Chapter 9

37.9K 3.5K 1.4K
                                    

Chapter 9: Katanungan

Dahil higit na matagal ang gabi sa Attero lalo na sa mga kagubatan nito, hindi na ako nagulat nang sa pagmulat ng aking mga mata'y madilim pa rin. Nanatiling ang maliit na liwanag mula sa lampara ang siyang pinanggagalingan ng aming liwanag.

Saglit akong nagpakurap-kurap habang nakatitig sa lampara hanggang sa unti-unting rumehistro sa akin kung kanino ako nakasandal, agad akong tumuwid ng aking pagkakaupo at mabilis kong sinuklay ng aking mga daliri ang aking mahabang buhok. Pinanatili ko ang aking mga mata sa lampara at pinilit ang sariling huwag sulyapan ang lalaking katabi ko.

"H-Hindi ka natulog?"

"You've read about vampires. We don't need too much sleep."

Tumango ako. Nanatili ang katahimikan sa pagitan namin dahilan kung bakit namayani ang musikang tangay ng buong kagubatan. Ganoon na lang ba ako napagod? At nagawa kong hindi maramdaman ang dalang ingay ng kagubatan habang natutulog ako?

Magsasalita pa sana ako nang nauna nang tumayo si Caleb. Tipid niyang pinagpagan ang puting kimono at walang lingon na siyang naglakad patungo sa aming kabayo.

"Let's go. I don't sense any presence on the road."

Tumayo na rin ako at kinuha ko ang lampara. Malalaki ang hakbang ko upang agad ko siyang maabutan, saglit pa kaming nanatiling nakatayo roon sa harap ng kabayo dahil ilang beses niya pa iyong hinaplos at inayos na parang sanay na sanay na siya sa gawaing iyon.

Dahil higit na malaki ang kabayong gamit namin kumpara sa iba, inaasahan na niyang mahihirapan akong sumakay roon mag-isa. Lalo na't siya pa nga mismo ang nagsakay sa akin nang sandaling tumakas kami sa aking pamilya.

Bumuntonghininga siya bago siya humarap sa akin. "Anna..."

I blinked innocently at him. Tila biglang nawala iyong pagiging masigla niya, inaakala ko nang makakatanggap ako sa kanya ng pang-iinsulto dahil ginawa kong sandalan ang braso ng isang prinsepe, o kaya'y ipagyayabang niyang higit siyang makapangyarihan sa lahi ko. Ngunit kanina pa siyang tahimik at tanging pangalan ko lang ang nasabi nang sandaling nagtama ang aming mga mata.

"Can you ride behind me?"

Saglit akong sumulyap sa mataas na kabayo. Wala namang kaso sa akin iyon.

Nang hindi ako agad nagsalita ay sinundan niya ang sinabi niya. "So, no one can recognize you."

Tumango ako. "It's fine."

Hindi na siya nagsalita. Sa isang iglap ay agad ko nang naramdaman ang presensiya niya sa likuran ko at walang pasabing nagtungo ang dalawa niyang kamay sa baywang ko. He carefully lifted me up on our horse without matching my attempt gazes.

When he made sure that I was already comfortable, he immediately followed me and positioned himself on the front. And when he was about to hold the reigns, I hesitantly grabbed a portion of his kimono to support myself on a possible fall.

Bakit hindi man lang nagsasabi itong si Caleb?

Saglit na napalingon pakanan si Caleb, ngunit hindi niya ako lubos na nilingon. Natigil sa anumang hakbang ang kabayo at naramdaman kong muli ang pagbuntonghininga niya.

What is wrong with him? Bakit nagkakaganyan siya?

"Ano ba ang problema mo?!" binitiwan ko ang pagkakahawak ko sa kimono niya at hinayaan ko nang tumaas ang boses ko sa kanya.

He was fine before. What happened to him?

"I... I think I am hungry."

"What? Dapat sinabi mo! I can find some fruits using my—" ngunit natigil din ako sa paghahanap ng talisman nang maalala kong iba ang uri ng pagkagutom ng mga bampira.

Glistening Lantern (Gazellian Series #7)Where stories live. Discover now