Chapter 14

33.8K 3.1K 1.6K
                                    

Chapter 14: Rock formation

When I heard the word lantern, I suddenly felt like surrounded by the world's most skillful orchestra, weaving the most chilling musical piece, with their black and white uniforms and golden musical instruments.

And their master, who's professionally playing his hands to manipulate the music was no other than this masked elegant dragon wizard, Howl Paladein De Voss.

Bagaman ang dulo ng mga daliri niya'y nakahawak sa ilang hibla ng buhok ng babae, ang kanyang mga mata'y naglalaro sa akin na parang may higit siyang nalalaman.

The simple room with a plain bed, wooden chair and table, old bookshelf, and a few dusty books, felt like a room filled with ice.

There's no way, I'd give him any satisfaction. Kung anuman ang nalalaman niya kay Thaddeus at sa kakayahan ng lamparang mayroon ako na hanggang ngayon ay tinutuklas ko, hindi ko siya bibigyan ng kumpirmasyon.

Ramdam kong ang mga mata ni Caleb ay nasa akin na rin.

He's anticipating my answer. Ngunit sa aking naalala'y hindi pa siya nagkaroon ng interes sa lamparang hawak ko.

"A family heirloom," I said with a shrug.

"A valuable lantern that can burn a dragon wizard for a manaless Attero?"

I huffed. Pinilit ko na lang ang sarili kong yakapin si Caleb at pigilan siyang atakehin si Howl dahil sa patuloy niyang pang-iinsulto sa akin.

I didn't expect that he'd be this mad for a human girl. My initial reaction when I first heard that his lover was planning to nullify her vow was natural, lalo na nang akalain kong isa rin siyang Attero.

Pansin kong mas dumiin na ang pisil ng babae sa kamay ni Howl upang patigilin na siya sa anuman pang sasabihin niya.

"I am interested in your lantern, Callista."

"The potion is enough, De Voss," madiing sabi ni Caleb.

"You can't have my lantern, De Voss. Tama ang sabi niya, the potion is enough."

Tuluyan nang humarap sa amin si Howl, muli niyang pinagkrus ang kanyang mga braso at hita, magkasunod niyang sinalubong ang mga mata namin ni Caleb.

"I might tell you something—"

I hate the fact that he's too knowledgeable. Na ang mga katanungan ko sa aking sarili'y mauuna pa niyang sagutin. But I doubt Howl's words, dahil nasisiguro kong anumang oras ay maaari niyang kaming traydorin ni Caleb.

Wala siya sa posisyon niya ngayon kung hindi dahil sa utak at kapangyarihan niya. We may be greatly in need by his help, but I couldn't just let this dragon wizard play with us. Kung may alas siya sa amin ni Caleb, dapat ay mayroon din ako sa kanya.

I hate thinking about the thoughts that he already had the full extent of our situation, and he could easily wring our necks. Kung higit pang magpapatuloy ang usapan naming ito, malaki ang posibilidad na mauwi sa patayan sa pagitan nina Howl at Caleb. I should cool their heads first. Tama nang nagkasundo kami sa isang misyon at kundisyon.

"Give us two days. Babalik kami sa lugar na ito."

"Alright. I can send some people to give you details about the ruins, or not?" tanong ni Howl na nakataas ang kilay sa akin.

"Send it," sagot ko.

"Deal."

Naglalabasan pa ang mga ugat ni Caleb sa noo, leeg, braso habang hinihila ko na siya palayo kay Howl na may pagkaway pa sa amin at pagyuko ng babae na may mga matang humihingi ng paumanhin.

Glistening Lantern (Gazellian Series #7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon