Chapter 41♡

35.1K 682 28
                                    

Start! Are you ready?

*****

Kathryn's POV:

Ilang araw na kami sa hospital at nakausap ko na din ang mga doktor. Dito na din kami nagcelebrate ng Pasko ng buong pamilya. Hoping na gumaling na kaagad si Daniel.

Ilang eksperto na nga din ang nakausap namin at iisa lang ang sinabi nilang dahilan kung bakit nagkakaganito ngayon si Daniel.

Amnesia..

Selective amnesia to be exact.

Naalala kong mabuti kung paano siya napalo sa ulo ng kahoy nung araw na yun. Yung araw na gustong gusto kong makalimutan. Akala ko nga ay iiwan ko na sa past yung ala-alang yun pero eto at nagbabalik at nagbigay pa ng panibagong problema samin.

Sabi ng doktor niya ay ngayon lang daw nagkaroon ng ganitong klase ng selective amnesia na late natitrigger. Dapat daw ay kung nung araw daw na yun pa siya nagka-amnesia.

Isang misteryo nga kung tutuusin dahil ang tangging naalala lang ni Daniel ay simpleng college life niya na wala ako, wala din sa ala-ala niya sila Julia M, Julia B, Sofia at ang paglipat ng Parking 5 sa school noon.

Tumingin ako sakaniya habang tulog siya at bahagyang hinaplos ang pisngi niya.

"Ano ba ang nagyayare?" malungkot na sabi ko kahit alam kong di naman siya sasagot.

Biglang bumukas ang pinto at nakita ko si Enrique at Julia na may dalang prutas at bulaklak.

"Tulog pa pala sya.." sabi ni Enrique. "Gusto ko sanang subukan na ako naman ang kumausap sakaniya baka sakaling may bumalik na konting ala-ala" nilapag niya ang mga prutas sa mesa habang abala si Julia sa pag-aayos ng bulaklak sa vase.

"Salamat sa tulong ah, Quen?" sabi ko dito at tinapik ko ang balikat niya.

"Nga pala Sis, payo ng doktor na ilabas mo si Daniel at ibalik sa mga lugar kung saan pwede siyang may maalala. Makakatulong daw yun" lumapit si Julia sakin at nilagay niya ang takas na buhok sa likod ng tenga ko.

"Ayaw ko kasi siyang biglain at baka lumala" pag-amin ko. Hinawakan niya naman ang magkabilang balikat ko at medyo yumuko para magkalebel ang mga mata namin.

"Magpakatatag ka Sis. Kaya mo yan nandito lang kami" ngumiti ito.

Tumango naman ako at bumalik sa tabi ni Daniel.

Pabulong kaming nagkwentuhan nina Enrique at Julia sa mga bagay bagay at bali-balita.

"Next week pa yung uwi nina Katsumi, Lester, Seth at JC eh! Pumunta sila sa London.. ewan lang kung bakit" sabi bigla ni Enrique.

Natawa naman ako pag naaalala ko yung memories ko with Parking 5. Sa hospital din yun nung natahi ta parteng bibig si Daniel dun sa pabasketball game ng school.

"Baka sapakin nila si Daniel pagkauwi nila" medyo patawa kong sinabi. Knowing them ay baka nga sapakin nila ito, ganun sila eh.

"Oo nga!" sabi naman ni Julia. "Loko loko pa naman yung tropa nyang si Daniel"

Sa gitna ng kwentuhan namin ay napansin kong gumalaw na si Daniel at nagmulat ng mata.

"Ikaw nanaman? Bakit ka nandito? Oh.. Enrique brod nandito ka pala? Sino yan chixx mo?" agad sabi ni Daniel sabay turo kay Julia M. Bahagya itong tumawa.

Tinignan ko si Enrique. Tumayo naman ito at lumapit kay Daniel.

"Di ko 'to chixx noh! Asawa ko na. Nakajackpot nga ako eh" mayabang na sabi ni Enrique sa kaibigan.

Eto yung sinasabi ko eh. Naaalala niya si Enrique pero kami ni Julia, hindi!

"Nag-asawa ka na? Bakit di ko ako inimbita sa kasal mo? Wala 'to!" kumunot ang noo ni Daniel.

Nilabas ni Enrique ang phone niya at pinakita kay Daniel yung mga litrato nung kasal nila ni Julia.

"Siraulo ka! Ikaw kaya best man ko. Tignan mo!" mas nilapit ni Enrique yung phone niya at mas lumalim ang pagkakunot ng noo ni Daniel dito.

"Kailan 'to bakit di ko maalala?" napahawak na si Daniel sa ulo niya at sinenyasan ko si Enrique na ilayo muna ang phone.

"Baka mabigla" I mouthed. Agad naman nakuha ni Enrique yun

"Wag mo munang alalahanin brod, di naman ko nagtatampo" lumapit si Enrique sakin at hinarap kay Daniel.

"Enrique" banta ni Julia pero di naligilan si Enrique eh.

"Ito.. ito nga pala ang asawa mo. Ang pangalan niya ay Kathryn Chandria Manuel Bernardo-Padilla. Kath ang lagi mong tinatawag sakaniya" tinulak pa ako ni Enrique kay Daniel at napatingin nalang ako sa floor.

Kulit talaga ni Enrique.. sinabing baka mabigla.

"Asawa ko? Kath?" naguguluhan ang boses nito kaya nilingon ko na.

"Uhh.." walang salitang lumalabas sa bibig ko.

"Asawa kita?" tumitig siya sakin. "Pero.. di ko maalala" humawak na si Daniel sa ulo niya at nagsisisigaw.

"Daniel!" dinaluhan ko ito. "QUEN! Tumawag ka ng nurse okaya doktor!"

Tumakbo nama agad si Enrique at sumunod sakaniya si Julia.

"Ahhhh!!!" patuloy ang pagsigaw ni Daniel. Nakapikit na ito habang nakahawak sa ulo niya.

"Sshh.. Calm down Daniel.. Kalma.. Kalma.." hinahagod ko ang ulo nito at laking pasasalamat ko nang dumating na yung doktor at dalawang nurse.

"Anong nangyare Mrs. Padilla?" tanong nito sakin habang mabilis na hinanda yung gamot pampatulog na iinject kay Daniel

"Uh.. nabigla po yata Doc." sagot ko.

"Okay.. move aside. Papakalmahin at papatulugin muna namin siya" lumapit na si Doc habang hawak yung injection.

Masakit makita ang lahat ng ito. Naramdaman kong nangingilid ang luha sa mga mata ko.

Hindi

Magpapakatatag ako.

Para kay Daniel.

Nung napakalma at tulog na siya ay nagpasalamat ako sa doktor at lumabas na sila kasama yung dalawang nurse.

Lumapit si Enrique sakin.

"Kath, I'm sorry.. gusto ko lang na hindi ka na masaktan" sabi nito habang naiiyak na din si Julia sa tabi niya.

"A-ayos lang.. gusto ko na ding matapos ito.. para mawala na lahat ng sakit at hirap.. pero siguro talagang may mga bagay na hindi minamadali" humagulgol na ako sa bisig ni Julia habang hinahagod nito ang likod ko.

"Sshhh Sis.. tahan na" pagpapakalma nito sakin.

"Wag kang mag-alala Kath. Tutulong kami ni Julia sa kung anong plano mo pagkadischarge ni Daniel sa hospital" may assurance sa boses ni Enrique.

"Salamat talaga sainyo.. kung wala kayo baka di ko kayanin ang laban na ito" tumayo na ako ng mabuti at nagpunas ng luha. "Kaya ko 'to.. kaya natin 'to. Kakayanin para kay Daniel"

We've beeb through worst at hindi kami magpapatalo ngayon!

"Tama!" sabay na sabi nila.

Hinding hindi kami susuko!

Textmate [Kathniel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon