Kabanata 107

48 4 1
                                    

KABANATA 107..

        NAKATINGIN lang si Louis sa labas, hindi siya maka-tulog at hinihintay ang ama niya . Nasa kalagitnaan na ng gabi, nasa loob sila ng kweba at hindi na nagpatuloy sa paglalakbay dahil sa pag-dilim ng paligid. Sa bawat segundo na lumilipas, kinakabahan at natatakot siya . She regret everything from treating his father as a nothing, avoiding him, shouting him and blaming him . Napayuko at kahit gusto na niya ipikit ang mga mata niya, gusto na gusto niya hintayin ang ama .

She felt like she's waiting for nothing. Naghihintay siya sa pagbabalik nito pero alam kaya nito na dito sila pumunta ? Okay lang ba siya ? Napakagat niya ang labi niya at dumukhaw sa labas, umaasa na dadating ang ama niya.

Pero wala parin siya..

Hindi na si Margarita mapakali at nag-uumpisa na siyang kabahan. Bumabaon ang galit niya sa dibdib niya pero hindi niya gusto na mawala ang ama niya. Alam niya, alam na alam niya kung gaano siya kamahal ng ama at kahit masakit, hindi niya maintindihan at naguguluhan siya, kaya niyang patawarin ang ama niya . Dumating lang siya .. Dumating kana, please ..

Yumuko siya at hindi niya inaasahan na pumatak ang luha niya. She's not crying again, she's not! Pinunasan niya ang luha sa pisnge niya pero kahit anong gawin niya pumapatak parin at hindi na huminto. Sapalagay niya kasalanan niya ang lahat, ginawa iyon ng ama niya para maka-layo at maligtas siya. Sinisisi niya ang sarili niya ngayon.

“H-hindi ako u-umiiyak . H-hindi . A-ayoko” Nauutal na sabi niya sa sarili niya . Gusto niya maging matigas pero bakit pag-dating sa ama at ina niya lumalambot siya ?

Napatigil at pinipigilan niyang umingay ng may tumabi sa kaniya. Si Ate Nara ba ito ? Nawala ang lakas niya at gulong-gulo ngayon ang isip niya. Dinadasal niyang buhay pa ang ama niya, dinadasal niyang ligtas lang ito. Nanginginig ang kamay niyang nilalaruan iyon .

“Its okay, Louis . Hindi mo kasalanan ang lahat” Pinisil nito ang kamay niya.

Ate Pipa ?

Tumingala siya at tumingin sa katabi niya. There she is, looking at her with longingness in her eyes . Ang tampo niya ay napalitan ng pagka-miss sa babaeng naging pangalawang ina na niya. Bakit ganito kasakit mag-mahal ng kabilang mundo mo ? Bakit kailangan pa nilang mag-dusa ? Bakit kailangan pa ng batas sa pagmamahal ?

“I'm sorry, Louis . Alam kung nasaktan kita pero sa bawat araw at panahon na lumipas, bumabaon ang sakit sa puso ko dahil tatlong mahalang tao sa buhay ko nasasaktan at nagdudusa dahil sa mundo na ito.” Humigpit ang hawak ni Ate Pipa sa kamay niya.

Yumuko si Ate Pipa at umiiling na tumingin sa kaniya. “He waited 18 years to see you and embrace you, he waited so long for Louisa .Wala man lang ako nagawa para pasiyahin ang kapatid ko at mas lalong lumalala ang sitwasyon . Okay lang kung magalit ka, magalit ka sa amin . Okay lang kung hindi mo ako kayang patawarin pero pwede bang kahit nasusuklam ka sa kapatid ko, hayaan mo naman siyang lapitan at yakapin ka, Louis . Pwede ba ? Please, Louis.”

Umiiyak itong nagmamakaawa sa kaniya at puno ng sakit ang bumalot sa mukha nito.

Hindi niya alam paano ibuka ang bibig niya, maraming siyang gusto sabihin pero hindi niya alam kung paano niya gagawin iyon.

“Mahal na mahal ka ni Kuya. Hindi mo ba nakita iyon ? Ganiyan naba katigas ang puso mo, Louis para baliwalain si Kuya ?”

Binitawan ni Ate Pipa ang kamay niya . Mariin na pumikit si Louis at tinakpan ang mukha sa naririnig niya. Ang sikip-sikip ng puso niya ngayon, hindi niya maintindihan .

“Mag-pahinga kana, okay ? Lalabas lang ako saglit”

Mabilis na pinigilan niya ito. Umiling siya sa harapan niya.

Mag-Kabilang Mundo (Book2)Where stories live. Discover now