Kabanata 90

54 4 0
                                    

KABANATA 90 ...

           " ANONG GAGAWIN NATIN ? " mahinang bulong ni Argara . Nagmamasid si nara sa paligid at madidilim ang bawat parte na iyon at alam niyang mas maraming mababangis na hayop !

" Ang tamang daan ay kung saan tayo nagmula kanina, nara . Wala na tayong madadaanan ! " pinapawisan sila, tuloy-tuloy ang ungol ng mga hayop . Masakit iyon sa tenga at nagpapahiwatig iyon ng papalapit na pag-kain nila . Dreaminian man o nykirian .

Maingat ang galaw nilang bumalik sa kinaroronan, sa kung saan nila nakita ang mga nykirian .

" Wala na sila, kailangan na natin kumil—"

" Shhh, naghahanap sila ng pagkain nila . " tukoy nito ang mga liyon na kumawala sa kanilang mga bahay . Mabait ang mga liyon ngunit may limitasyon iyon kaya dapat mag-handa sila . Ang kabaitan na iyon ay kung paano mo sila mapapaamuhin o makuha ang tiwala nila katulad ni Louise's, ang alaga ni Argon .

" Kapag kinalaban natin sila, tiyak na hindi lang dalawa o lima ang dadating nara . " wika ni Argara habang nagmamasid sa mga liyon na paikot-ikot sa napabilog na daanan . Iyon ang ginagawa nila kapag naghahanap sila ng pagkain .

" Susubukan kung tatawagin si Louises, nara "

Parang ibon nang ang boses ni argara, hindi iyon napapansin ng mga liyon . Tinuro iyon ni argon kung sakali mang maka-salimuha sila ng mga liyon .

Wala paman limang minuto ng nakita nila si Louise's na kasama si argon, may sugat ito . Naalarma ang mga liyon at pumunta sa kinaroonan ni Louise's . Nagtaka sila nang mahinang ungol ang kumuwala sa mga liyon pero hindi sila gumawa ng hindi maganda .

" Halika na, ate nara " hinila siya ni argara papunta sa alaga ni Argon . Napaatras sila nang sumunod ang mga liyon pero agad rin umatras nang hindi nagustuhan ni Louise's iyon . Malaki ang pasalamat nila dahil matagal nang namuhay si Argon sa kagubatan na ito kasama si Louise's .

Hinihingal sila ni argara, kailanman hindi sila nakasalamuha ng ganitong karaming hayop . Oo, mandirigma sila pero ang nakalaban nila noon ay hindi na lumapas ng labing walong mga hayop sa isang araw ! maliban doon, nykirian ang kalaban nila .

" Kuya, bakit mas lal—"

Nagtataka ang mukha ni Argara " nabulabog ng mga kawal ni elundreno at ng nykirian ang kanilang tirahin kaya sila lumalabas . Hindi lang tirahin kundi pati na ang kanilang pag-kain . " paliwanag ni argon .

" Nakita niy—"

Umiling sila " maraming mga mababangis na hayop, kuya ! at naghihintay sila sa daanan ng da—"

Bigla umingay ang mga liyon at nagis alisto ang mukha ni Argon .

" Kailangan na natin umalis din ! " tinawag ni Argon ang kabayo nito .

Nagtataka ang mukha ni Nara at argara sa pag-alis ng mga liyon . bakit sipa umaalis ?

" Sakay na nara at argara ! kailangan na natin umalis, mas lalong dumami ang mga mababangis na hayop "

Nagmamadali na sumakay sila ni Argara at agad na sinunod ang tinatahak na daan ni Louise's . Malaki pa si Louise's kaysa kay Argon, kaya nitong isakay si argon at makipag-laban laban sa kauri niya . Maliban doon, ito ang pinuno ng mga liyon kaya sumusunod sa kaniya kanina ang ibang liyon . Hindi ko alam bakit nakuha ni argon ang tiwala ng pinuno ng mga liyon . Ngunit labing limang taon na nitong kasama sa kagubatan na ito .

Nadaanan ni Nara ang maraming patay na mababangis na hayop, ang iba ay mga kawal ni elundreno at mga nykirian . Nakaya ni Argon ito, sabay-sabay ?

Mag-Kabilang Mundo (Book2)Where stories live. Discover now