Kabanata 86

54 9 0
                                    

KABANATA 86..

           ANG WALANG BUHAY na mukha ang bumungad ulit sa kaniya . Hindi na ni Haki mabilang kung ilang taon na siyang nakulong sa madilim at maduming kulungan na ito . Wala siyang alam sa lahat, kundi ang pangalan lang niya .. Minsan iniisip niya ito na ba talaga ang naka-tadhana sa kaniya . Halos sakit at pagdudusa ang naranasan niya sa maparusang mundo na kinagagalawan niya .

Gusto niya magalit sa mga magulang niya, gusto niya iparanas sa kanila ang pagdudusa at sakit na naramdaman niya ! kinahimuhian niya ang mga ito ! hindi niya matanggap at mapapatawad ang mga ito, dahil sa kanila naranasan niya ang kalupitan at sakit na binigay ng mga kawal sa kaniya . Halos madumi na ang kinakain niya, pinaparusahan siya, nilalabanan niya ang mababangis na hayop para mabuhay ng matagal . Lahat pinatay niya, lahat tiniis niya para mabuhay ..

Dumikit si Haki sa pader ng kulungan niya, buong buhay niya hindi niya nakita ang paligid sa labas .. " Mahal na Reyna " yumuko ang lahat ng kawal dito . Lahat sumusunod sa kaniya, lahat nirerespito siya .

Dumilim ang mukha ni Haki at kumuyom niya ang kamay ng patago ng makita niya ito ulit .. Ito ang nagparusa sa kaniya, pinahirapan siya nito . Halos patayin na siya nito . Bakit nangyari ito sa kaniya ? wala na bang nagmamahal sa kaniya at ito ang naranasan niya ?

" Kamusta kana, haki ? "

Hindi siya sumagot .. Nanatili ang kalmado at madilim na tingin niya dito .

Mapakla itong tumawa " Ang saya palang pag-laruan ang ina mo, Haki .. Ang sarap pag-laruan ang lahat ! "

Nagtatagis ang bagang niya nang marinig ang sinabi nito . Ina ? may ina siya ?! Una't sapol palang hindi na siya nagtiwala dito, kasinungalingan lang ang lahat ng sinasabi nito sa kaniya .. LAHAT ! LAHAT .kailangan kung malaman ang lahat, kailangan kung maka-alis !

" Papatayin ng ama mo ang kapatid mo, Haki . Papatayin ko kayo, ipaparanas k-- "

Agad na pumintig ang tenga niya at lumukob sa kaniya ang galit .. Kuyom na kuyom niya ang kamay niya habang hinabol ito subalit nahampas ang katawan niya nang may kadena ang paa nito . Nagpupumiligpas si Haki sa nakikita niya sa Reyna, nasisiyahan ito sa kasireblehan niya .

" Kamukha na kamukha mo ang kapatid mo, Haki at habang buhay ka nang naka-baon sa kulungan na ito at hinding-hindi kana makikita ng ina mo at kapatid lalo na ang ama mo . Hindi na nila malalaman na buhay ka ! " Ngumisi ang reyna at nakikita niya ang madilim na binabalak nito .

" Parusahan siya! Dalhin sa kweba ng mababangis na hayop! at wag niyong ilabas hanggat hindi siya nagdudusa ! " bago ito umalis ay kinuha nito ang latigo at hinampas ng ilang ulit sa kaniya ..

Pinigilan ni haki na sumigaw sa sakit, pinigilan niyang ipakita dito na nasasaktan siya . Kailangan niyang matapang, kailangan niyang gumawa ng paraan para tumakas . Hahanapin ko ang kapatid ko, hahanapin ko siya!

               LAHAT NAKAYUKO sa pag-pakita ng hari kasama nito ang princesa na anak .. Mayroon sa kanila, nagsisisi sa ginawang kamalian sa nakaraan . Minsan naisip nila kung hindi kaya nila hinusgahan at sinisisi ang lahat sa princepe ng sentro ng dreaminian.  Ito ba ang mangyayari sa kanila ? Ang princepe at princesa ng Sentro ng dreaminian ang tumatayo noon sa lahat ng kaharian sa mundo na kinagalawan nila, sila ang pinaka-malakas at kinikilala ngunit dahil sa pag-ibig nag-iba ang landas ng dalawang magkapatid . Alam nila, kukunin ng mga ito kung anong meron sila .

Ang madilim na tingin ng hari ang nagpakaba sa dibdib nila " Ang aking anak ang susunod na reyna ng Sentro ng Dreaminian ! " yumuko si princesa Viri sa kanila .. Alam ba nito ang ginagawa ng ama niya ? Maganda ang princesa at kahit anong gawin nito hindi nila makukuha ang princepe na luxe dahil nasa kamay ito ng dalawang magkapatid na Dreahm .

Mag-Kabilang Mundo (Book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon