Chapter 14 ♡

85.8K 1.2K 147
                                    

Kathryn's POV:

Umagang umaga nawawala yung phone ko! Ano ba iyan! Asan ko ba siya nailagay? Tsk. I hate this feeling. Maiiyak na ako.

Comfortzone ko kasi yun tsaka pano nalang pag nagtext si Mommy Min kung may ipapabili pala siya sa leche flan business na sinimulan namin!

Bili na po kayo :)

"Kath okay ka lang?" tanong ni Albie. Nasabi ko naman na na seatmates kami. Napansin niya siguro na hindi ako mapakali.

"Oo." pagsisinungaling ko. Ewan ko ba. Naiilang ako kay Albie. I don't know why.. parang minsan nababaitan ako sakaniya tapos minsan parang ang creepy niya sa patingin tingin niya sakin?

Alam mo yun? Defense mechanism ko na siguro ang pag-iwas nalang sakaniya dahil di pa ako komportable.

"No, hindi ka okay." bulong niya. Kulit din ee. Nagkaklase kasi kami. Accounting . Masunget pa man din teacher namin dito. Sa sobrang sungit konting lingon lang sa katabi ay pinapalabas na.

Nginitian ko lang siya at kumopya ng lecture sa board. Pagkatapos ng Accounting, diretcho ako agad sa locker ko. Baka andun yung phone ko.. medyo nakakalimutan ko kasi kung san ko nilalagay yung phone ko.

Minsan hawak ko na tapos hahanapin ko pa din.

Okaya minsan makikita ni Mommy Min sa loob ng freezer.

Hala!

Pero kasi ayos lang kahit san mapunta dahil may password naman, hindi nila mabubuksan at makakalkal yun di ba?

Ang password ko ay 2626. Puro 26 noh? Favorite number ko kasi.

Shhhhh..

Secret lang natin ah?

Pagkabukas ko, HAY!!!!!! Nandito phone ko! Makakalimutin nga talaga ako. Nakahinga ako ng maluwag sabay check dito.

2626

(Insert Sim)

Pero bakit ganun?

NAWAWALA YUNG SIM!

---

Julia Barretto's POV

"Girls, nakuha niyo ba?" tanong ko sa mga kagroup ko. Tumango sila and they handed over Kath's sim card to me. Hindi naman sa naghihirap ako. NO WAY! It's all part of my plan para makuha si Daniel.

Akin lang si Daniel okay?!

I just overheard kina Enrique at Julia na yung secret textmate ni Daniel ay si Kathryn. I can't let them be happy. Sakin lang si Daniel. SAKIN!

I took the opportunity na habang nagAaccounting sila, pinakuha ko yung sim niya. I will pretend to be this Ms. Loner thingy kahit na super baduy! Mamaya, makikipagkita na si Daniel sa akin. I texted him as soon as I took a hold of the sim.

Daniel, you are mine now! Only mine! I can't let anyone have you!

---

Albie's POV

Bakit parang may kinuha yung kagrupo ni Julia sa locker ni Kath?

Hmmm... Ano nanaman kaya ang trip nung babaeng yun.

Nakita ko kasi na binuksan nila locker ni Kath, which is quite awkward. Nakita ko din kung ano ang kinuha nila, sim ni Kath! Bakit kaya?

"Asan na ba iyon?" hindi nanaman mapakali si Kath. Nilapitan ko siya

"Ano iyon Kath?" tanong ko. Kanina pa siya parang kiti-kiti =___=

"Yung sim ko... Nawawala." mangiyak-ngiyak na sabi niya. Pagkarinig ko nun, kinwento ko yung nakita ko sakaniya.

"WHAT?!" napasigaw siya at tumakbo palayo O_O. What was that for?

Nakakagulat naman! I don't know =___=

Makabalik na nga lang sa room.

Lalalalalalala.~

---

Daniel's POV

Nagpasyang magpakita sa akin si Ms. Loner. Why so urgent? Ngayon na ngayon na daw kasi hindi na siya makapaghintay. Nandito ako sa likod na part ng school

Ngayon pa talaga kung kailan makikipagkita ako kay Kath? O baka naman si Kath din makikita ko?

Ang tagal naman niya, tsaka bakit nag-iba ang format ng text niya? Ang dami ng tuldok! Tsaka biglang nageenglish eh ang alam ko purong tagalog si Ms. Loner..

Okay naman magenglishan kami, marunong naman ako pero nakakapagtaka talaga mga texts nito. Kagaya ng:

Daniel.......

Asan ka na?......

I want to see you......

Meet me @.......

Tsaka bakit kagusto na niyang magpakita eh dati lang ayaw niya? Ano ba ang nangyayare sa mundo?

Kinutuban ako ng masama dito.

"Ang tagal naman oo!" bulong ko. Excited ako siyempre. Ano kaya ang hitsura niya?

O si KATH nga ba talaga si Ms. Loner. Hindi ko na siya nakita dahil nagmamadali akong pumunta sa meeting place ni Ms. Loner.

Ano kayang gagawin ko kung si Kath nga? Di ba parang tadhana kung siya man.

"Daniel..." lumingon ako para makita kung sino ang nagsalita.

Textmate [Kathniel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon