CHAPTER 22: In An Instant

669 33 0
                                    

CHAPTER 22: In An Instant

Remi's P.O.V.

Paglabas ko ng cubicle ay inayos ko ang sarili ko sa harap ng salamin. Napangiti ako nang maayos ko na ang sarili ko. Lalabas na sana ako nang mapansin ko ang isang cellphone na nakalapag sa tiles ng lababo. Kinuha ko iyon at pinagmasdan.

Kay Gia 'to, ah? Napakaburara naman niya at iniiwan lang ang phone kung saan-saan. Ibabalik ko na lang sa kaniya 'to pagbalik ko ng classroom. Mabuti na lang at ako ang nakakita dahil baka kung ibang tao, malamang hindi na ito maibabalik pa sa kaniya.

Bago ako tuluyang lumabas ay binuksan ko ang phone para masiguro ko kung kay Gia nga ba ito. Napuno ng pagtataka sa isip ko nang makita ko ang lock screen wallpaper niya.

Bakit naman si Crystal ang nandito? Kaibigan ko si Crystal kaya alam kong hindi ito ang phone niya at alam kong ganitong-ganito ang phone ni Gia.

Biglang tumunog ang bell kaya hindi ko na lang inisip pa iyon at inilagay sa bulsa ko ang phone.

Nang makarating sa loob ng classroom ay siya agad ang hinanap ko pero hindi ko siya nakita. Baka wala pa siya. Inilagay ko muna sa loob ng bag ko ang phone ni Gia at mamaya ko na lang siguro ito ibabalik sa kaniya.

Natapos ang subjects namin para sa hapon at nagyaya si Molly na mag-mall. Pumayag naman ako dahil iyon naman na talaga ang bonding naming tatlo. Isa rin kasi iyon sa pinaka-favorite kong gawin, eh.

Habang naglalakad kami palabas ng school ay natanaw ko sina Gia at ang dalawa niyang kaibigan na sina Hadia at Aya na naglalakad palabas. Natigilan ako nang biglang maalala ko ang phone niya.

"Ahm, guys. Sorry pero hindi ako makakasama sa inyo," saad ko kina Molly at Crystal na napahinto na rin sa paglalakad.

"Ha? Bakit naman?" si Crystal.

"May kailangan kasi akong puntahan," I answered as I turned my eyes to where Gia is. Papalayo na sila at hindi ko na sila masyadong makita.

"Saan naman?" tanong niya pang muli.

"Ahm, sige na mauuna na ako. Ingat kayo!" Naglakad na ako palayo. "Bye!" I waved at them habang mas binilisan ko pa ang lakad ko. Sinubukan kong hanapin sina Gia pero nakalabas na sila ng school kaya tumakbo na ako para mahabol sila. Hinihingal na nakalabas ako ng school at agad akong nagpalinga-linga. Nakita ko naman silang sumakay sa isang taxi. Sinubukan ko silang habulin pero mabilis na nakaalis 'yong taxi. Agad naman akong pumara ng isa pang taxi at sumakay.

"Kuya, puwede po bang sundan po natin 'yong taxi na 'yon?"

"Sige po, ma'am."

Umandar na ang sinasakyan ko habang sinusundan namin ang naunang taxi na siyang sinakyan nina Gia.

Mga ilang sandali pa ay huminto na ang taxi na sinakyan nila kaya huminto na rin kami sa hindi kalayuan.

"Keep the change po," ani ko nang iabot ko sa driver ang bayad ko.

"Thank you po, ma'am."

"You're welcome po." Lumabas na ako ng taxi at natanaw ko sina Gia na pumasok sa isang KTV Bar.

Teka... puwede ba silang pumasok doon? Pero mga minor palang naman sila, ah?

Maglalakad na sana ako papunta ro'n sa bar nang biglang tumunog ang cellphone ko. Nang kunin ko ito mula sa bulsa ng palda ko ay nakita ko ang pangalan ni Kuya Resty sa screen.

Naghanap ako ng puwede kong puwestuhan saka ko sinagot ang tawag ni Kuya.

-

Gia's P.O.V.

She Takes My Breath Away (GxG)Where stories live. Discover now