Kabanata 81

197 8 4
                                    

KABANATA 81..

ANG MALAKAS NA paglabog ng dibdib ni Argon ang nag-dala sa kaniya sa labas.

Nararamdaman ko lang ito kapag nandito si Louisa! 

Sari-saring emosyon ang lumukob sa kaniya. Ito ang pakiramdam na para siyang hinihila sa baba dahil hindi niya kakayanin ang malakas na pagtibok ng puso. Hindi na siya mapakali at gusto na gusto na niyang makita ito. Puno ng kasabikan ang didbib ni Argon.

Nandito siya? Bumalik na siya?

Halos manigas ang buong katawan niya sa narinig.

“LOUISA! Louisa !” Boses 'yon ni Argara.

Dali-dali siyang lumabas at huminto ang mundo niya ng sumalubong sa kaniya ang tsokolate na mga mata nito. Sapalagay ni Argon, tumigil ang oras at ang tagal-tagal ng bawat hakbang niya papunta dito.

Hindi niya matukoy kung ano ang nararamdaman niya ngayon, nagagalak siya, masaya, malungkot na hindi niya maintindihan . Sa bawat hakbang nito palayo, dinudurog siya .

" H--art " ang nahihirapan at mahinang boses ni argon ang lumabas sa kaniya . Altimo na parang sinaksak ang didbib niya ng bigla nalang ito ng laho habang ang mukha nito puno ng galit at sakit, umiiling ito na parang ayaw na niya bumalik sa magulong mundong kinagisnan niya . Hindi na ba ako nito mapapatawad ? ayaw na niya ba ?

Napa-awang at ang tigas-tigas ng bibig niya para mag-salita, dumadaloy ang luha niya habang hindi kumukurap ang mata niya sa kinaroroonan kanina ni louisa .

Nasapo niya ang dibdib niya at muntik na siyang matumba kung hindi lang siya nahawakan ng kapatid niya . Napapaso at ang sakit-sakit ng dibdib niya sa pagtalikod nito at biglang pag-laho .

Parang nanaginip lang ako .

" K--uya, okay ka lang ba ? "

Humigpit ang kapit ni Argon kay Hiriku, nanginginig ang tuhod at kamay nito . Mahina siyang dumaing at pinipilit ang sarili na tumayo " K--uya, siya ba ang kasintahan mo ? "

Madiin na pumikit si argon sa narinig niya sa kapatid niya .

Nag-aalala na pumunta si Argara sa kaniya, namumula ang mata nito at bagsak na bagsak ang mukha nito " Si--guro, magpahinga kana muna . " bumaling ito kay hiriku . " Dalh--in mo si-- "

" Yung babae kanina, bakit puno ng gal-- "

" Ka--ya kona ang sarili ko . Kaya kona "

Bumuga siya ng malalim na hininga at tinungkod ang sandata para maka-lakad siya . Nawawalan siya ng lakas dahil dito at parang pinapatay siya sa loob .

" K--uya, kailang-- "

" Kaya ko a--ng sarili ko, arkhayl" hindi niya mapigilan na tumaas ang boses niya . Nagulat si hiriku sa tinawag niya dito, sa sobrang inis niya at galit sa sarili niya ang napag-buntongan niya ng galit ay kapatid niya . " Pasensiya kana . " mahina niyang tinapik ito at tinawag si louises . Bumagsak siya at nasalo siya ng alaga niya .

Hindi niya alam bakit kailangan pang mangyari sa buhay niya ito . Iniwan siya ng anak niya at kinahimuhian siya ng taong mahal niya . anong gagawin ko para bumalik sila ? desperado na desperado akong mayakap sila ulit, kahit isang beses lang .

             NAPATINGALA sa itaas si Louisa nang humigpit ang yakap sa kaniya ng anak niya. Her heart ached painfully as those heavily sobbed escape in her mouth . Nahihirapan siyang pigilan iyon, kung hindi dahil sa kaniya baka.. baka pinili niyang manatili doon pero dahil naalala at natatakot siyang iwan ang anak sa mundo ng mga tao hindi siya nagdadalawang isip na bumalik .

Mag-Kabilang Mundo (Book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon