Kabanata 114

36 1 1
                                    

KABANATA 114

NAKARAMDAM ng hindi maipaliwanag na kirot sa puso ni Argon habang nagmamasid sa kasintahan ng kapatid at anak. Nag-eensayo ang dalawa pero maliban doon, nakikita ni Argon ang kasiyahan ng anak na hindi niya nakikita kapag kasama siya nito.

Ang nakikita lang niya kasi ang pag-iyak ng anak niya kapag kasama siya.

Wala siyang magawang mabuti sa anak kundi saktan at paluhain ito.

Yumuko si Argon at humakbang paatras ng marinig ang tawa ni Louis. Hindi niya dapat ito maramdaman pero naiingit siya..

Mahina siyang natawa sa sarili.

"Kahit kailan hindi ko to naramdaman, bakit ngayon pa? Bakit sa kasintahan pa ng kapatid ko?" Mahinang tanong niya sa sarili.

Pagdating kay Nikullas, sumigla ang anak at tawang-tawa ito samantalang kapag siya ang pumunta sa silid nito. Hindi tumutugon ang anak at hindi siya kinakausap. Siguro nagkakamali lang siyang napatawad na siya ng anak.

"Mabuti ng lumayo siya sa akin baka mapahamak pa siya. Mas mabuti ng ganito, mas mabuti na turuan siya ni Nikullas at tumayo sa sarili niyang mga paa."

Dapat ako ang gumagawa ng bagay na 'yun diba?

Umiling siya at nilisan ang lugar kahit ang bigat-bigat ng dibdib niya.

Bumuntong hininga siya at pumunta sa pinagbabawalan na kagubatan. Ito ang pahinga at lakas niya kapag hindi sang-ayon ang mundo sa kaniya. Ang mga ka-uri ni Louises na sanay na sa amoy at galaw niya, siya rin ang nagpapa-anak at gumagamot kapag may sakit.

Agad na pumunta sa kaniya si Louises at lumambing na hinilig ang ulo sa pisnge niya.

Hinaplos niya ang ulo ni Louises at napapangiti siya ng lumapit ang maliliit na lion sa direksyon niya.

"Lumalaki na sila" Mahinang bulong sa sarili.

Gusto niya makita rin ng anak kung ano ang buhay niya dito, gusto na gusto nito si Louises at alam niyang may magugustuhan rin siya sa mga lion na kasama ni Louises.

"Magugustuhan kaya ng anak mo, Louises ang anak ko?" Mahinang bulong niya sa alaga.

Umungol ang alaga at parang naintindihan nito ang sinasabi dahil tumango ito.

Babae ang anak ni Louises at mabangis ito at iba sa ibang lion na nasagupa niya. Tinuruan niya ito mula ng bata ito hanggang sa lumaki na ito. Ang hindi niya maintindihan bakit kailangan pa nito lisanin ang tirahan ng ina at pinili na lumayo.

"Namimiss kona si Lori, Louises. Kailan kaya siya babalik?" Mahinang tanong niya sa alaga.

Tumayo si Louises at tumakbo palayo, gusto niya sundan ang alaga pero sunod-sunod na ungol ang narinig niya.

"May paparating" Mahinang bulong niya sa sarili at nag-tago sa maliit na kweba.

Agad na kinuha ni Argon ang sandata ng walang takot na sumugod ang mabangis na hayop sa territoryo ng hari ng lion.

Maingay ang paligid, ito ang nadatnan ni Argon noon nang lisanin niya ang kaharian nila. Ang ibang lion ay nagtago at ang iba ay walang awang pinatay ng mabangis na hayop.

Napa-kuyom ang kamay ni Argon at lumabas sa maliit na kweba.

Kailangan siya ni Louises.

Umingay na pinoprotektahan ng babaeng lion ang mga anak. Gumawa ng ingay si Argon para protektahan ang ka-uri ng alaga. Sunod-sunod na tumakbo papunta sa direksyon niya ang lahat ng lion at ang iba ay pumunta sa maliit na kweba at nag-tago.

Mag-Kabilang Mundo (Book2)Where stories live. Discover now