Kabanata 104

43 3 7
                                    

KABANATA 104..

           MAHINANG naglalakad siya papunta sa kapatid niya . Bumibigat ang dibdib niya sa nakikita niya dito . Mahinang pinisil ni Yheura ang kamay ni Luxe . Pumayat ito at pagod na pagod ang mukha .

Napaka-init ng kamay at namumutla ito . Siguro hindi madali dito ang talunin at ilayo sa mga nykirian si Marg, katulad noon binalik niya si Margarita .Gusto ba ng Kapatid niya si Marg ? Napansin niya ang bawat tingin at kilos, iba-iba iyon sa luxe na nakilala niya .

" Y-yheura "

Binuksan niya ang mata niya at nakita niya ang kapatid niyang gising na . Ang matamlay na mata nito ang sumalubong sa kaniya .

" Maayos ka naba ? May masakit paba sayo ? Nagugut— "

" L-lumabas na ba si Yubie ? " mabilis na pagpigil niya sa kaniya .

Napatigil siya at matiim na tumingin dito . Napakurap-kurap lang ba siya o nakita niya sa mga mata nito si Margarita ? Gusto niya tumawa ng makita ang hiya sa mukha ng kapatid niya dahil kay Margarita .

Sa totoo lang ito ang kauna-unahang nakita niya ang kapatid niya namula at nahiya . Alam niyang may nararamdaman ito para kay Margarita at mula ngayon hahayaan na niya ito . Hindi niya ito huhusgahan o pipigilan . Masakit rin dito ang ginawa niya dapat niyang supurtahan ang kapatid kung ano man ang gusto nito .

" Hindi pa siya lumabas "

" N-nagtatanong lang ako " masungit na ani nito sa kaniya .

Umangat ang sulok ng labi ni Yheura .

" Wala naman mali kung natatanong ka kay Marg ." may kapilyuhan sa boses nito .

" Wag kang tumawa ang pangi— "

" Mas pangit ka tingnan mo ang sarili mo ang putla mo at ang pula-pula ng pisnge mo "

Nakita ang pagkudlit ng ibang emosyon sa mukha nito na hindi niya mapangalanan . Nakita niya ba ang pangamba dito ?

" Hindi kana magugustuhan ni Marg kapag ganiyan ang mukha mo dapat magpa-lakas ka at kuma— "

" Bigyan mo ako ng pagkain at gamot " walang pasensiya na utos nito sa kaniya .

Pinakawalan ni Yheura ang mahinang tawa sa bibig niya . Bakit yata naging ganito ang reaksyon ng kapatid niya ? Nasisiyahan siya sa nakikita niya .

" Nakaka-halata na ako, Luxe . Gusto mo ba si Marg ? "

Nanigas ang kapatid niya . Napakurap-kurap at agad rin yumuko .

" K-kung sabihin kung gusto ko siya hindi na magbabago na sinaktan ko siya at hi— "

" Ganun-ganun lang ? Susuko kana lang ? "

Mabilis na umangat ng tingin ang kapatid niya . Nagulat sa lumalabas sa bibig niya . Bahagya umawang labi nito .

Pinisil niya ang kamay nito . Hindi naman si Yheura magugulat kung nahulog ang loob niya sa dalaga, palagi silang mag-kasama at nag-aaway . Sa kanilang lahat si Luxe lang ang unang nakilala ni Margarita, napapansin niya rin ang pag-iba ni Marg kapag nag-aaway sila . Saksi siya sa luha na lumabas kay Margarita nung mga araw na aalis ito at hindi iyon nagustuhan ni Luxe .

Sigurado siyang gusto rin siya ni Margarita .

" H-hindi mo ako pipigilan ? Nag-aalala kang masak— "

Umiling siya " Mas masakit kung makita ang kapatid kung nasasaktan. Mali pala ako, patawarin mo ako . Hinusgahan kita dahil sa ginawa mo doon ko napagtanto na ginawa mo ang bagay na iyon dahil natatakot kang umalis si Margarita. "

Mag-Kabilang Mundo (Book2)Where stories live. Discover now