KABANATA 99 ..
WALANG LAKAS ang buong katawan niya habang nakatingala sa itaas tila nawala ang lakas niya sa nangyayari sa buhay niya . Ang bigat ng bawat pahinga niya sa sinabi sa kaniya ng kasintahan, tila ba may bumaon na punyal sa dibdib niya at wala siyang laka— ..
" Kuya ! K-uya ! "
Humahangos na pumunta sa kaniya ang kapatid niya, nag-aalala at takot na takot ito . Humihingal rin ito . May nangyari bang masama ?
Bigla siya kinabahan sa klase ng tingin ng kapatid niya .
" K-uya, ka-ilangan m-ong lumabas ! Kaila—gan m— "
Lumalim ang gatla ng noo niya dito .
" Anong nangyaya- "" S-i ersyia ! Kinakalaban niya ang mababangis na h— "
" An-o ! "
Kahit parang binugbug ang katawan niya, agad siyang tumayo sa takot at pag-alala sa anak niya . Sapalagay niya bumabalik ang unang silang palang nito, yung iyak at mukha nito . Ang kalagayan nito habang nasa bisig siya nito .
Nanginginig ang labi niyang tiningnan ang kapatid . " An-ong nan— "
" Bilisan mo k-uya ! Kahit si Argara hindi siya mapigilan dahil gusto niyang maputanayan kay ama na siya ang anak mo ! K-uy— "
Dumilim ang mukha ni Nythundee at tila lahat ng galit niya ay pumunta sa ama niya . Wala ba itong ginawa kundi saktan ang mahal niya sa buhay ? Tangina !
" K-ailangan ba talaga pati anak ko ? "
Yumuko si Ahrie " K-ailangan mu— "
Dagli na kinuha ni Nythundee and sandata niya at tumakbo siyang pumunta kung saan pinapakawalan ng ama niya ang mga mababangis na hayop para sa kaparusahan .
Halos bumagsak siya sa nadatnan niya at para siyang binuhusan ng malamig ng tubig sa nakikita niya sa anak niya . Dinudurog siya sa nakikita niya . Bakit anak ko pa !
" Ah-rhie ! Taw-agin ang lahat ng manggagamot! Dali ! " sigaw niya sa kapatid niyang mabilis na tumango .
Nagmamadali ang bawat hakbang niya papunta sa kinaroroonan ng anak niya at Argara .
" Er-syia ! "
Nagulat ang lahat ng kawal pati na ang hari at reyna . Ganun rin si Darime . Maraming mababangis na hayop na kinakalaban si Argara .
Madilim ang bawat tingin niya sa ama niya . Nagsisisi siyang bumalik ! Nagsisisi siyang nag-tiwala siya ulit sa ama .
Mahahaba ang hakbang na pumunta siya sa anak at kay nichollo .
" A-nak " Naging garalgal ang boses niya ng makita ang dugo na nasa kamay nito . Kagaya ito sa nangyari noon sa amin . Sapalagay niya bumabalik ang sakit noon !
" K-uy— "
Matiim na tumingin siya sa binata .
" Sundan mo si Ahrie, gamutin mo ang ana— "
" Ersyia ! "
Nanigas si Nythundee sa malamig na boses iyon . Nara ?
Bumagsak ito pero mabilis na nasalo niya ito ng makita ang anak nila, kumirot ang dibdib niya sa nakikita niya . Alam niyang pumunta dito si Ersyia dahil sa kaniya . Kasalanan niya ito .
Bumaling siya sa paligid at napakurap-kurap na makita na lahat ay bagsak dahil sa Magkapatid, si Argon at Argara . nandito silang lahat ?
" An-ong ginawa niyo sa anak ko ! B-akit mo siya pinabayaan ! Ba— "
YOU ARE READING
Mag-Kabilang Mundo (Book2)
FantasyBook 2 : "In another life, i hope we'll meet again, to continue our unfinished story. I hope someday the ending wont be this sad. We had the right love at the wrong time and place, my Semasu." -Margarita Louis Del Alfonso