Chapter 31 ♡

70.2K 1.2K 185
                                    

 A. Tapusin na after ng chapter na ito

B. Hanggang season 2 lang

C. Season 3 or new KathNiel Story

Salamat! I really need your answers po kasi balak kong gumawa ng panibagong KathNiel story

*****

Daniel's POV:

(Lunch)

Napangiti ako agad nung tumunog ang bell pero may halong kaba din ako. Kahit na sanay ako/kami sa pagpeperform sa harap ng madaming tao ay kinakabahan pa din ako. Parang ang daming insekto sa tiyan ko idagdag mo pa yung pang-aasar ng tropa ko.

"Mga brod baka di sumipot si Kath ah! Sayang pinraktis ko... natin! SOLID!" sabi ko sa P5 at kay Enrique at Khalil.

"Pano nga kung di ka niya siputin ha?" tanong ni Katsumi na biglang nagkangiti sa labi niya. Yung ngiting yun may binabalak! Baka plano niyang kidnapin si Kath para di makasipot, Suntukan nalang kami!

"Edi hindi! Madami pa namang bukas!" sagot ko. Panigurado may naiisip na kalokohan ang mga 'to kaya nagtapang-tapangan na ako kahit na ang totoo ay baka maiyak ako pag di sumipot si Kath.

"Kung okay lang pala na hindi pupunta si Kath mo... edi Khalil pakisabi kay Sof na wag ng papuntahin si Kath! Hahahaha!" sabi ni Lester. Sige lang!

Pagpatuloy niyo lang ang pang-iinis sakin! Baka mamaya dambahan ko kayo diyan at di na kayo makahinga.

"Sige ba Lester! Wait lang itetext ko" sabi naman ni Khalil! Aba! Nilabas na niya yung phone niya.

"Hep! Hep! Hep!" sabi ko sabay kuha sa phone ni Khalil. "Wag kayong ganiyan ah! Upakan ko kayo eh! Asan ang moral support mga brod? MORAL SUPPORT! Dapat solid tayo! SOLID!" pinanlakihan ko sila ng mata.

"Solid ka diyan! Handa na ba 'yung sexy dance mo?!" nagpipigil ng tawa si JC. Handang handa na ako! Nakailang practice ko na yun noh!

Hmmm! Mamaya makikita niya!

"Hahahaha. Alam naman natin na pagdating sa pagsayaw... si Daniel... HAHAHAHAHAHAHAHA" sige lang Seth.

Umakto ako na parang susuntukin ko siya, ang bakla nagtago sa likod ni Enrique.

"Oh, chill lang Daniel! Di ka naman maloko" nagsalita ang kanina pa na tahimik na si Enrique. Madalas ko na siyang nakatingin sa kawalan ah? Anong kayang problema nila?

Ang init init na sa field ah. Nakatambay kami may stage dahil sa performance. Padami na din ang tao dahil binrodcast ko talaga!

Ang pag-ibig ko kay Kath parang IPIS! Kaya kong ipagsigawan sa buong mundo! IPIS-book ko pa! #MedyoCorny

"DANIEL! NANDIYAN NA SI KATH! HI BABE!" biglang dating ni Julia Montes na patakbo at pumunta kay Enrique. Inutos ko kasi na i-blind fold si Kath papunta dito. Nung narinig ko 'yun pumusisyon na ako... kami.

Kakantahan ko siya tapos 'yung request niya na sexy dance!

Patay tayo dyan!

Aba! Kung eto ang makapagbibigay sakin ng matamis niyang oo! Itotodo ko na!

SOLID! SOLID! SOLID!

Huminga ako ng malalim!

Nakita ko na madaming nagrerecord ng gagawin ko. Sige lang! Push niyo 'yan baka maging youtube sensation pa ako!

"Oy Daniel! Malapit na si Kath, wag ka munang magdaydream diyan bro. Mamaya nalang pagkatapos ng performance natin" nagbalik ako sa realidad nung kinalbit ako ni Seth

3

2

1

Nasa harap ko na si Kath at tinanggal na 'yung blindfold... kitang kita na gulat siya, tapos kinindatan ko pa siya with matching lipbite. Tignan ko lang!

*****

Kathryn's POV:

"Nasayo na ang lahat

Minamahal kita pagkat

Nasayo na ang lahat

Pati ang puso ko"

Hala? Bakit ganito? 'Yung puso ko biglang bumilis ang pagtibok. Daig pa ang mga kabayong nakawala sa kwadra.

"Nasayo na ang lahat

Minamahal kitang tapat

Nasayo na ang lahat

Pati ang puso ko"

The fact na ang daming nanunuod? Tapos live live pa siyang kumakanta? Tapos... Si Bea Binene na may kausap sa phone? Feeling ko tuloy ang sama kong tao...

"Oh oh oh oh oh

Na na sa yo na ang lahat

Oh oh oh oh oh

Na na sa yo na ang lahat"

Papalapit ng papalapit si Daniel sakin kasabay nun ang pagbibigay at biglang sulpot ng mga batang may dalang mga rosas at lobo. Tumingin ako ng masama kay DJ tapos siya naman ay kumindat lang

"Lahat na mismo na sayo

Ang ganda, ang bait, ang talino

Inggit lahat sila sayo..."

Itinigil niya ang pagkanta at nagformation sila ng P5.

(Check niyo po yung GIF)

"KYAAAAAAAAAAAAAAAAH"

"OMG SO HOT!"

"KATH YOU LUCKY GIRL!!!"

NATATAWA AKO PERO PINIPIGILAN KO LANG!

Dougie pa more.

HAHAHAA.

Textmate [Kathniel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon