- vingt-deuxième -

886 28 4
                                    

vingt-deuxième (won't ever be back) -

Pagkatapos ng meteor shower na nasaksihan namin ni Paris nung birthday niya, hinatid niya na ako sa bahay namin para parehas na kaming makapagpahinga. Mabuti na lang at wala akong pasok sa school at wala namang aasikasuhin sa Zurich Artistry kaya siguro sa bahay na lang ako mag-spend ng Valentines.

Almost 5pm na ako nagising. Napuyat kasi ako kagabi at napagod sa biyahe namin ni Paris kahit hindi naman ako 'yung nagmaneho hehe sorry! Naligo ako at nag-ayos ng closet ko since wala naman akong ibang gagawin kundi ang umistambay lang dito sa bahay.

Nang makaramdam ako ng gutom, bumaba ako at pumunta sa kitchen para kumain. Wala ang parents ko ngayon dahil nag-date silang dalawa at 'yung kambal ko naman, syempre nasa New York. Nagpaluto na lang ako ng pasta at nagpa-bake ng garlic bread sa chef para sa pagkain ko.

Habang nag-iintay, nagbukas muna ako ng iPad at nag-games pati nag-Facebook na rin. Nasanay na rin naman akong solo sa Valentines pero parang ang weird lang ng pakiramdam ngayon at hindi ko alam kung bakit.

Forty-five minutes ang lumipas at dumating na rin 'yung pinaluto ko. Happy Valentine's Day sa akin at Happy Birthday kay Paris. Ikakain ko na lang siya tutal birthday naman niya 'di ba?

Habang kumakain ako, tumunog 'yung chatbox ng Facebook ng iPad ko which means may nag-message sa akin. Pagtingin ko, si Paris.

Paris France: Happy Valentines, kaibigaaaaannn!! :)

Suri Shadows: Sayo din at happy birthday ^_^

Paris: i love you hoy.

Ugh! Ito na naman siya. Naii-stress talaga ako 'pag ganyan ang mga sinasabi niya e. Hindi ba pwede 'yung normal lang kaming mag-usap kesa sa pakiligin niya ako? Hindi naman dapat ganoon 'yung feelings ko pero hindi ko mapigilan e.

Suri: :) :)

Paris: smiley lang ang sagot? yan na ba ang bagong i love you too? haha

Suri: basta :)

Paris: may itatanong ako sayo. sagutin mo ng direcho ha!

Suri: ano 'yun?

Paris: kailan pa ba magiging tayo? kausapin mo na si lyle sabihin mo wag na siyang mag-antay

Halos masamid ako pagkabasa ng message ni Paris sa akin. Haay, lalo akong nababaliw sa pinaggagawa niya. Akala niya madali lang 'yung pinapagawa niya e.

Suri: mahirap yang pinagagawa mo.

Paris: anong mahirap dun e ako naman ang mahal mo diba? di mo ba kayang sabihin sa kanya?

Hindi ako agad nakapag-reply sa kanya. Nanatili lang akong nakatingin sa screen ng chatbox namin. Sa ilang saglit, nag-vibrate naman ang cellphone kong nakapatong sa mesa sa tabi ng iPad. Pagtingin ko screen, si Paris ang nagtext.

From: Fujiwara, Paris

Message: reply naman dyan

Grabe, hindi lang ako nakapag-reply agad sa chat, t-in-ext naman ako. Hay, si Paris talaga oh. Pinili ko na lang mag-reply sa chat kesa i-text siya.

Suri: hindi pa ako ready. di ko pa kaya. ayokong masaktan siya.

Paris: kelan ka pa magiging ready? pag nakauwi na siya? mas lalo mo lang siyang masasaktan kung patatagalin mo pa to.

Suri: ang hirap. wag mo ako pressurein

Nakaka-pressure nga ang ganito. Isipin niyo, hindi pa official na kami ni Lyle pero pakiramdam ko pinagtataksilan ko siya dahil sa nararamdaman ko para kay Paris. Ewan ko e, ang bilis ng mga pangyayari. Bigla na lang niya naagaw ang pagmamahal ko para kay Lyle ng ganoon na lang.

Your Boyfriend SucksWhere stories live. Discover now