Kabanata 119

56 1 1
                                    

KABANATA 119

NAPAKURAP-KURAP si Nikullas dahil sa nadatnan sa silid ng Ama. Paano si Nara nakapunta sa kaharian ng hindi nakikita ng mga kawal?

Dinuro ni Nara ang Ama nito. Sa nakikita ni Nikullas parang alam na niya kung saan nagmana si Nara.

“Layuan mo ang Ina ko, Damon. Dahil kapag nakita ko ulit na tinitingnan mo siya o nilapitan sa mundo namin. Papatayin kita! At, tandaan mo, wala akong pakialam—”

Mabilis na hinila ng Ama ang anak nito sa madilim na sulok dahil sa pag-pasok ni Thana sa silid ng Hari! Gusto pumaligpas ni Nara subalit umiling siya sa gagawin nito. Hindi nito alam ang pinasok ng kaibigan! Mapahamak ito.

Kahit ang Ama ay kalmado at walang emosyon ngunit alam niyang Kinakabahan at nag-aalala ito.

“Thana, ilang beses kung sabihin sayo na wag ka papasok ng hindi kumakatok!” Dagundong ang boses ng Ama.

Ngunit tumawa na lamang si Thana.

“Nagkakasagutan ba kayo ng magaling mong anak?” Umupo ito at nakataas ang labi habang naka-tingin sa kanilang lahat habang si Nara ay matiim na nakatingin sa kanila. Gulong-gulo at nagtataka, siguro dahil tinago ito ng Ama.

“Wala ka nang pakialam dun. Umalis kana” Matigas na utos ng Ama. Ngunit kilala niya si Thana, hindi nito susundin ang Ama.

“Damon, bakit mo naman ipagsiksikan ang sarili mo kay Nikullas. Kahit anung gawin mo, pipiliin nito si Argara at anak nito. Bakit nga ba nandito kapa, Nikullas? Kung alam natin na bumalik si Argara sa mundo ng Dreamaniya?”

Hindi sumagot si Nikullas. Ayaw niyang mag-wala sa ginawa nito at ayaw na niya maalala ang nakaraan.

Tumawa ulit si Thana.

“Mag-sigawan kayong mag-ama at ipakita mo sa ama mo, Nikullas. Ang galit mo! Dahil kahit paulit-ulit mung iligtas ang anak mo sa mundo ng mga Nykiraniya. Papatayin parin siya ng mga Dreamaniya kapag nalaman ng lahat na isa itong anak ng Princepe ng Nykiraniya. At kahit anung gawin ni Qynara at Argara, hindi niyo maililigtas si Nichollo sa nakatadhana sa kaniya. Katulad ni Argon, papatayin siya ng batas. At, alam kung katulad rin siya ng walang pusong kapatid ng Ina nito.” Ngumisi si Thana habang papalayu ito sa kanila.

Unti-unti kumuyom ang kamay ni Nikullas at pinipigilan niyang patulan si Thana. Gusto na gusto niyang patayin ang Reyna ng Nykiraniya. Sa ginawa nito at sinabi nito!

Lumabas si Nara at nakatingin ito sa kanila. May galit at kaguluhan sa mukha nito.

“Ito tandaan mo, Damon. Kapag sinaktan mo ulit si Argara o kahit sinong kasama ko. Papatayin kita! Lalo na ang Reyna mo! Kaya wag mong subukan na lapitan ang Ina ko. Kinakahimuhuan kita!” Galit na galit ang boses ni Nara sa totoong Ama nito.

Makakaya kaya ng Ama ito?

“Bakit ko naman sasaktan ang Ina mo—” Mabilis na pinigilan ni Nikullas ang Ama.

“Ama!” Umiiling siya dito. Sinasabi na, hindi ito ang araw o panahon na sabihin kay Nara ang totoo.

Bumuntong hininga ang Ama.

“Kahit isang beses hindi kita sinaktan o ang Ina—”

“Ng dahil sayo! Dahil sa utos mo, nawala sa akin ang mag Ama ko! Pinatay mo noon si Argara at nagdudusa si Argon. Para mo narin akong sinaktan! Pinapatay mo ako! 'Yun ba?! Kahit paulit-ulit mong sabihin na niligtas mo ako, sa mundo na ito. Hindi ko matatanggap ang ginawa mo sa kaharian namin at sa mga pamangkin ko”

“Hindi mo sila pamangkin, Nara!” Pag-sagot ng Ama.

Hindi alam ni Nikullas kung paano niya pipigilan ang dalawa.

आप प्रकाशित भागों के अंत तक पहुँच चुके हैं।

⏰ पिछला अद्यतन: Jul 29, 2023 ⏰

नए भागों की सूचना पाने के लिए इस कहानी को अपनी लाइब्रेरी में जोड़ें!

Mag-Kabilang Mundo (Book2)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें