Chapter 49 ♡

28.5K 677 199
                                    

Give me more time ;A; Sabay sabay yung comeback ng mga fav KPOP group ko ;___;

Last chapter na next chapter (ano daw) HAHAHA. Julia Barretto's POV na niyan!

*******

Enrique's POV:

Sa ganitong sitwasyon ay hinati namin ang team namin. Hindi pwedeng hayaan nalang namin si Daniel na basta bastang susugod dun. Sa galit niya kanina at pandidilim ng mga mata ay baka may magawa siyang hindi maganda.

Hayop! Lakas ng buwelo niya sakin. Kala ko nabakla na ako pero buti nakatayo ako. Pasalamat siya di ako gumanti at kailangan ko pang tahanin si Julia M... Makakatikim talaga sakin yun pagkatapos nito.

Napagdesisyunan na sina Sofia at Khalil ang pupunta sa bahay ni Julia Barretto para kausapin ang mga ito tungkol sa kalagayan ni Julia B... at kami naman ni Julia M. ay susunod sa location nina Kath at Daniel kasama ang mga pulis. Mabilis ang naging pag galaw namin at nagkaroon kami agad ng plano habang papunta kami. Buti nalang at mabilis ang sasakyan na napili ng head ng pulis.

Dinatnan pa nga namin si Daniel dun at napigilan namin siya sa pagpasok na baril lang ang dala. Nagset up sa madilim na lugar ang mga pulis at kinabitan si Daniel ng mga pang detect sa location niya.

Sinapak ko!

"Aray! Para san yun bro?" hinawakan niya yung ulo niya.

Sana maalog ulo niya.

Joke

"Para sa kanina yun. Mamaya na yung part 2 pagkatapos mong iligtas asawa mo!" umamba akong susuntukin pa siya. Bigla akong nanggigil nang magreply yung ginawa niya sakin. Hindi na ako nakapagpigil eh kailangan kong makabawi.

Umiling nalang ito at nakinig sa sinasabing plano sakaniya. Tumango naman ito at nagets niya agad. Buti naman kundi baka nasapak ko ulit.

"Susunod kami just press this button pag namataan mo na si Julia B. dun kami sisimulang paligiran ang buong lugar." yun ang huling instructions sakaniya.

"Ingat ka dun bro" sabi ko naman.

"Ingat ka Daniel ah.." sabi ni Julia M. babes ko sakaniya.

At nagsimula ng tumakbo ang plano nang pumasok siya sa loob. Naging handa kami sa kung ano mang mangyayare sa loob.

*******

Kathryn's POV:

Nahimasmasan ako nang makarinig ako ng kaunting patak ng tubig sa paligid. Ramdam ko ang tela na nakakabit sa bibig ko. Tinignan ko ang paligid, mahinang ilaw lang ang nagsisilbing liwanag sa lugar. Nakatali ako sa isang upuan at sobrang higpit ng pagkatali nito feeling ko mababali na yung kamay ko. Ang bigat ng pakiramdam ng katawan ko.

"Gising ka na pala..." sabi ni Julia Barretto sakin.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Nakuha niya na ako... hawak na niya ang buhay ko at ng anak ko. Is this the end for me? For me and my baby? Bakit ko hinayaang humantong sa ganitong sitwasyon? Naging masyado ba akong padalos-dalos sa mga desisyon ko? Alam na kaya sa headquarters ang nangyayare sakin? Si Daniel?

Lumapit si Julia sakin at sinamaan ko siya ng tingin.

"Oh? What's with that look? Gusto mo yatang tanggalan kita ng mata dyan?" she rolled her eyes on me.

Hindi nalang ako umimik at tumingin nalang ulit sa paligid para humanap ng posibleng daan palabas ko dito. Nasa may bulsa ko pa din yung Swiss knife at pwede ko itong kunin nang hindi napapansin ni Julia. Posible pa akong makawala dito... kailangan ko lang maging doble ang pag-iingat ko. Sa kabuuan may isang bintana lang at pinto na medyo luma na din.

Textmate [Kathniel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon