CHAPTER 13: CHD

828 38 0
                                    

CHAPTER 13: CHD

Crystal Leigh's P.O.V.

"Iniinom mo ba ang gamot mo?" tanong ni Doc. Rivas sa akin. Nandito kami sa office niya at nakaupo ako sa upuan na nasa tapat ng mesa niya.

"Opo. Pero lately po madalas pong sumasakit ang dibdib ko," paliwanag ko sa kaniya.

"Hmm... Ngayon na nakabukod ka sa parents mo, that means, kailangan mong alagaan ang sarili mo nang mag-isa."

"That's what I'm doing."

"Are you sure?" he asked as if he was doubting me.

"Yes," I answered without hesitation. Totoo naman kasi na hindi ko pinapabayaan ang sarili ko.

"Hindi mo ba masyadong pinapagod ang sarili mo?"

"Ahh..." Hindi ako nakaimik. Kasi lately alam ko na minsan pinapagod ko ang sarili ko. At 'yong pagtakbo ko na hindi naman dapat.

"I see." He sighed. "Crystal, lagi kong ina-advice sa 'yo na hindi mo dapat pagurin ang sarili mo, 'di ba? At hindi mo dapat gawin 'yong mga bagay na alam mong hindi puwede dahil baka makasama sa 'yo."

Napayuko ako. "I know. I'm sorry."

Si Doc. Rivas, alam kong nag-aalala rin siya sa akin. Simula nang ipinanganak ako ay siya na ang naging cardiologist ko, up until now. He's like my second father.

"Do you still have your medicines?" he asked.

"Yes po."

"You must take your medicines regularly lalo na kapag nakakaramdam ka ng sakit. Alright?"

Bahagya akong tumango. "Opo."

"You have to listen to me, Crystal. Especially, if you don't want your parents to be more worried about your condition. I hope na hindi tayo dumating sa point na mas lumala ang kondisyon mo."

I hope so.

"Doc, may update na po ba about po sa heart donor ko?" pagbabakasakali ko.

"Unfortunately, there is still no update about it. But don't worry, your parents are doing everything they can and so I am. Don't lose hope. Someday, you'll get better and will recover from it. But for now, just follow all my instructions at huwag na huwag mong pababayaan ang sarili mo. Is that clear?"

Tumango-tango ako sa kaniya.

"Good girl." He smiled as if he's trying to give me hope. "Ihahatid na kita sa labas." He stood up and guided me to the door.

Lumabas kami ng office at sinamahan niya ako palabas ng hospital.

"Thank you po sa paghatid."

"No problem, basta 'yong mga bilin ko sa 'yo don't you ever forget that, okay? At kapag nagka-problema puntahan mo lang ako or puwede ring tawagan mo 'ko agad."

"Thank you po ulit." I smiled at him.

"Sige, balik na ako sa loob. I still have few patients to assist. Mag-iingat ka." Kumaway siya sa 'kin at naglakad nang muli papasok sa loob ng hospital. Kinawayan ko rin siya habang nakangiti.

-

Akira's P.O.V.

Habang nasa loob ako ng taxi ay sinuot ko sa tainga ko ang earphones ko at pinlay ang nasa playlist ng phone ko. Habang nakikinig ng music ay itinutok ko ang mga mata ko sa labas ng bintana. Nang biglang may nahagip ang mga mata ko. Tinanggal ko ang earphones na nasa mga tainga ko at sinipat nang mabuti ang labas.

Isang babae ang nakasuot ng uniform na katulad ko na kalalabas lang mula sa isang ospital at hindi ako maaaring magkamali kung sino ito.

Leigh?

She Takes My Breath Away (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon