Chapter 19 ♡

74.3K 1.2K 31
                                    

Kathryn's POV:

Lumapit ako dun sa buffet table at naramdaman kong kumulo ang tiyan ko, buti nalang konti ang tao kundi baka bigla niyang marinig ang tiyan ko, nakakahiya na.

Kumuha ako ng plato tsaka kutsara't tinidor sa may gilid at tinignan ko ang mga pagkain.. may ibang gusto ako dun at may iba na hindi (dahil allergic ako dito).

Kinuha ko lahat ng gusto ko, malakas talaga kong kumain pag ganitong gutom na ako!

Bumalik ako sa lamesa namin at kumain na.

"Kath, penge ako niyan." –Daniel

Hindi ko siya pinansin, kumain lang ako ng kumain. Walang usap usap pag gutom!

"Kath naman eh. Akin nalang 'yan." tumabi na si Daniel sakin pero dineadma ko pa din sya!

Tsk. Bakit di kasi siya kumuha ng sakaniya? Gusto ko talagang magshare skanaiya pero gutom na nga ako at parang di pa nakakaabot sa tiyan ko yung kinain kong nauna.

"Kath. Hello! Nakikinig ka ba? Hoy! Akin nalang 'yan. Mukhang masarap" pilit niyang kinuha yung kutsara sa kamay ko, ang galing ko lang umiwas

Ineenjoy ko yung pagkain ko dahil yung pinka favorite ko na yung kakainin ko.. nang biglang

"KATHRYN!" sumigaw ito.

Tumigil ako sa pagkain. I glared at him. Anong problema nito? Parang bata na ewan. Kalapit lang nung pagkuhanan ng pagkain eh! Tsaka madami pa dun sa buffet table bakit kailangan yung kinakain ko pa yung gusto niya?

Itinaas niya yung dalawang kamay niya. "Sorry. Chill ka lang! Gutom na din kasi ako." sabi ni Daniel at nangalumbaba ito. Sasabihin ko sana na kumuha nalang sya sa buffet table pero baka isipin niya na ayaw ko sakaniya.

Bumuntong-hininga ako., Binigay ko na yung pagkain ko sakaniya. Nakakaawa, agad niyang kinain.. kung mabilis akong kumain kanina ay mas mabilis siya!

Uminom nalang ako ng Sprite dahil yun nalang yung natitirang pwedeng ioffer sa tiyan ko.

"Kath, naiinom ako." tumingin nanaman ito sakin. Nilakihan ko siya ng mata, kulit nito kanina pagkain ko ngayon namin pati yung Sprite na iniinom ko?

"Kath! Mamamatay na ako... *cough cough*" umacting pa ito sa harap ko at kinabog ang dibdib niya. Ay hala mukha talaga siyang mamamatay na.

Tumigil nanaman ako sa paginom. Ano ba iyan. Ugh!!! Ang lakas magpakonsensya nito! Hay kahit bitin ako sa pagkain binigay ko saknaiya ngayon naman SOBRANG bitin ako dun sa Sprite at eto ako ngayon ibibigay ko sakaniya.

Ang bait ko naman.

"O ayan!" inabot ko sakaniya yung Sprite. Nabitin talaga ako sa pag-inom ah! Bakit kasi hindi pa siya kumuha? Nang-aasar ba 'to?

Nung nakainom na siya nakaramdam ako ng pag-init ng pisngi ko. Lahat na yata ng dugo sa mukha ko ay napunta sa mukha ko. May narealize lang kasi ako..

"Kath, namumula ka? May sakit ka ba?" nilagay niya yung kamay niya sa noo iniwasan ko din agad at umubo para mawala ang usapan.

AISH KATH!!! TAMA NA. Ano ngayon kung nag-indirect kiss kayo?

Ano ngayon?

Ano ngayon?

Ano nga----.

Bakit ako kinikilig ng ganito?

Hay Kath may Julia B. na yan wag ka na.

"Kath ayos ka lang?" tanong ni Daniel.

"Oo... Alis na ako. Pakisabi kay Julia M. nauna na ako. Bye!" natatarantang sabi ko sabay tayo na din. Ni hindi na ako nakapagpaalam kina Sofia, Albie at Khalil. Umalis nalang ako basta basta..

Kasi naman!!.

Erase erase..

Kath. Kalma lang.. indirect kiss nalang naman yun..

KATH. Kalma lang. KALMA.

*****

Daniel's POV:

Napano kaya yun? Siguro nainis dahil kanina ko pa siya kinukulit? Hay okay lang at least hindi na niya ako iniiwasan di ba?

Oha? Galing ko di ba?

"Oh Daniel, san nagpunta si Kath?" sumalubong sa akin si Julia M at Enrique na naghahabol ng hininga.. mukha silang nagtrack and field battle. Itong dalawa na 'to talaga! ANg hilig sa sport.

"Umuwi na daw, pagpaalam ko nga daw siya sainyo na mauuna na siya.. Sumakit siguro ang tiyan non ang daming kinain eh" sagot ko at nagkibit balikat.

"HA?!" sabay pa sila.

"Di bale... Babe, NOW?" tanong ni Julia M. kay Enrique. Tumango lang itong si Enrique. Nilabas ni Julia M. yung digi-cam niya.

Anong now?

Para san 'tong digi-cam?


Textmate [Kathniel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon