Chapter 2 ♡

179K 2.5K 209
                                    

 Kathryn's POV

*ring ring ring*

Ayan nanaman ang mortal kong kaaway pag umaga. Si alarm clock! Ugh. Monday nanaman pala! Nakooo... Short horror story nga naman yung: Monday ngayon. Di ba nakakatakot?

Chineck ko ang inbox ko. Wow! 67 msgs. -_____-. Puro GM lang alam niyo na buhay single? HAHAHA joke... Pero yung isa galing kay BLUE BEAR ^_^

From: Blue Bear

Sorry. Nakatulog ako kagabi. Good Morning Ms. Loner! Gising na! Baka malate ka pa niyan!

Time: 4:30am

 

Wow. Ang aga naman niyang nagising.. Tsaka, hindi naman niya ako tinulugan. Hindi ko lang siya nareplyan dahil kay 8888. Di bale na! Bawi nalang ako. Tutal magpapaload naman na ako niyan!Ayan nanaman yung mga insekto sa tiyan ko pag naiimagine kong magkatext kami...

Bumangon na ako at nagpray. Nagstretching stretching. Tooth Brush. Ligo. Bihis at pumunta na ako sa school. As usual walang masyadong pumapansin sakin. Buti naman! Quiet life

(School)

 

"Kath!" sigaw ni Julia. Siya ang bestfriend ko. Sila ni Sofia! Julia Montes at Sofia Andres, akalain mo yun! Ang tawag ko nga samin ay PowerPuff Girls pero atin atin nalang yun dahil baka magalit sila sakin. Hihi.

Lumapit ako sakanila ni Sofia. Hay nako! May sariling mundo nanaman si Sofia. Ka-aga aga nakaearphones! Dinig ko ang pinapatugtog niya! Yung Kung Ako Ba Siya ni Khalil Ramos. Grabe. Youtube sensation na yung lalaking yun. Dati sa may school lang siya nagpeperform.

"Bakit Julia?" tanong ko... Kung makasigaw kasi ng Kath ee? Itong babae 'to talaga parang nakalunok ng megaphone pero cute siya. Matangkad na maputi at brownish hair! Swerte nga ni Enrique sakaniya eh!

Bigla naman itong namalo sa braso with matching kilig... Ahhhh alam ko na! Yung date nila ni Enrique! Iba na talaga yung may love life eh. BLOOMING!

 

"Oh. Kamusta ang date?" sabi ko... Nagblush pa ang bruha!

"Ayun kumain kami sa park. Ayos nga ee. Kasi kinain niya lahat ng niluto ko." Kwento ni Julia, tapos with matching action pa at sound effects kung pano sila naglakad at kung ano ano pa. Walang SPG kayo naman!!!!!!!

"Ahhhh.." sabi ko nalang. Di ako makarelate sa ganiyan ee. ALAM NIYO NA SINGLE!

Tinanggal ni Julia ang pagkapony tail ng buhok ko.

"Ano ba Julia!" sigaw ko..

"Shhhhh.." singit naman ni Sofia na minememorize ang lyrics ng kanta ni Khalil. Minsan lang kasi magOPM 'to puro One Direction, hindi ako hater ah

Tumakbo si Julia. Hinabol ko naman siya.

"Julia! Akin na yan ano ba!" sigaw ko. Oo nerd nga ako for a reason, TAHIMIK NA BUHAY, dapat mahinhin... Pero kasi yung ponytail ko... Hindi ako komportable na wala ito. Feeling ko kasi mas pumapanget ako! Parang may kulang sakin eh?

"Habulin mo ako!" tukso pa ni Julia na mas binilisan ang pagtakbo...

"Julia naman ee!" hay. Hinihingal na ako... Ang susunod na nangyare ay inatake ako ng asthma at nahimatay ako.

Narinig ko pa na sumigaw si Julia. "KATH!!!!"

 

 

 

 

Then everything went pitch black

---

DANIEL'S POV

 

"KATH!!!" nakikita ko na sumisigaw yung girlfriend ni Enrique. Tapos malapit sakaniya ay isang babaeng nakahiga na sa floor...

Dinluhan ko kaagad siya. "Napano siya Julia?" tanong ko... Oo close kami, napakilala na kasi siyaa samin ni Enrique. And I'm proud to say na itong Julia lang na ito ang nakapagpatino kay Enrique. In fact, 1 year na ang relasyon nila. Anyway.. Enough said.

Umiiyak si Julia. "Kasi.. Ponytail... Habol... Asthma... Himatay.." hindi ko siya maintindihan...

Ponytail? Napatingin ako sa hawak na ponytail ni Julia... Siguro sa babaeng nakahiga ito...

Habol? Hinabol siya nito dahil kinuha niya yung ponytail.

Asthma? Sa kahahabol niya inatake ito ng asthma?

Himatay? At ayun nahimatay!

Woooh! That made sense... Binuhat ko ang nahimatay na babae. Grabe ang gaan niya!

"Ako na ang bahala dito Julia" pag-aassure ko dito.

Tumango si Julia. "Sa---la---mat." Tapos ay umalis na ito

Ako naman, dinala koi tong babaeng ito sa clinic.. Hmmm. Ang gaan ng pakiramdam ko sakaniya kahit tulog siya

(Clinic)

Inexplain ko ang mga nangyare sa nurse. Napabuntong-hininga nalang ito

"Hay.. Pang lima na niya ito this year" sabi nung nurse.

 

"Pang lima?" tanong ko.

"Oo." Sagot nung nurse. "Lampa kasi yan ee. Mahina ang immune system  niya. Asthmatic pa, kaya tignan mo ang payat payat!" kwento pa nung nurse

May tatanungin pa sana ako ang kaso lang ay may pumasok sa pintuan

"Nurse emergency! Napilayan po yung classmate namin! Nasa may stairs po siya..." natatarantang sabi nung 1st year student.

Agad kinuha ng nurse ang mga gamit niya at tumingin sa akin bago lumabas.

"Ikaw na ang bahala diyan ah? Hintayin mong gumising" sabi nito at dali daling lumabas

Anak ng! Pero tutal wala naman kaming gagawin niyan, sige.

Kumuha ako ng upuan at tinabi ko ito malapit sa bed nung babae.

Naghikab ako... Hindi naman masama kung iidlip lang ako saglit di ba?

Pinikit ko ang mga mata ko.. At natulog

Textmate [Kathniel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon