Chapter 50 ♡

34.4K 704 222
                                    

Thank you babies! 3M reads! I love you all! <3 *pabebe wave*

Di ako makafocus dahil sa AlDub! Hay nakoe :((

********

Julia Barretto's POV:

*FLASHBACK*

"I think we should break up. Di ko na kaya Julia... iba kasi yung mahal ko" sabi ni Daniel sakin habang nasa isang restaurant kami.

Agad naproseso ng utak ko ang sinabi niya. He likes someone else. This can't be!

Tama nga yung kutob ko na may sasabihin siya sakin pero hindi ko inaasahan na ganito lang kami magtatapos. Iba yung mahal niya? That's bullshit! Pinaghirapan ko siyang makuha! Lahat ginawa ko. Madami akong nasaktan, madami akong niloko at madami akong sinakripisyo makuha ko lang siya... and still... I'm not enough?

"P-pero? Pero ako si Ms. Loner!" I was hysterical, wala na akong pakialam kung pinagtitinginan na kami

The hell with that corny Ms. Loner and Blue Bear thing! Nasikmura ko ito, sinikmura ko ito para lang maging kami. I couldn't even stand being called Ms. Loner. Anong kabaduyan yun? Anong taon na uso pa din ang mga jejemon na may call sign na baduy! Nakakasuka!

"Julia.. wag mong pahirapan ang sarili mo." hinawakan ni Daniel ang braso ko. "Let me go. I love someone else and I'm willing to pursue her"

Pumikit ako ng mariin.

"Si Kath ba?" nagingting ang panga ko.

Yumuko ito.

"Putangina si Kath ba?!" I was shaking.

After all that I've done... kay Kath pa din pala siya mapupunta? That was pure bullshit! This can't be happening! I must be dreaming? Anong kabulagan yan at anong kaputahan ang pumasok sa utak niya para maisip niyang mahal ni si Kath? Ginayuma ba 'to? May sakit? Bulag?

"Oo.. si Kath nga" sagot nito.

I've had enough for one day kaya naman kinuha ko ang baso na may lamang tubig at sinaboy ito sakaniya. I walked out of that crappy restaurant. Wala akong pakialam kung pag-uusapan ako o magiging viral online yung ginawa ko.. I just need space and time to think! I'm not giving Daniel to anyone, most especially not to that Kathryn!

------------------

Days past at totoo ngang nililigawan ni Daniel si Kathryn, it was all over the campus! It was everywhere even the social media. Dumating din ang Parking 5 to help Daniel court Kathryn. I rolled my eyes sa lahat ng makita kong related sakaniya.

What's so special about that Kathryn? Ano ba siya? Hindi naman siya maganda! Hindi naman siya mayaman! Hindi katanggap-tanggap yung fashion sense niya! And who knows? Behind that nerdy look is a whore deep within! I hope she rots in hell soon.

"Uy Julia, what are you going to do now?" tanong ng kaibigan ko na si Bea Binene.

Natahimik ako.

Ano nga ba ang gagawin ko?

"Don't worry friend, I'll help you." sabi pa nito.

Nagpasalamat naman ako sakaniya. One thing in life na mahalaga sa mundong ito bukod sa connections at pera ay kaibigan. I was thankful that I have Bea Binene in my side. She even offered to frame up Kathryn dahil malakas ang kapit nito sa mga teachers

Textmate [Kathniel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon