Chapter 35

23.9K 1.8K 392
                                    

Dedicated to: Mayflower Ship

Chapter 35: Road

Kasalukuyan pa rin kaming naglalakad sa madilim na daan, hawak ko pa rin ang lampara na siyang nagsisilbing aming liwanag, habang si Howl ay nanatili pa rin nakaangat ang isang hintuturong nagliliwanag.

Naririnig ko ang bawat tubog ng aming mga paa sa mababaw na tubig ng daan, ngunit sa bawat hakbang namin patungo sa dulo ng daan, ramdam ko ang higit na pagbaba ng temperatura. Bukod roon ay naririnig ko rin ang paminsang patak ng tubig mula sa itaas ng aming dinaraanan, minsan pa'y tumatama iyon sa aking katawan.

Saglit kong inangat ang lampara upang makita ang nasa itaas at agad ko rin iyong ibinaba. Pawang matatalas na bato na anumang oras ay tila babagsak sa amin. Nang sandaling pumasok kami sa pintuan kanina, hindi ko lubos maisip na tila isang kuweba na naman ang aming papasukan.

"Are you cold?"

Mas lumapit sa akin si Caleb at iniyakap niya ang isa niyang braso sa akin.

Saglit lumingon sa amin si Howl na nakangiwi. Bumutonghininga bago ko narinig ang pagpitik niya ng kanyang ilang daliri.

Dahil sa liwanag mula sa aking lampara, nasaksihan ko kung paano unti-unting natuyo at bumalik sa kakisigan si Howl na tila na man lang napasabak sa laban.

Doon ko lamang naalala na maaari nga pala kaming hindi lamigin sa sitwasyong ito. Hindi gaya ni Howl na sa isang iglap ay mabilis kong mapapalitan ang aming kasuotan, ilang minuto ko pang hinintay ang sapat na daloy ng aking mana bago ko sabay na pinilitan gamit ng aking mahika ang aming mga kasuotan ni Caleb.

And Caleb was surprised, not because of my magic but by the clothes I gave him. It was his royal suit during his first arrival in this world.

"Y-You kept this?"

I saw how happy he was. Hindi mawala ng ngiti sa labi niya habang inaangat niya iyong mga braso niya at pilit na sinisilip ang detalye ng kanyang kasuotan.

Isa iyon sa pagkakakilala ko kay Caleb. He loves the reality of him being a prince— a royalty. And seeing himself in his usual suit made him so happy.

Hindi man niya sabihin sa akin, alam kong gustong-gusto na niyang makabalik sa mundo niya.

I bit my lower lip. Originally, I kept his clothes because of its gemstones. Dahil alam kong malaki ang halaga niyon kung ibebenta. At hindi iyon dahil sa kanya, pero dahil ayokong masira ang iniisip niya tipid na lang akong tumango.

Isa pa, si Caleb ang tipo ng nilalang na mababa ang kasiyahan. At ayokong sirain iyon. 

"Thank you," he gently caressed my cheeks before he gave me a peck on my forehead.

"Aww," the two pixies said in chorus.

Kapwa na ulit sila nakaupo sa balikat ni Howl habang ang kanilang mga palad ay nakahawak sa kanilang magkabilang pisngi at pinapanuod kami ni Caleb.

Howl's right brow was arched, looking annoyed.

"Hindi ba talaga maipagpapaliban iyan?"

"Y-You—" mabilis kong iniharang ang kamay ko sa dibdib ni Caleb bago pa sila magtalong muli ni Howl.

"Tch," sabi ni Howl bago kami muling tinalikuran.

May gusto pa sanang sabihin si Caleb pero tumalim na ang mga mata ko sa kanya. Dahil alam kong sa sandaling nagsalita siya, agad na sasagot si Howl at sa huli ay si Caleb lang ang mapipikon.

Howl's still walking ahead of us, while the pixies were back sitting on his shoulders. Kung hindi ako nagkakamali ay matagal na rin siyang may hinala tungkol sa maliliit na diwatang iyon at hindi niya na lamang ito pinansin.

Glistening Lantern (Gazellian Series #7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon