Kabanata 83

64 7 0
                                    

KABANATA 83..

              BUMADYA ang kaba sa dibdib ni Yheura ng makita niya ang sugat ng kapatid niya . Parang binuhusan siya ng malamig na yelo sa nakikita niya dito, ang putla nito at marami siyang sugat ! Alam niyang sobra ang mga salita na binitawan niya sa kapatid niya, hindi na nga ito naka-usap at nakasama sa isang linggo . Lahat iniiwasan nito, natatakot na marinig ulit iyon sa kaniya .

" Luxe ! " humahangos na pumunta si yheura sa kapatid niya " An-ong nangyari ? b--akit, bakit gan-- "

Ang walang buhay na mata ng kapatid niya ang bumungad sa kaniya " W-ala to, kaya ko ang sarili ko " pagkatapos niyang sabihin iyon ay nilagpasan na siya nito . anong nangyayari sa kapatid ko ?

Napatanga si Yheura sa ginawa ng kapatid niya . Ito ba ang pakiramdam ng mga panahon na nilagpasan lang ni luxe si marg ? Sinapo ni Yheura ang didbib niya ng maramdam ang kunting kirot doon . Sapalagay niya ramdam na ramdam niya ang nararamdaman ni Marg .

Mahina siyang dumaing.. Ito ba ang naramdaman mo Marg ? kinurap-kurap ni Yheura ang mata niya ng nagbabadya ang mainit na likido sa kilid ng mata niya. 

Tumingin si Yheura sa papalayong Luxe, napahakbang ang isang paa nito ng makita niya ang pagbagsak ng Kapatid niya subalit napapatigil siya ng kumidlit sa isip niya ang sinabi nito . Masama na ba akong kapatid dahil sa masasakit na salita na sinabi ko sa kaniya ? Napapikit sa inis si Yheura, wala man lamang magagawa sa kalagayan ng kapatid niya .

" Yheura " tinawag siya ni ate argara kasama nito si kuya argon .

" b--akit nagka-ganun si l-uxe ? hindi na--"

Mahinang hinaplos ni Ate Argara ang pisnge nito . Nalilito na siya minsan sa nangyayari sa mundo nila, nawala lang si marg sapalagay niya maraming nag-bago . Hindi na niya nakitang sumasabay si kuya argon sa pagkain sa kanila, hindi na ito ngumingiti . Sapalagay ni Yheura, lahat sila nawalan na ng gana na ngumiti at sumaya . Ganito ba ang epekto ni marg sa kanila ?

" Yheura, alam mo naman siguro kung bakit naging ganito ang kapatid mo ?  "

Matiim na tumingin si Ate Argara sa kaniya . Yumuko si yheura at parang may bumara sa lalamunan niya, hindi siya maka-sagot sa tanong ni Ate Argara .

" Hindi ko maintindihan si Luxe, wala akong alam sa nararamdaman niya pero sana yheura kaya niyang ibangon ang sarili niya ulit at tanggapin ang pagkamali niya. Kung babalik man si Louis sana hindi ganun ka bato ang puso niya para patawarin tayo at sana hindi si Luxe ang dahil ng pag-alis niya dahil kapag nagkata-on mahihirapan tayong ibalik siya-- "

Malalim na bumuntong hininga si ate Argara " Sa dati " mahinang dugtong nito . 

" G--usto ni luxe si marg, ate Argara " nauutal na ani ni Yheura, nakikita niya iyon sa kapatid niya . Unang kita palang niya kay marg nun, alam na niyang malaking parte na siya sa buhay ng kapatid niya . Kailan ka ba babalik, marg ? mahinang bulong nito sa sarili niya .

" A--t nakikita kung gusto rin siya ni Marg " pumikit si Yheura ng maalala ang mukha ni marg ng malaman nitong ikakasal na ang kapatid niya kay viri, nakita niya ang pag-yuko at panginginig ng labi nito pero agad nito tinapunan ng malawak na ngiti para hindi malaman ng lahat ang nararamdaman niya .

" P--ano mo nalaman, yheura ? " hindi makapaniwala si Ate Argara sa sinabi niya, tiningnan nito ang kapatid niya at madilim ang mga mata nito na nakatingin sa paligid .

" natandaan mo sa palasyo? malalim at mabigat ang iyak ni Marg dahil sa pag-iwas sa kaniya ni Luxe . Hinintay niya si luxe magdamag para maka-usap ito pero nilagpasan lang siya ni luxe na parang hindi niya ito kilala . Umalis kayo nun diba dahil hindi niya kaya ? ngayon, ate argara may pagkakaiba ba? siguro sa pag-alis niya hindi na kayo mag kasama, pinili ni marg na umalis mag-isa dahil alam niya wala siyang karapatan na sabihin sa inyo dahil taga-lupa siya . Minsan na niyang sinabi sa akin na ' Hindi ito ang mundo ko, hindi ako karapat-dapat na manatili dito . Aalis ako, aalis ako at hindi na babalik pa yheura . "

Mag-Kabilang Mundo (Book2)Where stories live. Discover now