Chapter 21

35.4K 3.1K 2.3K
                                    

Chapter 21: Caught

"I remember. There is something you call mate link, right?"

"And it was triggered because we just had se—"

"We made love," Caleb corrected.

"And maybe because of your mana."

Nagsimula na kaming mag-usap ni Caleb sa aming isipan habang nasa labas siya ng kuweba. I asked him if he could stand the coldness outside, and he said that he was fine.

"I can still feel the heat between us, Anna. And it might ignite more if I'll stay beside you."

Bumangon na ako at tipid kong hinila ang kasuotan ko para takpan ang sarili ko. Ilang beses akong napangiwi sa sakit ng buong katawan ko.

"Can you heal yourself?"

"Healing is a different thing, Caleb."

"Okay. I am already near the ruins. I could see the guardians patrolling. Hmm, how can we possibly enter?"

Napaisip na rin ako. Dahil sa paanong paraan pa ako makakapasok doon kung mayroon na akong mana sa katawan ko?

"Well, I can keep it for you again, Callista."

Umikot ang mga mata ko habang nagsisimula na akong magbihis. Hindi man ako nakaharap sa salamin ay nararamdaman ko na kung gaano kasabog ang buhok ko.

Minasahe ko muna ang noo ko nang maalala ko sina Vera at Sierra. Everything was blurry with them, but I am sure that they did something for me.

"Yes. And it didn't work."

"You knew them?"

"I can't see much. But I heard whispers and some conversations. What are they?"

"Pixies."

"Oh, right. Those pixies tried to wipe away your memories of me. The same way that Leticia did to my brother. Why these ladies are trying to forget us?"

"Because you made me do it!"

"I am sorry, Anna."

"And that's all? Wala ka man lang balak talagang magpaliwanag?"

"I will. But not now. . ."

Bumuntonghininga na lamang ako. Hindi ko na siya pinilit dahil alam kong pagtatalunan lamang namin iyon.

"Just don't make me wait for too long, Caleb."

"Thank you."

Hindi na kami nag-usap pa ni Caleb at hinayaan niya na muna akong maghinga mag-isa habang nasa labas pa rin siya ng kuweba at nagmamanman.

Gabi na muli nang bumalik siya sa kuweba, but this time he brought fruits from different trees.

"Are they edible?"

"Of course. Tinikman ko muna lahat bago ko dalhin sa 'yo."

Bago pa tuluyang umupo sa tabi ko si Caleb ay itinukod niya ang isa niyang kamay sa lupa upang alalayan ang bigat niya, iniyuko niya ang ulo niya at agad niyang inilapit sa akin, ilalapat na sana niya ang kanyang labi sa akin nang mabilis akong nag-iwas.

He whistled. Naupo na lamang siya sa tabi ko at ipinatong niya ang mga prutas sa lupa na may nakalatag nang medyo basang dahon. He grinned at me like an idiot while waiting for his compliment.

Hindi ko siya pinansin at tahimik lang akong kumuha ng prutas. I pretended not notice him while slowly eating the fruits he brought me.

"Why are you so moody, Anna?"

Glistening Lantern (Gazellian Series #7)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن