Kabanata 103

34 3 2
                                    

KABANATA 103..

       HINDI ALAM NI Nythundee ang sasabihin sa harapan niya . Alam niya na kasalanan niya bakit bumu-ag sila ng kasintahan pero ang akala niya iyon ang dapat niyang gawin, akala niya iyon ang tama hindi niya napansin na nasaktan niya ang anak at kasintahan .

Mariin na pumikit ang mata niya. Nag-dadalawang isip kung lalapitan niya ba ang kasintahan o hayaan mona itong makasama ang anak nila ?Lumalambot ang dibdib niya kapag nakikita niya ang mag-ina niyang nagyayakap at tila ayaw nang pakawalan ang isat-isa . Ito ang pangarap nila noon, ito ang gusto-gusto ni Nara .

Akmang aalis na siya ng tinawag siya ng anak niya .. 

" A-ma "

Nanigas si Nythundee at ang hindi mawari na emosyon ang bumalot sa kaniya . Napatitig siya sa kasintahan at naka-titig rin ito sa kaniya . Hindi na ba siya galit ?

Unti-unti lumapit si Nythundee sa mag-ina niya . Malawak ang ngiti ni Ersyia habang ang kasintahan niya hindi niya alam kung masaya ba ito o galit .

Umupo siya sa tabi ni Nara at mahinang pinisil ang kamay ng anak niya .

" A-yos ka naba ? May masakit paba sa— "

" Pwede po ba dito kayo matulog ? " matiim na tumingin si Ersyia sa kanilang dalawa .

Hindi siya makapag-salita sa gusto ng anak niya . Nababahala siya sa reaksyon ni Nara, baka hindi nito gusto na malapit sila sa isat-isa . Siya na ang kusang lumayo para sa kasintahan .

Hinaplos niya ang may marka na kalmot ng mababangis na hayop . Kasalanan ko kung bakit nasugatan ang anak ko . Kasalanan ko talaga .

" M-agpahinga ka mu-na, an— "

" Hindi parin ba kayo nag-uusap ? Aalis kaba ? Papayag ka bang mag-pakasal sa ibang b— "

Umiling siya dito . Hindi siya pumayag sa ano man gusto ng ama niya, umuwi siya hindi para matuloy ang kasal na iyon . Umuwi siya dahil galit sa kaniya ang kasintahan niya, ayaw niyang bumalik sa bahay na ito kapag alam niyang maging malala lang ang sitwasyon .

" May mga bagay na hindi mo maintindihan . Gusto moba aalis ako ? "

Umiiling ito .

" Hindi ako pumayag, Ersyia . Kasinungalingan lang lahat ang sinabi ni Darime sayo . Hindi-hindi ko ipapap—.. " Napatigil siya at tumingin kay Nara na naka-tingin sa anak niya .

" Walang makakapantay sa kaniya, Ersyia . Magpahi— "

Ngumiti si Ersyia at hinuli ang kamay papunta sa kamay ni Nara . Kumislop ng walang tigil ang dibdib niya ng sabay na dumapo ang mata nila sa isat-isa . Nakita niya ang gulat sa mukha ni Qynara sa ginawa ng anak nila . Bumaba ang kamay niyang naka-patong sa kamay ni Nara, hindi na matiis ni Nythundee at hinawakan iyon . Na-miss niya ito, sobra !

Hindi niya tiningnan si Nara ng bumaling ito sa kaniya tila nagulat at nagtataka .

" B-ati na kayo ina at ama. Gagawa paba ako ng paraan para bumalik kayo sa dati ? " ngumuso ang anak niyang tumingin sa kanila .

Nag-buntong hininga si Nara .

" Okay naman kami ng ama mo, diba ? "
Binalaan siya ni Nara bilang pag-laki ng mata nito. Sa sobrang pagka-bigla ay siniklop nito ang kamay nila, ramdam niya ang paninigas ni Nara .

" O-o , anak . Okay kami ng i— "

" K-ung ganun gusto ko dito kayo matulog sa silid ko . H-indi ko nakikita na maayos kayong dalawa " malungkot na ani ng anak niya .

Mag-Kabilang Mundo (Book2)Where stories live. Discover now