Kabanata 110

33 1 0
                                    

KABANATA 110

AGAD na bumungad kay Margarita ang ama niya kumain ito mag-isa . Naninikip ang dibdib niya sa nakikita niya . Sarili lang niya ang iniisip niya, hindi niya tinanong sa ama niya kung okay lang ba siya ? Nasasaktan rin ba siya ?

Nangingilid ang gilid ng mata niya habang minamasdan ang ama. He's alone and lonely, his eyes telling her that he's sad and in pain.

Bumigat ang dibdib niya ng makita siya nito, gusto ni Margarita na pigilan ito pero nagmamadali itong tumayo. Napabuka ang labi niya pero agad rin kumuyom. Bakit siya aalis agad ?

Ilang subo palang ng pagkain ang kinain nito.

“Kuya, hindi pa nauubos ang pagkain mo sa plato. Hindi kapa kumain kagabi. Sabayan ka nalang namin kumain”

“Wag na at kumain na kayo, magpapahinga muna ako sa silid ko” Pagkatapos niyang sabihin iyon ay agad na itong umalis .

Dumako ang malungkot na mata ni Ate Pipa sa kaniya, agad na umiwas si Louis . Alam niyang kasalanan niya bakit umaalis ang ama niya kapag nakita siya nito, ang akala ba nito ayaw niyang kasabay ito kumain ?

Gusto na gusto niya makasama ito pero umiiwas ang ama niya. Sapalagay niya ginagawa niya iyon para hindi na siya saktan pa.

“Kumain kana ba, Louis ?”

“Busog po ako—”

Napatigil si Louis ng makita ang hindi kaanya-anya na imahe sa labas . Lalayuan pala huh ? Louis heart wreck a bit as she saw them again. Ito ba ang bubungad sa kaniya ni Luxe dahil hindi niya sinagot ang tanong nito kahapon ? Bakit ba naninikip ang dibdib niya dahil lang sa nakikita niya ? Kailangan bang ipakita ni Luxe na kasama niya si Jyna ?

“Sinungaling” Mahinang bulong niya sa sarili niya.

Umiwas siya ng tingin sa labas at bumalik sa silid niya . Agad na namalisbis ang luha niya ng pumasok na siya sa silid niya. She tried to be with them even it's damn hurt, why does it's hurt ?! Pinipilit niyang ilayo ang sarili niya dahil ayaw niyang makasakit at magdusa ang mga taong napamahal na sa kaniya. Louis is the destruction, she know that already . Dahil taga-lupa siya at hindi siya karapat-dapat dito kahit na ama niya ay isang dreamaniya.

Ayaw niya maranasan ang naranasan ng mga magulang . Ayaw na niyang mag-dusa ang ama niya, nasasaktan siya at hindi na niya matiis iyon.

Bakit hindi iyon maintindihan ni Luxe ? Bakit kailangan pa niyang saktan siya ng ganito? Kung nasaktan niya ito hindi niya iyon sinasadya, bakit ba naramdaman niya ito! Wala siyang alam sa naramdaman niya pero bakit sapalagay niya kinukuha lahat ng kasiyahan niya ?

Kaya niyang tiisin ito, kaya niyang ibaon ito para sa ama niya. Hindi siya gagawa ng hakbang para mawala ito sa kaniya ng tuluyan kahit ang kapalit nun ang mawala ang lalaking gusto-gusto ng puso niya.

Naramdaman rin kaya ito noon ni Mommy ? Yung pakiramdam na hindi na niya alam kung ano ang pipiliin niya at kung ano ang gagawin niya.

“M-mom” Mahinang hikbi ang lumabas sa labi niya habang naalala ang ina niya .

“K-kailangan n-na k-kailangan kita ngayon.”

Sinubsub ni Margarita ang ulo niya sa pagitan ng tuhod niya, nangulila siya sa ina niya at mabigat ang dibdib niya ngayon. Nag-iisa na kinikimkim niya ang sakit na gusto na gusto niyang ilabas, wala siyang masasandalan ngayon kundi ang sarili lang niya .

Ilang sandali siyang nakatanga sa kawalan at nagpasyahan na tumayo. Humiga si Louis sa kama niya at ang lalim ng iniisip niya. Sarimot-saring tanong at pangyayari ang lumilikha sa isip niya . Sa sobrang pag-iisip niya naka-tulog siya at pag-gising niya, gabi na.

Mag-Kabilang Mundo (Book2)Where stories live. Discover now