Chapter 13

41.6K 3.2K 1.3K
                                    

Chapter 13: Dragon's lover

Mariin akong napakapit sa aking upuan habang gumagala ang aking mga mata sa paligid. Ang mga nakatayong mga tagasunod ay kapwa na nagliliwanag ang mga kamay upang alalayan ang kanilang mga sarili, ilang beses na akong inubo dahil sa alikabok na nagmumula sa iba't ibang sulok ng opisina.

How I wish I have those powers to easily protect myself...

Pero ang tangi ko lang nagawa'y kumapit nang mahigpit at patuloy na ubuhin sa pangyayari.

Nang sandaling nabuksan ang ilang bintana'y nagliparan na rin ang mga mahiwagang mga ibon at maliliit na hayop na kanina'y tila nakikipaglaro lamang. Ang mga kagamitan mula sa mga lamesa, aklatan, at mga halamang nakasabit sa kisame'y anumang oras ay maglalaglagan na.

Hindi na magkaintindihan ang mga tagasunod kung ano ang kanilang uunahin.

When I glanced back at Caleb and Howl, they looked so focused that they couldn't even notice what was happening around them.

"You know, Helo, wala pang nakakatalo sa akin sa bagay na ito. Not even my king." Mayabang na sabi ni Caleb.

Halos hindi na ako mapakurap habang pinagmamasdan ang unti-unting pagbaba ng kamay ni Howl sa lamesa. Lalong lumalawak ang ngisi ni Caleb habang nakikita niyang kaunti na lang ay matatalo na niya si Howl.

"Uhuh?"

Maging ang mga tagasunod ni Howl ay tila higit na kinabahan nang makitang ang kanilang pinaglilingkuran ay may nakatapat na estranghero at handang ipamukha rito na higit siyang makapangyarihan.

Kahit ako'y inaasahang hindi mananalo si Caleb, ngunit habang tumatagal ay lumiliit na lang ang distansya ng mga kamay ni Howl mula sa lamesa.

"Maybe your king is just trying to entertain himself to see your ridiculous reaction," nang sabihin iyon ni Howl biglang nagliwanag ang kanyang kamao at sa isang iglap ay marahas niyang ibinaba ang kamay ni Caleb.

Nahati sa dalawa ang lamesa, natigil ang pagyanig sa buong opisina, patuloy pa rin ang usok dahil sa alikabok, at napuno ng palakpakan mula sa mga tagasunod ni Howl.

Howl Paladein De Voss defeated Caleb in arm wrestling.

Tulala si Caleb sa kamay niya nang ilang segundo. At nang sandaling naibalik niya ang sarili sa realidad, marahas niyang sinalubong ang mga mata ni Howl.

"Y-You cheated!"

Hindi siya pinansin ni Howl. Pinagkrus niya ang kanyang mga hita at tipid na sumulyap sa isa sa mga tagasunod niya. "Change this table."

Lumutang ang sirang lamesa sa ere at agad rin pinalitan ng bago. Sa isang iglap ay tila parang walang nangyari. Bumalik sa kanilang mga posisyon ang mga tagasunod, mula sa mga bukas na bintana'y nagbalikan ang mga ibon, at maging ang ilang kagamitan na kanina'y bumagsak ay mabilis naibalik sa dati gamit ang mahika.

"You used your magic!"

"But you used your gift as well, vampire. It's even." Caleb gritted his teeth.

Akma na sana niyang ilalagay muli ang kamay niya sa ibabaw ng lamesa para humingi siguro ng pangalawang duwelo nang pigilan ko na siya. "Caleb, accept your defeat."

"Hear the lady, Caleb," ani ni Howl na may paglahad ng kamay sa akin at tipid na pagyuko bago ibalik ang pagkakakrus ng mga braso.

"Don't call my name," asik ni Caleb sa kanya.

"My, I am just being friendly."

"I don't need your friendly gestures."

"Caleb!" singhal ko sa kanya.

Glistening Lantern (Gazellian Series #7)Where stories live. Discover now