Chapter 2

42.3K 3.9K 1.4K
                                    

Chapter 2: Choices

"K-Kay kisig mo aking panginoon . . . "

Nang sabihin ko iyon, mas naging tuwid ang pagkakatayo niya at umangat pa ang kanyang ulo. Ang puting bulaklak na kanina'y mabagal niyang pinaikot ay dinala niya sa kanyang likuran habang kapwa nakasalikop ang kanyang mga kamay roon. Tipid siyang ngumiti at bahagyang tumungo habang ilang beses na maingat na humakbang pakanan.

"Hindi mo na kailangang sabihin."

Hindi na mawala iyong ngisi ng aming panginoon hanggang sa maabot ng paglalakad niya ang mahabang salamin ng silid kung saan higit niyang makikita ang kanyang sariling repleksiyon.

Nanatili ako roon sa tabi ng capiz na pintuan habang nakasunod ang mga mata ko sa aming panginoon.

Hindi agad umalis sa harapan ng salamin ang aming panginoon; sa halip ay ilang beses niyang itinagilid pakanan at pakaliwa ang kanyang mukha na tila naghahanap ng kapintasan. Mas umangat pa ang tingin niya sa salamin hanggang sa mag-angat ang isa niyang kamay at ilang beses siyang tumikhim.

Tikhim siya nang tikhim doon sa harap ng salamin hanggang sa bigla siyang tatawa.

Napapangiwi na ako.

"P-Panginoon, ikaw ba'y may karamdaman?"

May problema ba ang lalamunan niya?

Tila natauhan siya nang magsalita ako. Humarap siya sa akin at sinalubong niyang muli ang mga mata ko.

Nanatili iyong distansya namin. Nabalot ng katahimikan ang kabuuan ng silid at ang tanging naramdaman ko lang ay ang mga mata niya sa akin. Ngunit siya rin ang unang kumalas ng kanyang mga mata.

Nagtungo siya sa mahabang lamesa. Agad akong nagmadali at kinuha iyong malaking pamaypay upang paypayan siya. Siya'y nakaupo sa kanyang malambot na upuan sa sahig habang ako'y nakaluhod sa tagiliran niya at mabagal na nagpapaypay ng abaniko.

"Nais mo po ba ng inumin para sa inyong lalamunan, Panginoon?"

Hindi siya sumagot; sa halip ay bahagya lang siyang lumingon sa akin habang hawak pa rin niya ang puting bulaklak na marahang nakalapit sa mukha niya. Naniningkit ang mga mata niya habang pinagmamasdan ako.

"Bakit ikaw ang inalay nila sa akin?"

Nangangatal akong yumuko sa kanya. Ito na ba ang dahilan kung bakit siya bumaba?

He's disappointed? But I thought he asked me to avoid the humiliation of my family.

"Tsk. Get up. Ipagpatuloy mo ang pagpaypay sa akin," umalis ako sa pagyuko sa sahig at kinuha muli ang pamaypay.

He should know the reason. He asked for me. Siguro'y tinatanong niya lang ako dahil nais niya akong maging matapat at tanggapin ang aking kapalaran.

He's just helping this clan.

"I can't summon the earth, my lord. Kaiba ako sa lahat at sa sandaling ako'y ipakilala na sa harap ng mga Attenian na walang kakayahan at kapangyarihan, magiging malaking kahihiyan ako sa pamilyang ito."

Ngumuso ang panginoon at ilang beses tumango.

"Is everyone here . . ." He slowly twirled his white flower in the air and then continued, "Capable of summoning earth?"

Tumango ako.

Marahil ay nalilito pa ang panginoon sa kanyang pagbaba. Lalo na't hindi lang naman kami ang mga Attero na sumasamba sa kanya. There are lots of Earth mages in Fevia Attero.

"Our clan might use talisman to summon earth, but Fevia Attero considers us as one of the powerful and trusted families when it comes to combat. It happened years ago when our head wizard had a conflict with the kings, and our family was one of the best allies of the head wizard," mahabang paliwanag ko sa aming panginoon.

Glistening Lantern (Gazellian Series #7)Where stories live. Discover now