? Eto po ay-----." Kinuha ni Daniel ang phone ko.

"Ayan na! Di na ako aalis!!!!" sabi niya tapos nagpout ito at nagsimulang maglakad ng may mabigat na paa. Wow lalim. Mukha siyang batang naagawan ng teddy bear eh! Yung mga batang hindi nakuha yung gusto nila?

Kinuha ko ang phone ko sakaniya.

"Good." Tapos ay ngumiti ako. Nakakatawa siya!

Dahil dalawa naman kami, at garden naman ito. Siya ang taga-walis ako ang taga-tapon ng mga dahon dun sa trash bin na pang dahon. Good thing na konti lang ang mga dahon ngayon, pag tag-ulan kasi madami ang dahon.

After ilang minutes, natapos na kami. Hay. Napaupo ako sa bench. Pagod na pagod ako. Tumabi sa akin si Daniel.

"Ano?" tanong ko, mukhang maglalambing ito eh. O kukunin niya ang loob ko para next time makatakas na siya? Hm. Try me

May iniabot siya sa aking bulaklak. Kakaiba ang itsura nito. Never ko pang nakita. Infairness ang cute! Ang colorful!

"Para sayo" ngumiti ito. "Amoyin mo!" sabi pa niya. Aba sabi na eh kinukuha niya lang ang loob ko!

Nacurious ako at inamoy ko nga. Maya-maya pa'y napabahing ako. Ang baho! Maganda nga, ang baho naman!

"Atching!" nako. Naninikip nanaman paghinga ko.

"Kath?" sabi ni Daniel. "KATH!"

 

 

Nagdilim nanaman ang paningin ko.

***

Daniel's POV

"Ano ba ang pina-amoy mo dito?" tanong nung nurse.

Pinakita ko sakaniya yung magandang bulaklak na nakita ko sa may garden kanina.

"Eto po." Sabi ko sabay abot ko sa nurse.

"Nako! Lagot ka!" sabi nung nurse.

Kinabahan ako. "B—bakit po? Don't tell me..."

"Oo. Allergic siya sa mga flowers... At lalo pa diyan!" sabi nung nurse

Anak ng patis! Tsk. Hindi ka nag-iisip Daniel! Sana man lang tinanong ko sakaniya.. Pero, kasi kaganda nung bulaklak.

Napakamot nanaman ako ng ulo. Tsk! Dapat pala inalam ko muna, siya kasi tanggap ng tanggap hindi man lang sinabi sakin na allergic siya! O ako 'tong di nagtanong? Gusto ko lang naman magthank you sakaniya. Yun lang

Halaaa... Ano na ang gagawin ko ngayon?

"Bantayan mo nanaman yan!" tapos tumayo yung nurse at umalis.

"Opo. Opo!" sabi ko. Pahamak talaga ako kahit kalian!

Hay! Sorry Kath!

Heto nanaman ako, tagabantay haggang sa magising siya.

Nag-GM nalang ako sa paghihintay sa pag-gising ni sleeping Kathryn

To: GroupMessage

Ano ba iyan, here we go again, just like the first time we met

Good Afternoon! Keep safe

GM#BlueBear

Send to many

Oo nga pala, na-alala ko. Hindi na nagpaparamdam si Ms. Loner :(

*bzzzzt* *bzzzzzt*

Tumunog ang cellphone ni Kath. Baka nag-aalala na ang parents niya.

Kukunin ko kaya ang phone niya?

Textmate [Kathniel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon