Kabanata 116

62 3 2
                                    

KABANATA 116..

MADIIN na tiningnan ni Argon ang kapatid. Paano kung napahamak si Louis?! Paano kung hindi naamoy ni Louise's si Louis?! Bakit pumunta sila sa kagubatan? Alam ba ng kapatid niya ang ginagawa nito?

Napipikit si Argon dahil sa pag-aalala!

“W-wag mong sisihin si Ate Pipa.. T-tatakas sana a-ako kaso nahuli ako ni Ate Pipa..” Yumuko ang anak habang nakangiwi na bumaling sa kapatid. “W-wag kana magalit?” Dugtong nito.

“Paano kung napahamak ka ha? Alam mo ba ang pasikot-sikot sa kagubatan na ito—”

“Nag-aalala ako sayo! Umaalis ka nalang ng walang paalam, hindi kana bumalik. Sinong anak ang hindi ang mag-aalala sa ama niya ha?! Sabi mo babawi ka, sabi mo hindi mo na ko iiwan pero bakit paulit-ulit mo ginagawa 'yun?! Alam mo 'yung pakiramdam na sinisisi ko ang sarili ko dahil sa ginawa ko sayo?! Halos gabi-gabi naririnig ko ang away niyo ni Ate Pipa ang mabigat na iyak mo sa silid ko. Sinasabi ko sayo kung ano ang nararamdaman ko?! Eh, ikaw? Umaalis ka nalang ng walang paalam!” Hinihingal na sigaw ng anak. Punong-puno na ito sa kaniya na hindi niya maiwasan na sigawan at ilabas ang galit sa kaniya.

Napakurap si Argon sa pag-sigaw ng anak niya sa kaniya at sa mga salita na binitawan nito. Gising ito? Narinig niya lahat ng sinabi ko?

Dumako ang tingin niya sa kapatid.. Nakatanga rin ito at walang alam sa sinasabi ng anak.

“U-umuwi na tayo, Ate Pipa..”

Tumalikod ito at hindi na siya tinapunan ng tingin.

Hindi alam ni Argon kung pipigilan niya ang anak. Bakit kasi kuha na kuha ni Louis kapag nagagalit si Louisa? Kapag galit ito, sumisigaw ito hanggat hindi humuhupa ang galit ni Louisa sa kaniya.

Tinulak siya ng kapatid at ngumusu kay Louis.

Nilakihan niya ito ng mata.

“A-anong gagawin ko?” Bulong niyang tanong sa kapatid.

“Lapitan mo? Ano, naduduwag ka?”

“Argara—”

Napatigil silang dalawa ng kapatid ng humarap sa kanila si Louis. Ang lambot ng mukha nitong pumunta sa kaniya at walang pag-alinlangan siyang niyakap.

Nanigas ulit si Argon at napakurap-kurap sa gulat.

May kung anong matigas na bagay ang bumaon sa dibdib ni Argon ng marinig ang mahinang hikbi ng anak sa balikat niya.

“L-louis..”

Mas lalong humigpit ang yakap nito sa kaniya.

“U-umuwi kana.. Kung naiingit ka kay Kuya Nikullas, pwede mo naman ikaw ang tuturo sa akin, diba—”

Hinahawakan niya sa balikat si Louis.

“L-louis, hindi mo kailangan pilitin ang sarili mo—”

Umiling ito.

“Gusto ko! Bakit ba ayaw mo akong payagan ha? Bakit ayaw mo sabihin sa akin ang totoo. Anak mo ako! Hindi mo kailangan saluhin ang dapat sa akin, ang dapat kay Ate Pipa! Ano ba ang ginagawa mo?! Kailangan mo ba kaming patayin sa pag-aalala sayo?!” Singhal ng anak. Nanunubig ang mata nitong tumingin sa kaniya.

“Ayoko mapahamak ka, Louis. Ayoko matulad ka sa akin.. Alam mo ba ang magiging kahantungan mo kapag nalaman nilang anak kita, Louis? Kapag nalaman nilang pinanganak ka na katulad ko?! Hindi lang ikaw ang mapahamak, pati narin si Luxe!”

Lumalim ang gatla ni Louis sa sinabi niya.. Naguguluhan at nagtataka ito.

“A-ano?”

Mabigat na bumuntong hininga si Argon.

Mag-Kabilang Mundo (Book2)Where stories live. Discover now