Chapter 38 Christmas Get Away

38 1 1
                                    


JR's POV

Papunta na kami ngayon sa airport, para magtravel ulit papuntang States.

Nakasanayan na kasi ng pamilya na every christmas ay umuuwi kami sa States para doon magcelebrate.

"Hannah, okay ka lang ba?" tanong ko sa kanya nung mapansin kong hindi siya mapakali.

"ah- a-ano kasi ate.. Kinakabahan ako. Pa-paano pag hindi nila ako nagustuhan." pag-aalala nito. Sinabi kasi ni Daddy na ipapakilala na siya sa buong pamilya namin.

"Huwag mo ngamg isipin yan. Hindi mangyayari yun. Mababait ang mga tao doon." sabi ko.

"Tama ang ate mo. Itigil mo na yang iniisip mo, i-enjoy mo na lang ang byahe natin.

"o-okay po." sabi na lang nito.

Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa airport pero sandali pa kaming naghintay para sa flight namin.

Manghang-mangha si Hannah sa mga nakikita sa labas ng eroplano kaya hindi niya iniinda yung pagod sa byahe. Ako naman ay nasanay na sa itsura sa labas kaya napagpasyahan kong matulog na lang.

Pag-gising ko ay papalapag na ang eroplano na sinasakyan namin. Finally, nakarating din. Konting kembot na lang makakapag pahinga na ako ng maayos.

Nagkwentuhan sa byahe sila Daddy at yung driver ni Mama which is my lola. Nabalitaan naming wala pa sa mansyon amg iba pa naming kamag-anak.

"Anak! nanjan na pala kayo." tuwang tuwamg salubong sa amin ni Mama, at isa isa kaming hinalikan sa pisngi at niyakap.

"So, anak siya ba yung sinasabi mo?"

" Yes, Mom." sagot ni Daddy nung tanungin siya pertaining to Hannah.

""Welcome to the family, Hija.. Mukhang mas nangibabaw ang genes ng papa mo kaya napakaganda mo." biro ni Mama at niyakap ito.

" Salamat po."

"Eh, sino naman itong isa ding nagmamalaking maganda siya?" mataray nitong sabi ngunit mahahalata mo ang sarcastic doon.

"Mama, wala pa nga po akong sinasabi e." pagmamaktol ko.

"Well, lahit hindi ka magsalita.. Tindig mo pa lang alam ko ng may sinasabi ka. Para kang Mommy mo." sabi pa nito. Kaya nagtawanan kami.

" Mama talaga." sabi ko at niyakap siya ng mahigpit.

"osha'sha.. umakyat na kayo sa quarters niyo para makapagpahinga. Alam kong pagod kayo sa byahe. Ipapatawag ko na lang kayo pag handa na ang pagkain." sabi ni Mama at pinaakyat na kami.

Tag-iisa ng room ang mga mag-aasawa dito sa mansyon ni Mama perro kaming magpipinsan ay nahahati lang sa dalaw.

Isang malaking room para sa babae at ganun din sa lalaki. Hindi sa tinitipid kami ni Mama, kundi gusto niyang makapag-bonding kami bago matulog.. Para lahit papano ay makilala namin ang bawat isa.

Hannah's POV

Pagpasok namin sa girl's quarters ay napamaang ako dahil sobrang laki nito. 5 queen size bed na magkakahiwalay ng konti, tapos ay isang malaking flat screen tv naman ang nasa harap nito.

Isang sala set naman ang nasa gilid nito. Grabe, modern ang design nito. Hindi ko na maexplain dahil sobrang ganda.

"Bhe, magpapahinga na muna ako ah.. Ikaw ba?" tanong ni ate na nakahiga na sa kama.

"Sige ate.. Magpapahinga din ako mamaya." ngiting sabi ko. Naglibot libot muna ako sa quarter namin bago nagpahinga.

Nangmagising ako ay nakiyta ko si ate na kalalabas lang ng banyo.

At nung matapos itong magbihis ay ganun na lang ang gulat ko dahil parang bumalik yung dating JR na nakilala ko.

Nakadress ito, naka-curl ang buhok, may light make up, naka-accessories at nakahigh heels shoes din ito.

"ate, may lakad ka?" tanong ko.

"Wala. Ganito lang talaga dito sa States. Kailangan mong maki-in para hindi ka pagtawanan. Pero nakadepende sayo iyon Bhe, kung saan ka mas komportable. Okay lang." sabi nito.

After naming kumain ay siya namang dating ng mga kamag-anak daw namin.

Isa-isang ipinakilala sa akin ni Mama yung tito's and Tita's ko pati na din ang mga pinsan namin.

Kakaiba sila manamit. Masyadong hapit at maiiiksi.

"Sa garden muna tayo, JR." aya nung isa naming pisan kay ate.

" sure, join us Hannah." sabay hila din sa akin ni ate.

" "Sarang!" tawag ni atr sa isang babaeng nakatalikod sa amin.

Ito siguro yung isa pa naming pinsan na nagpapahinga pa daw sabi ni Tito.

"oh.. JR." tawag din nito kay ate nung makaharap sa amin. Mas daring ang suot nito compared sa iba naming pinsan.

"ah.. Yaya, water please. Kanina pa ako nauuhaw e." utos nito habang nakatingin sa akin.

"Sarang, she's not a maid .. Okay?" sabi ni ate.

"if not, the what?"

"She' my sister. Actually, half- sister. Dad's daughter with other woman." paliwanag nito.

" oh.. what's the term for that in tagalog? " nang-uuyam nitong sabi at nagkunwaring nag-iisip. " "anak sa labas? bung ng kasalanan, sampid at hamp--"

Pak*

"Watch your words Sarang!" galit na sigaw ni ate sa kanya.

"Ate, tama na." pigil ko kay ate.

Ayokong magkagalit pa sila ng dahil lang sa akin.

"How dare to slap me, just for that stupid half sister of yours?" sigaw din nito.

"Don't call her like that Sarang." banta ulit ni ate.

"I can't believe you, JR."

" You know me Sarang. Alam kong ganyan ang ugali mo pero wag mo akong idinadaan jan dahil papatulan kita." nanghahamon na sabi pa ni ate.


JR's POV

After nung sagutan namin ni Sarang ay inaya na ako ni Hannah na magpahinga na lang.

Pero bago pa ako makapagpahinga ay sumulpot sa harapan ko si Sarang at humihingi ng sorry.

Tinanggihan ko naman dahil hindi naman ako ang na-argabyado niya. Kundi si Hannah.


Kinabukasan ay mukhang nagkaayos naman na si Hannah at Sarang. Nagawa pa nga nilang magshopping. Hindi na ako sumama dahil lahit papano ay may tiwala pa rin ako sa mga pinsan ko.

At hindi naman nila ako binigo nung ibinalik nila si Hannah.

Ginawan nila ito ng make-over na bumagay naman sa kanya.


~*
Short update.. bawi ako !


Love CycleWhere stories live. Discover now