Kabanata 113

44 2 0
                                    

KABANATA 113

ILANG ARAW nang iniiwasan siya ni Luxe. He's a jerk! Jerk! He's always with Jyna and seem their conversation is serious together with the King.. Umiwas siya ng tingin ng tumagpo ang mga mata nila.

Minsan nakikita niya ang pag-sulyap sa kaniya ng binata pero hindi niya ito pinansin. Galit na galit siya at hindi niya alam kung bakit!

Umaasa kasi siyang iiwasan na niya ang Princesa. But, she's wrong. Luxe, maybe had feeling for Jyna and that kiss is nothing for him.

“S-sinungaling” Mahinang ani niya sa sarili at pinunasan ang luha sa pisnge.

Umalis siya sa bintana niya at humiga. Wala siyang lakas para lumabas ulit at masaksihan ang hindi kaanya-anya sa paningin niya. Even if she denied in herself that Luxe is nothing for her but her heart and eyes says otherwise. Hindi niya maikaila na ito ang dahilan bakit nilisan niya ang mundo na ito.

How could she fight this feeling if in the first place, it's forbidden to love someone who live in the unknown world? Katulad ng ina at ama niya.

Nagbuntong hininga si Margarita at tumingala sa itaas. Bakit kaya mali mag-mahal dito? Minsan iniisip niya, paano ng ama niya pinaglaban ang ina niya sa maraming Nykirian?

Princepe ang ama diba?

Napabalikwas ng higa si Margarita at nagtataka. If Semasu is the prince of center of Dreamian, how about her father?

Princesa ba siya?

“No.. No.. Hindi siya princesa!” Napahilamos siya ng mukha niya.

Pero.. bakit ayaw ng ama niya malaman na buhay ang anak niya? Ako 'yun diba?

Her senses back as she heard Ate Pipa voice. Hindi pa sila maayos at ngayon lang siya nito nilapitan.

Napatigil siya at lumaki ang mata niya ng makita niya si Kuya Nikullas!

“K-kuya?!” Hindi niya alam pero may sariling paa ang katawan niyang lumapit sa kasintahan ng kapatid ng ama.

Ang gaan ng loob niya dito at gusto-gusto niya ang bawat aral na binabahagi ni Kuya Nikullas.

Ginulo ni Kuya Nikullas ang buhok niya at may ngiti sa labi nito.

“Kamusta kana dito?”

“Maayos lang ako, Kuya. Ang tagal mong bumalik!”

Natatawa si Kuya Nikullas sa kasabikan niya.

Tumingin si Ate Pipa sa kasintahan at tinapik ang balikat. Hindi niya nakita na nasa likuran nito si Nichollo at ang palayong bulto ng ama.

Nahihirapan ang ama niyang kausapin siya nitong nakaraan ng araw pero kapag si Kuya Nikullas. Agad siyang umalis sa higaan at kinausap ito.

Napakurap si Margarita at nanikip ang dibdib niya.

Iniisip ni Margarita na magiging pabigat lang siya sa ama kapag wala siyang alam sa pakikipag-laban.. She don't want to lose her father. Hindi naman nito dapat kailangan habang buhay na protektahan siya nito..

“Ilang araw ka nang hindi lumalabas. Nag-aalala si Argara kaya ako na ang pumunta dito.”

Sumeryuso ang mukha niyang tumingin sa harapan. “Papayag na ako. Turuan mo akong gumamit ng sandata at makipag-laban”

Bahagya nagulat si Kuya Nikullas at Ate Pipa. Kahit si Nichollo ay napatingin sa gawi niya.

“Sabi mo ayaw mo diba?”

Mariin na pumikit siya.

“Nag-iba ang isip ko.”

Napatingin si Kuya Nikullas sa kasintahan nito.

Mag-Kabilang Mundo (Book2)Where stories live. Discover now