Chapter 41

28.4K 2K 318
                                    

Chapter 41: Paliwanag

"I don't know, because I might do the same," mahinang sabi ni Caleb habang hawak ang kamay ko.

Nang sabihin niya iyon tila higit na bumaba ang temperatura. Nakaramdam ako ng lamig ng hangin sa loob ng silid na wala namang panggagalingan ng hangin.

Hindi ko nagawang makapagsalita nang ilang segundo dahil sa mga katagang iyon ni Caleb at ang tanging nagawa ko lamang ay manatiling nakatitig sa kanyang mga mata.

Maging ang natitirang mga lalaki sa loob ng lumang aklatang iyon ay may parehong ekspresyon ni Caleb, at kahit na hindi na magbigay pa ng mga salita'y nagsusumigaw na ang kanilang mga kasagutan sa susunod kong katanungan.

Can we really continue this journey?

Hindi man nasundan ang mga salitang iyon ni Caleb, tila patuloy iyong nagpapaulit-ulit sa isipan ko.

Is this the dead end? Paano kami magpapatuloy sa misyong ito kung ganito ang sagot niya sa akin? How about the others?

How could he say those words so weakly and sincere? Na para bang kahit anong mangyari'y alam niyang iisa ang kanyang magiging desisyon katulad nang sa mga naunang lalaki.

"Caleb. . ."

Nang marinig niya ang pagtawag ko sa kanya mas lalo kong naramdaman ang higpit ng pagkakahawak ng kanyang kamay. Hindi lingid sa aking kaalaman ang isa sa pinakamahalagang bagay sa mga bampira. It's their mate bond just like our blood and heart oath.

Kung totoo ang sinasabi ng kadarating na bampira tungkol sa diyosang naririto sa lugar na ito, hindi na ako mahihirapan pang paniwalaan ang ibang mga salitang binitawan sa amin ni Howl tungkol sa relasyon nina Thaddeus at Raheem sa mundong ito.

If they were really friends with the late Earth dragon wizard and it was true that he's been in love with the Head Wizard's wife, a heart and blood oath couldn't be broken. At kung anuman ang pangakong iyon ay nasisiguro kong konektado iyon sa mahiwagang lugar na ito.

Isa-isa kong pinagmasdan sina Caleb, Howl, Rosh at Tavion, ngunit kapwa sila mga hindi nagsasalita at tila malayo ang mga iniisip.

"I don't know what to say," naiiling na sabi ni Iris.

Kahit ako ay hindi na alam kung saan magsisimula. Now that we discovered that the Head Wizard is just trying to protect his wife from us, bakit tila kami ang nagmumukhang kalaban sa sitwasyong ito? Tama na nga ba ang bansag nila sa aming kami ang kalaban ng mundong ito?

But are we just going to ignore the fact that the Head Wizard has been fooling this world about the disappearances of some Atteros? Hahayaan na lang ba namin ang bawat buhay na isasakripisyo sa mga lugar na konektado dito upang mapanatiling buhay ang itinatagong diyosa sa lugar na ito?

From the very first place, we were just trying to discover the mystery of this ruin, and now that we're finally unfolding the secrets of it, what should be our proper reaction? Ano ang mga hakbang na dapat naming gawin? Gayong ang apat na lalaking nasa aking harapan ay may mga reaksyong malayo na sa inaasahan naming lahat.

We were all motivated to finish this mission with heads held up high, but all I could see right now were their heads all looking down, na parang hindi na nila nais pang magpatuloy.

Huminga ako nang malalim at habang tumatagal ay mas nararamdaman ko ang bigat ng aming sitwasyon. Pansin ko si Iris na napahilamos na rin sa kanyang sarili. Sa paanong paraan namin tatanggapin ang reaksyon ng apat na ito?

This mission isn't possible without Caleb, Howl, and Tavion's will to continue.

Why these kings brought us together for their unaccomplished mission? Hindi ba nila naisip na katulad nila'y maaaring ganoon din ang maging desisyon ng kanilang mga anak? They were raised with the same beliefs, customs and traditions. Sa paanong paraan nila naisip na sa sandaling ang kanilang mga anak ang humarap sa ganitong sitwasyon ay mapagtatagumpayan nila iyon?

Glistening Lantern (Gazellian Series #7)Where stories live. Discover now