Chapter 41 Mahal ko o Mahal ako?

31 0 0
                                    


Lance's POV

7am na pero heto ako, nagbe-breakfast pa lang.. Hindi ko alam pero wala akong ganang pumasok ngayon. Eto ba ang epekto nung nangyari kahapon?

Halos hindi din ako nakatulog sa kakaisip nung nangyari na iyon.

Mahal ako ni Hannah, matagal na at hindi ko man lang iyon napansin.

Pero paano si JR, alam kong siya amg gusto ko, pero ayoko din na saktan si Hannah.

Argh! Ano bang dapat kong gawin?

~*

"Bro, sabay ako sa inyo." sabi ko kay Zeke. breaktime kasi ngayon.

Yes, pumasok ako kahit super late na ako.

"Ha? s-sure.. pero sila kambal ang kasama namin. Busy kasi si Joshua ngayon e." sagot nito.. Naku, wrong timing pa ata ako.

"ah ganun ba? Sige, wag na lang." sabi ko.

Si Hannah kasi ang madalas kong kasabay nitong nakaraang araw, pero dahil nga sa nangyari kahapon, ayun.. wala akong lasabay.

Mag-isa ako dito sa isang mahabang table sa cafeteria. Ang awkward lang kasi para akong emo ngayon dahil ako lang ang tahimik ang table, kaya nagpaka-busy na lang ako sa pagkain.

Maya maya pa ay may umupo sa kaharap kong upuan.

"Hi." nati nito. Babae, baka makikipag-flirt lang. Huwag na nating pansinin.

"Snob?" sabi pa nito.

Tinapunan ko na siya ng tingin para manahimik, pero laking gulat ko na si JR pala ito.

"Ah J-JR ikaw pala yan. Dorry, akala ko random girls lang kaya hindi ko pinapansin." paliwanag ko.

"No, it's okay.. May gusto lang naman akong sabihin sayo."

"Ano naman yun?"

"Tungkol sa nangyari kahapon. Nabanggit sa akin ni Hannah yung nangyari nung sinundan mo siya."

"ah, sorry about that.. Hindi ko ssinasadya na ganun ang mangyari, nabigla lang ako." hingi ko din ng pasensya. Alam kong para akong tanga sa sinabi ko na matapos siyang magtapat ay nagawa kong magtanong ng ganun.

"Naiintindihan ko. " sabi niya.

"Pero JR, ikaw ang mahal ko." pagtatapat ko sa lanya. Pero nginitian lang niya ako.

"Lance, alam kong hindi na ako ang nanjan sa puso mo, at never akong napunta jan." nakangiti nitong sabi ngunit mahahalata mong seryoso ito.

"Kaya sana itong space sa pagitan niyo ngayon ni Hannah ay gamitin mo para malaman kung ano ba talagang nararamdaman mo."

Tahimik lang akong nakikinig sa kanya. Hindi nga ba? Hindi ba kailanman nakapasok sa puso ko si JR? Nasilaw lang ba ako sa pisikal niyang anyo, kaya nasasabi kong mahal ko siya?

"So, paano.. mauuna na ako syo." paalam niya saka umalis.

After ng naging pag-uusapnamin ni Hannah ay hindi na ako um-attend ng klase. Nagroad trip na lang ako. Drive ako ng drive kahit hindi ko alam kung saan ako pupunta.

Hanggang sa magdilim na, naisipan kong sa bar na lang ako magpapalipas ng oras.

Inom lang ako ng inom ng alak sa pwesto ko habang iniisip ang sinabi ni JR, siguro nga, kailangan ko munang hanapin ang sarili ko.

Pag-uwi ko sa bahay, agad akong nakatulog at isang panaginip ang bigla na lang pumasok sa isip ko.

--

Love CycleWhere stories live. Discover now