Kabanata 93

36 5 0
                                    

KABANATA 93...

           ANG MAHINANG daing ang kumuwala sa bibig ni luxe habang nasa malamig na dagat ng selirio ang katawan niya, puno ng lason ang katawan niya na halos hindi niya ito maigalaw . Kahit pagod at wala siyang pahinga sa loob-loob niya halos tumalon na iyon sa saya at may umusbong na anong maalab na pakiramdam habang yakap niya si yubie . Hindi niya alam pero lumalalas siya lalo kapag alam niyang bumalik na ito, hawak-hawak niya ito at kasama niya ito .

Sumulyap si Luxe kay yubie na hanggat ngayon hindi pa gumigising . Dagli na nilinis ang katawan at nang naramdaman niyang unti-unti nang nawawala ang lason sa katawan niya ay umahon siya at pinuntahan si yubie .

Napatigil siya at matiim itong tiningnan " Ikaw ba talaga iyan, yubie ? " bulong nito sa binibini . Umangat ang kamay ni luxe at hinaplos ang pisnge nito .

Binalot siya ng kaba at pag-alala ng naramdaman ang mainit ito . Tumingin siya sa paligid, naghahanap ng pwede nilang tuluyan samantala . Kailangan ay humupa ang lagnat nito baka mas lalong mang-hina ito sa lagay nila ngayon .

Dali-dali na binalot ng balabal ni Luxe ang katawan ni yubie at pumasok sa isang lagusan na nakita niya, tinatabunan iyon ng tubig . Maingat ang galaw niya, natatakot na mabasa si yubie . Tiningnan niya ito at naka-pikit parin ito . May sakit ba si yubie ? bakit ganito ang nadatnan niya ?

Agad na binalot siya ng kaginhawaan ng makita ang maliit na bahay at maliit na ilog sa harapan nila . Walang pag-alinlangan si luxe na ilagay ang kamay sa tubig at ngumiti siya ng hindi malamig iyon ! hindi ito matuntun ng mga nykirian ! ligtas sila ni yubie dito .

" Magpapahinga muna tayo, yubie " gagad niya sa walang malay na yubie, bumibigat ang lakad niya ng naramdaman niya ang pag-kirot ng mga sugat niya . Alam niyang hindi biro ang nakalaban niya pero para kay Yubie, lahat gagawin niya .

Pumasok si Luxe sa bahay at agad tinungo ang isang silid doon, namangha siya ng makita ang kumot doon at mga gamit na kailangan sa sugat niya . Naninigurado si luxe na walang kahit nykirian o dreaminian na nasa bahay na ito, kailangan nila mag-ingat . Buong pag-ingat na nilapag niya si yubie sa malambot na kama doon at inayos ang higaan nito, kinapa niya ang noo nito at mainit pa siya ! ano ba ang gagawin ko hindi ko alam kung paano siya gagamutin !

Binalot nito ng kumot ang katawan niya, nang makita niya ang maliit na tela na tila isa itong panyo ay agad na pumunta siya sa maliit na ilog at binasa iyon . Natatandaan niya nang mga bata pa sila ni yheura ito ang ginagawa ng kaniyang ina,pinupunasan nito ang kamay at mukha nila para humupa ng kunti ang init sa katawan nila .

Nagmamadali na bumalik si luxe, napakurap-kurap siya ng makita iting gising at nahihirapana tumayo . Napako si luxe sa nakikita niya pero agad rin nagising ang sarili .

" Yubie ! " mahaba ang hakbang niya pumunta dito at sinapo ang pisnge niya . Nanigas si yubie, lumalaki ang mata nito na tila hindi nito nagustuhan ang nakikita . Nanunubig ang kilid ng mata nito " Ok—ay ka naba ? may masakit paba sayo ? anong gaga—"

Kumidlit ang hinang kirot sa dibdib niya nang tinulak siya nito at umiling . Sapalagay niya hindi nagustuhan ni yubie ang nakikita niya, hindi ito gusto na makita siya . Sa pinapahiwatig ng mukha niya puno ng galit, kamunghi at sakit ang nakikita niya dito . Galit parin pa ito sa akin ? hindi pa ba kami bati ?

Akamang hahawakan niya ito nang umatras ito " Wag m—o akong hahawakan ! lumayo ka s–"

" Yubi—"

Tumingin ito sa kaniya may luha sa pisnge niya . Ano ba ang ginawa ko ? " Hindi ak—o si yubie ! ay—oko makita ka " umiwas ito nang tingin at patalikod humiga .

Mag-Kabilang Mundo (Book2)Where stories live. Discover now