[51] #100STHHValentinesBall

138K 3.2K 1.8K
                                    

Thanks for trending #100STHHSunset last time. Mukhang namiss niyo yung update. Don't forget to put #100STHValentinesBall sa mga reactions niyo sa twitter kasi doon ko binabasa sa tag na yun yung mga comments niyo! :)


Anyway, just to remind everyone: May 9, 2015 GIRLINLOVE MEETUP! Sa may Luneta po. Punta kayo.


And yung 100STHH Shirt. First 100 lang po yung may personalized Team Hico or Team Henzo plus signed Girlinlove sa likod. So order na po kayo. PM me if you want to order :) Thanks! enjoy the chapter!


Chapter 51

Hope's POV

"WHY ARE YOU FREAKING LATE!? The ball starts at 9:00 PM! 10:00PM na for crying out loud! Sana sinundo na lang kita sa bahay mo!" Sigaw ni Mico sa kabilang linya.

"Eh kung wag na kaya akong pumunta!?" Sigaw ko pabalik.

"Kidding! I was just kidding. Go ahead, take your time Babe." Ano daw? Babe? At teka teka, bakit lumambing yung boses niya?

"Sige na. Aalis na ako dito sa bahay. See you."

"Love you." Ito na naman siya! Sa I love you niya! Simula ng sinabi niya yan hindi na siya tumigil. Everytime. At niloko pa niya ako na noong niyakap ko siya pabalik ibig sabihin noon nag I love you too din daw ako. Kaya I love you siya ng I love you.

Bakit ako matagal? Inayusan pa kasi ako ni Ate. Mas excited pa sa akin! Dapat daw mas maganda ako kesa sa normal kasi official date daw ako ni Mico at maraming maiinggit sa akin kaya pangatawanan ko na daw. At totoo nga, gumanda nga ako!

Noong maihatid ako ni Ate sa school. Ang daming tao! Sa gate palang! Yung iba naman nakapalibot na sa may gym.

"Ate, ang daming tao. Ayoko na tumuloy." Sabi ko kay Ate.

"Hindi kita minakeupan ng dalawang oras para magback out. Isa pa, kung nahiya si Cinderella dahil late siya or dahil madaming tao sa tingin mo makakakuha siya ng prince charming? Hindi. Kaya maging confident ka sa sarili mo. May naghihintay na nga na prince charming para sa'yo eh." Sabay kindat ni Ate. Pinanood ko siyang lumayo para bumalik sa bahay. Fine.

Noong papasok na ako sa may gym may nabunggo ako.

"Oh, I'm sorry-Hope?" Pagtingin ko. Anak ng tupa, bakit ang gwapo niya? Mas mahaba na pala ang buhok niya? Bakit hindi ko napansin. Nakawhite na tuxedo siya. Bagay na bagay sa kanya. Mukhang siyang angel...

"Enzo?" Nakita ko na chineck out niya ako. Mula ulo hanggang paa.

"You look so pretty. Extra pretty today. Everyday ka na lang sana nakagown para you'll look like my princess-" Wait, huh?

"Ano?" tanong ko.

"Huh? May sinabi ba ako? Wala. Let's go inside?" Tapos inoffer niya sa akin yung kamay niya. Pero parang nakapamewang. Parang yung prinsipe kapag inooffer yung kamay niya sa prinsesa.

Bumukas ang pinto. Naglakad kami papasok.

Nagtinginan ang lahat.

Sa akin, kay Enzo. Lahat halos napatigil. Napatingin ako kay Enzo, ngumiti siya sa akin.

Ito yung dream ko eh.

Maglakad sa harap ng madaming tao, prom o kaya graduation ball, kapartner ko si Enzo. Nakaputi siya, nakared ako. Lahat nakatingin sa amin. Lahat tumitigil.

Ito na yun eh.

Pero bakit hindi masaya?

Bakit parang masakit lang?

100 Steps To His Heart [Published Book]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon