Chapter 36 ♡

65.6K 1.3K 63
                                    

Happy 430.5k reads :)

******

Kathryn's POV:

Di ko alam kung bakit ganito si Julia at Enrique, tutok silang dalawa sa play na gagawin namin eh dati petiks petiks lang sila! And guess what kami daw ni Daniel ang
lead role. Ayaw ko nga kasi takot ako na baka magkamali ako at mapagtawanan .

Tsaka aamin akong may stage fright ako! Baka bigla nalang akong mamental block at ako pa yung maging dahilan para bumagsak kami sa play!

Lutang pa kasi ako nung araw na yun, dapat cooking ako! Mahilig kasi akong magluto pero bigla nalang akong um-oo kay Julia M. na play nga.

"Ano ka ba Kath kaya mo yan!" sabi ni Daniel

Bakit kasi biglang susulpot si Daniel eh kinikilig na ako?

#Paraparaan

"Tsansing ka pa" tinanggal ko yung pagkaakbay nya sakin. Inasar pa nga kami ng mga nakakakita eh ang akin nandun lang naman si Julia B. na sobra kung makaglare sakin. Wala naman akong ginagawa! Si Daniel dapat ang samaan niya ng tingin!

Isama mo pa si Bea Binene ka taga-sumbong kay Julia B.. ano ba yan!

"Asus kinilig ka naman!" kinurot nya pa pisngi ko. Ang sakit. "Kath akala ko ba matalino ka? Kailan mo ba ako sasagutin?"

"HA???!!!" napatayo pa ako, tumawa pa sya sabay hawak sa baba ko dahil nga mas matangkad sya sakin napatingala ako.

"Ito naman iba iniisip! Sagutin mo tawag ko sainyo pag gabi! Lagi nalang si Tita Min kausap ko" nagpout pa ito. DJ talaga! Halatang nagpapalusot ito!

Si Mommy Min nga kasi yung nakakasagot sa tawag niya dahil nga hindi pa ako nakakauwi ay tumatawag na siya, syempre si Mommy yung sasagoot.. at balita ko close na sila agad! Nung minsan ay dinalhan pa niya ng flowers si Mommy!

Pagood shot ka Padilla ah.

"Sumbong kita kay Mama!" banta ko at nilakihan ko ito ng mata. Pinisil naman nya yung pisngi ko!

"Joke lang kaya! Love na love ko si Mommy Min!" kinurot pa ni Daniel yung ilong ko.

"Mommy Min?!" singhal ko dito.

"Ha? Tita kaya yung sinabi ko. Uyyy!!!" humalakhak ito.

"Ewan ko sayo DJ!!!!!!" inirapan ko na siya, Kainis!

Nagwalk-out ako. Tama nga sya minsan ay ayaw ko syang kausapin sa telephone kasi pag nagkataon kikiligin ako tapos di makakatulog. Ano ba yan iba na talaga nararamdaman ko. Kung ano man 'tong something na nararamdaman ko wala pa nga syang pangalan. Like? Love? Hay!!!

"Kath wait lang!!" si DJ nanaman. Hinarap ko sya

"Ano??" naguguluhan nga kasi ako.

"Ah. Sabay tayong maglunch? Pinapaabot pala ni Julia M. yung script, tara magmemorize na tayo?" aya nya.

Napangiti nalang ako.

"Lunch nalang Daniel ano ka ba, mamaya na tayo magmemorize!" kinuha ko ang kamay nya at hinila papunta sa canteen. Ang bilis pa ng tibok ng puso ko. Napansin kaya nya yun?

"Kathryn may joke ako!!" mukhang masaya sya.

"Sige nga! Pag corny yan ililibre mo ako ng lunch!" tumawa ako agad kasi alam ko corny!!

"May tatlong chance ako. Game na ba?"

"Okay!!" pero bago yun naupo muna kami sa pinakamalapit na table.

"Anong sabi ni mama donut nung nakita nya si baby donut sa taas ng puno?"

Hmmmm ano nga ba?

"Ano Daniel? Ano?"


"Anak! BAVARIAN. Gets mo ba! BAVARIAN?"

Buti nalang napigilan kong matawa! Gets ko naman eh. Muntik pa akong napahavey!!!

"Ano ba yan... alam ko na yan eh" kahit hindi pa.

"Ay ganun? Eto yung pangalawa... Alam mo ba bawal daw ang salt sa simbahan?"

Napaisip nanaman ako pero mostly pinipigilan kong matawa

"Hmm.. di ko alam na bawal" kumunot ang noo ko at iniisip ang magiging punchline niya.

"Oo nga bawal!" tumatawa pa ito halos di ko maintindihan yung sinasabi niya

"Bakit nga?" inalog ko pa nga ito para mahimasmasan!

"Because it's A SIN! ASIN..." tinaas pa niya yung dalawang kamay parang nagtutula.

Tawang tawa sya sa joke nya. Ang cute

"Hay last chance mo na" pero sa totoo natawa ako. Dinadaya ko lang 'to eh!

"Ay ganun? :(. Sige na nga. Last na. Anong tawag mo sa konting goat?"

Aha! Najoke na sakin 'to dati

"KapirangGOAT?" sagot ko agad!

"Ay basag?" nangalumbaba ito.

"Hay nako DJ! GOATom lang yan! Tara na nga, libre mo ako" hinila ko na sya kasi ramdam ko nanaman yung mga alaga ko sa tiyan.

At naglunch na kami, sana ganito na kami lagi.

"Kath?" napatingin ako sa pagtawag nya sakin. Pinunasan ko muna yung bibig ko... feel ko na yung sauce ng palabok eh.

"Bakit?" kinakabahan naman ako sa lalaking 'to!!!

"Ano.. pagkatapos ng play may sasabihin ako sayo sana wag kang mabibigla" sabi nito. Nagacting ako na nabigla ako. "Sabi ng wag mabibigla eh!!!"

"Oo na po. Pero pag nakakabigla talaga wag mo akong pipigilang magreact ah?" pinalo ko yung braso niya ang gulong kausap!

"Oo naman." kumindat pa ang loko!

"Okay?" panigurado ko. Napanuod ko ito eh.

"Okay. Maybe okay will be our always"

Fault in Our Stars lang ang peg?

Textmate [Kathniel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon