Chapter 23

34.6K 3.1K 444
                                    

Dedicated to: Arls Quinito

Chapter 23: Home

Mas lalong umawang ang mga labi ng dalawang Gazellian sa sinabi ni Iris. Hindi na ako magtataka kung ang katulad nina Caleb at ng lalaking katabi niya na may nagngangalang Tavion ay sanay na sa papuri ng mga babae.

Ngunit ngayon na naririnig nila ito mula sa amin ni Iris? With mixture of sarcasm, nasisiguro kong hindi na nila nagugustuhan pa ang patutunguhan ng aming usapan.

"W-what?" halos nautal pa si Caleb sa isang salitang iyon. 

"Can you vacate this place? Anna and I have to talk something." Nanatili lang nakatitig sa amin sina Tavion at Caleb.

"There's a smoke, Iris. . ." mahinang sabi ni Tavion na parang nagmamakaawa.

"It's dangerous outside," dagdag ni Caleb.

"Hindi ba't mga Gazellian kayo? You're both powerful," sagot ni Iris.

"Seriously—" hindi na natapos ang sasabihin ni Caleb nang sapilitan na siyang hilahin ni Tavion palabas ng kuweba.

"Let's go."

Caleb tried to pull away, but Tavion pulled him more. Halos hindi na nga lumingon sa amin si Tavion at tila nagmamadali nang lumabas ng kuweba.

"But—"

"Let just go, Gazellian! Pinalalabas na tayo!"

I bit my lower lip to suppress my laughter. Yes, the smoke is definitely dangerous but I am pretty sure that they will not die from cold. Isa pa, higit silang may kakayahang mabuhay sa lamig kaysa sa isang Attero na katulad ko.

Tinanggal ko na rin ang pagkakatanaw ko sa labas ng kuweba at mas binigyan ko ng pansin si Iris na may iisang ekspresyon din sa akin. She's enjoying it. Kung iisipin ay maliit na bagay pa ang pagpapalabas sa kanila sa kuweba, kaysa sa ginawa nilang dalawa sa amin.

They may have amazing bodies, but it wouldn't change the fact that they tried to hurt us.

Humarap na ako kay Iris at huminga ako nang malalim. "I'm really sorry for everything. I know Caleb's way of dealing things is too unreasonable, but I am sure that he really cares for you. . . for him."

"I know," she simply said.

Ngumiti ako sa kanya. "Anna, we can't waste any more time. Please tell me everything you have that might help us in this situation. Sasabihin ko rin ang lahat ng nalalaman ko."

I nodded. Yumuko ako at kinuha ang maliit na bag na nakasakbat sa balikat ko. And I pulled my old lantern. 

"I think I have something very valuable that might help us more in the future."

Simula nang ibigay ito sa akin ni Thaddeus ay hindi na naubos ang mga katanungan ko. Maybe in this situation, with our tangled fates and endless questions, little by little, together we'd discover answers.

This time, Iris smiled at me. It was rare. Dahil kumpara sa akin, agad kong napansin na hindi siya ang tipo ng babaeng madaling mapangiti. Inilahad niya ang kanyang dalawang palad at nang sandaling kapwa na kami nakayuko, sabay nagliwanag ang aming mga kamay.

I couldn't explain why I suddenly had my goosebumps. Because right at that moment, as the symbolic items glistened before my eyes, with our faces glowing with our items' warmth touch, I knew the moment I locked eyes with her again, that this journey isn't just all about me, and Caleb, but also with Iris, Tavion and her mysterious map.

Tila nagkaroon muli ng kakaibang ihip ng hangin sa loob ng kuweba at kapwa tinangay ang aming mga buhok. Hindi na naming muli tinanggal ang aming pagkakatingin sa mapa at sa lamparang aming hawak habang patuloy ang mga ito pagliliwanag.

Glistening Lantern (Gazellian Series #7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon