Chapter 40

276 13 2
                                    

Isinama si Minggay sa loob ng ambulansya. Agad na sinuotan ng oxygen mask si Mer dahil mabagal at hirap na itong huminga. Ang mga paramedic, walang tigil sa pagpapa-ampat ng sugat na patuloy pa rin sa pagbulwak ng dugo.

Tinatanggal ni Mer ang oxygen mask na tumatakip sa kanyang bibig. May gusto siyang sabihin sa dalaga, pero pinipigilan siya ng isa sa mga paramedic. Pero mapilit si Mer kaya pinagbigyan na rin siya kalaunan.

"Si U-Ulap. I...i...ikaw na mag...ala...ga," putol-putol at hinihingal na sabi ng dating pari. Ibinalik agad ng paramedic ang tinanggal na oygen mask.

"Opo, Father Mer. Ako na po ang bahala. Huwag na po kayong mag-alala. Wala niyo na po munang isipin 'yun," umiiyak na sagot ni Minggay.

Pumikit lang si Mer at tahimik na ngumiti.

Balak pa sanang sumama ni Minggay sa emergency room pagkarating nila roon subalit hinarang na siya ng guwardya.

"Kasama niya po ako. Papasukin niyo po ako," pakiusap ni Minggay.

"Ay hindi puwede, ineng. Mga doktor lang ang puwede sa loob."

Walang magawa si Minggay at napaupo na lang siya sa waiting area sa labas ng emergency room.

Habang naghihintay ng balita, paulit-ulit na naglalaro sa isipan ni Minggay ang mga nangyari. Dumating si Hero, at basta na lang pinagbabaril si Father Mer. Ang bilis-bilis ng mga pangyayari. Kanina lang ay ang saya-saya ng araw nila, ngayon nabalot na ito ng trahedya. Bakit nagawa ito ni Hero? Narinig niyang para raw kay Manong Jerry ang ginawang pagbaril nito sa pari. Paghihiganti ba ito at paano kung siya at ang mga kapatid naman niya ang isunod nito?

Ilang sandali pa ay may narinig si Minggay na may umiiyak sa guwardya. Itinaas niya ang ulo mula sa pagkakatitig sa mga langgam na abalang nakapila sa pader at nakita  niya si Isabel na kagaya niya ay nagmamakaawang payagan siya ng guwardya sa loob. Natawagan pala agad siya ng paramedic sa hotel kung saan siya tumutuloy.

"Kapatid ko 'yung nabaril. Ate niya 'ko! Gusto ko siyang makita," utos ni Isabel.

"Saka na po, Ma'am, kapag sinabi na po ng duktor. Maghintay na lang po kayo sa waiting area," mahinahong sabi ng guwardya na mukhang sanay na sa ganitong eksena. Naka-ilang sagutan pa sila at sa huli, napahinuhod na rin si Isabel. Nakita nito si Minggay at malungkot siyang tumabi rito.

"Hindi na siya babalik. Wala na siya. Kinuha na siya," nanginginig ang baba ni Isabel habang patuloy ang pagdaloy ng luha sa kanyang mga mata. Ang bawat isang luha, pumapatak sa diary ni Father Mauricio na nakapatong sa kanyang kandungan.

"Huwag niyo pong sabihin 'yan. Diyos lang po ang nakakaalam ng kapalaran natin."

"Hindi Minggay, wala na siya. Binasa ko 'tong diary na nakita niya sa may hagdanan. Nakatakda talaga siyang mag-alay ng buhay sabi mismo ng mahal na birhen kapalit ng pagkawala ni Serberus. Siningil na siya, Minggay. Siningil na siya!" Kulang na lang maglupasay si Isabel sa sahig. Wala na itong pakialam kahit na pagtinginan pa sila ng ibang naroroon. "Merlindo!"

May isang nurse na lumabas ng emergency room maya-maya at agad siyang sinugod ni Isabel para makibalita sa lagay ng kapatid. Sinabi ng nurse na ino-operahan pa ang dating pari at ang duktor mismo ang magsasabi sa lagay nito. Lumabas lang siya para abutan ng tubig at tabletang pampakalma si Isabel dahil natatakot at naiistorbo na raw ang iba pang mga kamag-anak ng mga pasyenteng kasama nila sa waiting area.

Dumaan ang dalawang oras at sa wakas may lumabas ring duktor. Ang green scrub na suot nito ay may bahid ng dugo na malamang ay galing sa mga tinamong sugat ni Mer. Mabagal itong naglakad papunta kung saan naroon si Isabel at Minggay.

"Ikaw ba ang kamag-anak ni Merlindo Fabian?"

Tumango si Isabel.

"Ginawa na po namin ang lahat nang makakaya namin. I'm so sorry," hindi matingnan ng duktor si Isabel sa kanyang mga mata.

Ang Santo Sa Likod Ng Pinto Book 2: Si Father Mer (COMPLETED)Where stories live. Discover now