Chapter 29 ♡

81.5K 1.3K 74
                                    

Julia Montes' POV:

"Babe, ano na yung plano natin?" tanong ni Enrique sakin. Matagal ng hindi natuloy yung plano namin about Blue Bear and Ms. Loner issue kaya dapat matupad na namin yung misyon namin.

Ang dami kasi talagang hadlang pero eto ngayon si Daniel nalalapit sa totoong Ms. Loner niya at ang catch pa dito ay nililigawan na niya ito kahit na buong akala niya ay si Julia B. ang Ms. Loner niya

Ms. Faker nga tawa ko kay Julia B. eh buti hindi namin naging kaklase, PERO! Dumagdag naman yung kaibigan niya na si Bea Binene.

"Di ba malapit na yung camping natin Babe? Siguro dun natin gawin yung plan B habang hinihintay nating maretrieve yung video from plan A." sabi ko dito. Tumatango lang ito. Ang hirap daw kasi mabalik yung video naghire pa kami ng expert talaga, medyo nasimulan na itong mabalik pero nasa 4% palang daw eh

"Gusto mo magpatulong tayo sa iba? Pwede na siguro sina Khalil... mapagkakatiwalan naman sila eh!" suggest nito pero umiling lang ako.

Kami lang ang may alam, at si Julia B. pero hindi ibig sabihin nun ipagkakalat namin. Hindi! Ayaw ko ng may iba pa na makikisawsaw, lalong gugulo. Baka kung sino pa ang mag-claim na siya si Ms. Loner at magulo nanaman yung kwento nila Kath at Daniel!

"Quen, sino kaya yung nagdelete noh? Alam niya siguro ang secret." biglang pagoopen up ko. Napaisip bigla si Enrique.

"Siguro Julia... It's either kay Daniel siya may gusto or kay Kathryn. Hadlang naman yun sa kwento nung dalawa." sabi nito tapos tumawa pa ito.

"Tama ka! Idagdag mo pa si Bea Binene sa grupo ni Julia B. lalo tayong mahihirapan sa plano natin. Pero wag tayong mawalan ng pag-asa, Babe. Tayo nalang ang pag-asa ng kwento nila." sabi ko dito tapos niyakap ko siya. Pinat lang niya yung ulo ko at ganun lang kami for five minutes.

"Everything happens for a reason Babe." sabi ni Enrique. At tama nanaman siya.

*****

Kathryn's POV:

"AHHHHHHH!!!Tantanan mo na ako Daniel!" sabi ko sakaniya.

Pagpasok ko palang bumanat na siya kaagad.

Tingin ko never akong masasanay sakaniya lalo na ngayon na si Bea Binene ay nakatingin! Baka kung ano nanaman ang ikwento niya sa adviser namin at baka sa sobrang dami kong offense ay hindi ako makagraduate!

"Pero Baba! Ito yung way para makompleto ang araw mo. Ayaw mo? Baka hindi ka makatulog niyan" ngumisi siya at halatang nagpapacute!

Bakit ba ang landi niya? Kinikilig ako deep inside... Teka? Ano? Ako? Kinikilig? I mean, kinikilabutan pala yun! Oo...Kung ano ano na ang nasasabi ko

"Thank you nalang..." inirapan ko siya. Kailangan ko na talagang iwasan 'tong payatot na ito. Delikado ako kay Bea Binene ehh! Ayaw ko ng ma-office noh!

"Ouch brod! Sakit nun!" sigaw ni Katsumi na kumakain ng fries.

Tumawa naman sina Seth, Lester at JC.

"Parking 5! Assemble! May gagawin tayo mamayang lunch!" pagpaparinig ni Daniel tapos naghigh five sila!

Kakaiba talaga mga utak ng mga ito oh. Ang daming trip na naiisip

Ang lakas ng bulungan nila kaya tinakpan ko yung tenga ko. Naman oh! baka maging lutang ako buong araw niyan

"Pssssst... Mine, Bad vibes ka yata?" biglang sumulpot si Sam sa likod ko. Tinignan ko siya at ngumiti.

"Hindi MINE ang pangalan ko." pagtatama ko dito. Wala ako sa mood makipagcall sign ngayon.

"Um excuse me lang brod ha." hinawakan ni Daniel yung balikat ni Sam gamit ang dalawang kamay niya tapos parang inusog niya ito. Dahil kakafloorwax lang ng floor, madali niyang nausog ito.

"Ako lang ang pwedeng magformulate ng tawagan with Baba KO! Okay. Chupi ka na. SOLID bro!" proud na sabi ni Daniel.

Tumawa si Sam sa kacornyhan ni Daniel? Inangkin naman niya ako ngayon? Aba malay! Ang gulo gulo na ng buhay ko. Napansin ko pa si Bea Binene na nakaglare sakin. Ano nanaman ang ginawa ko?

"Ah basta Baba. Lunch punta ka sa field. May gagawin ako." tuluyan na pala niyang napaalis si Sam at ngayon parang inuutusan niya ako.

"At ano naman ang gagawin mo dun?!" singhal ko dito. Kinindatan niya ako.

"Secret! Walang clue! Basta!" Sabay sabay na sabi nila ni Katsumi, Lester, Seth at JC. Napaweird lang ng mukha nila. Di malaman kung smirk.

"Pupunta ako kung magsesexy dance ka!" sabi ko. Aba! Sa tigas ng katawan nito malamang....

"CHALLENGE ACCEPTED! Basta ba pag nag-ganun ako ay tayo na." chin up na sabi ni Daniel.

Hala?

Seryoso?

End of the world na?

Textmate [Kathniel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon