Chapter 37

23.4K 1.7K 207
                                    

Dedicated to: Montrose Ship

Chapter 37:  Few

Mula sa silid na halos lamunin nang napakalamig na tubig, sa isang madilim at napakahabang daan na walang katapusan ang lindol, at ngayon nama'y sa gitna ng isang napakalaking koloseo sa pusod ng kalawakan ng buhanginan— saan ko pa matatagpuan ang sarili kong punung-puno ng katanungan?

Umihip ang mainit na hangin tangay ang maliliit na butil ng buhangin, dama ko ang bawat dampi niyon sa aking balat, hindi alintana ang pagsabay ng aking mahabang buhok habang ang mga mata'y nanatiling nakatuon sa lalaking hindi lang nagturo sa aking humakbang sa liwanag, kundi nagbigay rin ng napakaraming palaisipan.

Noo'y ang tanging nais ko lang ay pukawin ang interes ng kahit sinong salamangkero na humahawak ng iba't ibang elemento ng dragon.

I believed that one of them might help me, or probably save me from my poor life as my family's disgrace, but Caleb offered more than that— love, a new world, a family, light and warmth.

Pero iyon lang ba talaga ang dahilan kung bakit siya ipinadala sa mundong ito? Narito lang ba talaga si Caleb upang kunin ako sa mundong ito? O may higit pa siyang dahilan kung bakit dinala siya ng kapalaran dito?

Tama ba itong tinatahak naming landas? Ang maghanap ng lagusan at iwan ang Fevia Attero nang punung-puno ng katanungan?

Namayani ang higit na katahimikan sa aming lahat. Ganoon din sina Tavion, Howl, at Iris na tila naghihintay pa ng mga salitang magmumula kay Caleb.

When Caleb started to mention some names, my confusion got worst. Noon ay inakala kong tanging si Thaddeus lang na siyang kanyang ama ang may mahigpit na koneksyon sa mundong ito, dahil sa binitiwan niyang kasunduan mula kay Anastasia Callista. Ngunit ang marinig pang may iba pang nakapasok na bampira sa loob ng Fevia Attero? Tila unti-unti nang nabubuwag ang paniniwala ko sa mundong kinalakihan ko.

Fevia Attero is known for its independency. Pamilyar man ang matataas na opisyales sa iba pang mga mundo, iminulat nilang lahat sa bawat Attero na hindi namin kailangan ng ugnayan mula sa kanila.

We're above everyone else. We're independent. Isa pa, labag sa paniniwala naming lahat ang pakikipag-ugnayan mula sa mga tagalabas sa kahit anong dahilan.

But hearing Caleb's thoughts about this certain names, made me doubt everything about my own world.

"May kailangan ba kayong mga bampira sa mundong ito?" iyon na lamang ang lumabas sa mga labi ko.

Caleb was sent in Fevia Attero for a reason. Pinadala lang ba siya rito upang maghanap ng pintuan pabalik sa sarili niyang mundo? Pinadala lang ba siya rito upang matupad ang pangako ni Anastasia Callista sa kanyang ama at ako bilang Callista'y nakatakdang sundin iyon? Pinadala lang ba rito si Caleb upang ilikas ako sa mundong ito?

Talaga bang iyon lang ang misyon namin sa Fevia Attero? Ang maghanap ng lagusan upang iwan ang mundong ito?

Napatitig ako sa duwendeng ngayon ay nasa buhanginan na muli.

"You said that it was a failure. A failed mission. Ano ang ginawa ng mga unang bampira sa mundong ito? Why were they here? Tama lang ba na sa sandaling makita natin ang lagusan ay iiwan na natin ang mundong ito?" tanong ko habang isa-isang naglakbay ang aking mga mata sa kanila.

We're all searching for an answer. Pinili naming pasukin ang mapaglarong lugar na ito habang naghahanap ng kasagutan na hindi namin alam ang katanungan.

Caleb's looking for a way to find his way home, Tavion came here to find me for his empire, Iris was sent here to search for Caleb, while I was about to be my family's sacrificial lamb, but we were all led to Howl.

Glistening Lantern (Gazellian Series #7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon