Chapter 32

25.7K 1.9K 238
                                    

Dedicated to Bismarck Ship

Chapter 32: Underwater

When I was outside the old ruin, with the eyes of my fellow Attero, I knew right at that moment that it was just the beginning of this endless battle. Sa sandaling natututo akong pumili ng direksyong nais ko, alam ko sa sarili kong dapat ay handa na akong lumaban.

There's no room for backing down. Dahil ito ang landas na pinili ko, ang lumaban at hindi sumunod sa idinidikta ng lahat para sa akin.

I didn't even picture myself being locked inside a room, full of magical doors, and huge waves as if we were in the middle of a wild ocean.

Panay ang hampas ang malalaking alon na tila may sarili itong buhay. Walang tigil sa panlalaban ang katawan ko, hindi lang sa mga alon kundi ngayo'y pati na rin sa presensiyang pilit akong hinihila sa ilalim ng tubig.

"What the hell?!"

Malakas na sigaw ni Caleb ang umalingawngaw sa loob ng silid na ngayon ay anumang oras ay mapupuno na ng tubig.

He tried to struggle against Howl, but Howl was too persistent to use Caleb's body to survive. And it wasn't a good sight.

Kahit si Tavion ay nakangiwi at mabibigat ang paghinga'y hindi rin nagugustuhan ang nakikitang sitwasyon sa pagitan nina Howl at Caleb. Nakahawak ang isang kamay ni Tavion sa hamba ng pintuan na tila nakasabit ang katawan habang ang isang kamay ay nakalahad at nakaabang kina Caleb na nagsisimula na rin mahirapan dahil sa lakas ng alon at kay Howl.

Hindi ako makapaniwala na ang tinitingalang si Howl Paladein De Voss ay ganito ang kahinaan.

"Faster, idiots!" sigaw ni Tavion.

Pilit itinutulak ni Caleb si Howl na halos sakalin na siya para alalayan siya. "I have to save, Anna!"

"Damn it! Callista can swim! I can't swim! Bring me to that damn door! This mission will fail without me!" hirap na hirap na sagot ni Howl.

"Faster!" sigaw muli ni Tavion.

Nais na rin niyang tumalon para tulungan sina Howl at Caleb na kapwa na nahihirapan nang pigilan siya ni Iris. Sumang-ayon ako sa desisyong iyon ni Iris, higit na magandang naroon na sila at hintayin na lang kami.

Matapos niyang pigilan si Tavion at sabihin ditong higit na mabuting desisyon na magtiwala na lamang kay Caleb, sa akin na tumuon ang atensyon ni Iris.

And I knew that she'd already realized my situation.

Hindi ko na rin magawang tingnan pa sina Caleb at Howl dahil hindi ko na rin magalaw nang maayos ang katawan ko. Lalo na't higit pang lumalakas ang alon ng tubig. Pilit kong inaangat ang ulo ko sa tubig sa kabila ng puwersang humihila sa akin pababa.

I only had a minimal amount of mana. Isa na rin dahilan ang kakayahang mayroon ang tubig na yumayakap sa akin sa mga oras na ito.

"Anna!" sigaw ni Caleb.

Pilit niyang gustong lumingon sa akin pero hindi na niya magawa iyon.

"I am fine! Help Howl first!" sigaw ko pabalik.

Alam kong labag man sa loob ni Caleb ibinigay na niya ang buong atensyon niya kay Howl na nanghihina na rin at parang nakainom na nang maraming tubig.

And Howl was partly right about his declaration. Hindi namin siya maaaring pabayaan dahil malaki ang ambag niya sa misyong ito. I don't think our escape would be possible without his help, now that the whole Fevia Attero is just waiting for us outside.

Nang sandaling abot kamay na ni Tavion si Howl ay agad na niya itong hinila, he didn't even glance at Howl when he was pulled by Tavion. Agad inalalayan ni Iris si Howl na napaluhod at ilang beses dinalahik ng ubo. Ang atensyon naman ngayon ni Tavion ay na kay Caleb na handa nang bumalik sa akin.

Glistening Lantern (Gazellian Series #7)Where stories live. Discover now