Chapter 20 ♡

77.4K 1.3K 36
                                    

Daniel's POV:

"Anong now?" tanong ko kina Julia at Enrique, nagsalubong na din ang mga kilay ko. Weird naman ng dalawang 'to! Mukhang may binabalak nanaman itong lovebirds na ito ahhhh!!!

Baka mamaya papavideohan nila akong nagsesexy dance! Wag naman sana dahil baka gawin ko nga!

Joke! Hindi ko gagawin yun!

"Kasi Daniel panu-----" hindi na natapos ni Julia ang sinasabi niya dahil biglang tumunog yung phone ko.

"Sorry biglang tumunog yung phone ko. Excuse me." sinabi kong may importanteng tao na tumatawag sakin tapos ay umalis na ako kaagad. Tinawag pa nga ako nina Julia at Enrique pero tuloy tuloy akong pumunta sa isang private na lugar. Alam niyo king bakit?

Kasi...

Mom calling....

[Accept] [Reject]

Siya yung importanteng tao na yun! Wait sagutin ko lang ito tapos babalik din ako agad dun kina Julia M at Enrique mukha kasi silang may sasabihin saking sekreto.

"Hello Ma" bati ko dito, medyo maingay yung sa background niya. Nasan kaya siya?

[Daniel! Hello! Can you hear me?] medyo choppy siya pero okay naman at naiintndihan ko pa siya.

"Yes Ma. So, bakit po napatawag ang pinakamagandang nanay sa buong mundo?" paglalambing ko dito. Sobrang close kasi kami ni Mommy, binababy pa nga ako nito sa harap ng tropa ko eh!

Sabi niya kahit ganito na ako kalaki ay baby niya pa din ako.

Mothers.

[Hay! Tigilan mo ako sa ganyan ganyan mo bata ka ah! Nandito kami sa airport ng Dad mo. Kagagaling lang namin sa Paris... at alam mo na kailangan ng susundo sa amin. Gamitin mo na yung kotse mo. Okay?] narinig kong nagHi si Dad sa kabilang linya, nagHi din naman ako pabalik.. di siguro makasingit sa phone ni Mommy.

"Ilan kayo ma?" tanong ko dito. Mabiro nga!

[Dalawa lang. Bakit?] masungit na ang boses ni Ma.

"Akala ko... may kasunod na. Hahahahaha" biro ko sabay halakhak.

[DANIEL JOHN FORD PADILLA!!! Tigilan mo ako. You know what I can do young man.] sumakit yung tenga ko sa sigaw ni Ma. HAHAHAHA. Hindi mabiro!

"Biro lang. Biro lang Ma. Sorry na! World peace na. Hahahahahaha. Katakot ko lang sa'yo. Nung minsan grounded akong makipag-jamming sa P5 ehhh." ngumiwi ako nung naalala ko yung ginawa niyang pagkulong sakin. Biruan lang kasi namin yun hanggang sa hindi na talaga ako nakalabas.

[Alam mo naman pala eh. Hurry up! I need you in about... 10 minutes] narinig ko ang pagtawa ni Dad.

"10 minutes? Katraffic ma! Pwedeng pa-extend?" nilakasan ko na din yung boses ko. Alam niyo namang di biro ang traffic sa Maynila. Parang kahit 4 hours na ang lumipas ay hindi pa din uusad

[Osige. Sampong minuto. Go! Pag nalate ka... No cellphone for a month. Got it?]

Si Ma talaga.. 10 minutes tapos sampong minuto?

Alam niyo na kung kanino ako nagmana sa kapilyuhan at kakulitan ah?

"Yes boss" katakot ko nalang sakaniya.

Ayan! Ayan ang nanay ko. Cool noh? Nagmana lang ako sakaniya *smirk*. Anyway! Tumatakbo ang oras. Better hurry!

10 minutes.. mukhang liliparin ko ang pagpunta sa airport ah? Kayanin ko kaya?

Nagpaalam na ako at inend ko na yung call at bumalik na kina Julia M. at Enrique, napansin ko din na wala pa si Julia B. pero kailangan ko na talagang umalis.

"Julia. Enrique. Albie. Sofia. Khalil, at kung nasan man yung girlfriend ko. Paalam na. Mom problems. Una na ako! Alam niyo naaaaa!!" pag-papaalam ko.

May sinabi pa yung iba pero hindi ko na narinig, nagmadali na akong lumabas para makapag-abang na ng taxi. Traffic talaga eh. Ayaw ko naman mawalan ng cellphone kaya dumaan ako sa mga shortcuts at kung san san pang iskinita na magkakasya yung kotse ko

*****

Julia Montes' POV

(After nung party)

"Enrique! Ayun na ehhh! Nakawala pa!" nagpout ako. Tumawa lang si Enrique. Kasi naman ipeplay ko nalang yung video ni Julia B. ay nakatakas pa ito! Ang lakas naman ng swerte niya biglang tumawag si Tita Karla kay Daniel.

"Oh bakit natawa ka diyan Babe?" tanong ko, pinagtaasan ko siya ng isang kilay! Nagpapanic na kaya ako :(

Inakbayan niya nalang ako bigla. "May bukas pa naman Babe eh. Sa ngayon..." nilapit niya yung bunganga niya sa tenga ko. "Pa-kiss naman~" bulong niya.

Pinalo ko siya ng mahina. "Tsaka na! Pag okay na yung lovestory nung dalawa."

Sa pagakataong ito... Si Enrique naman ang nagpout. HAHAHAHA. Ang cute niya.

"Oo nga pala. Napano na si Julia B.?" biglang tanong nito.

AYYYYY!!! OO NGA PALA! NAIWAN SA KWARTO ---- ESTE CLOSET KO. Bwahahahaha. Di, biro lang. Nakauwi naman na siya. Siyempre with my help. *smiles*

Hay kapagod! Weekend na bukas. Tara pahinga tayo? :))))

e

Textmate [Kathniel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon