CHAPTER 4

99 9 0
                                    

Dolion: Otek St., Baguio - Goodtaste Restaurant,
My treat.

Napairap sa hangin si Anica sa inis. Wala s'yang planong puntahan ito lalo na't hindi pa n'ya nakakalimutan ang kapilyohang ginawa ng lalaking iyon.

“Tsk. Akala n'ya pupuntahan ko s'ya? Pwes, manigas s'ya dun.” Naiinis n'yang sambit sa sarili at lumapit sa mini table n'ya para kunin ang librong gusto n'yang basahin. Umupo na rin s'ya sa kama n'ya at nakadiquatro.

She tried to focus on her book but she was so bothered because of Dolion's message. Should I go? Hays wag na. Hayaan mo na yun, self!

While she was bothered her phone suddenly rang for a message notification. Agad n'ya itong pinulot at natawa s'ya sa nabasang mensahe.

Dolion: Siputin mo'ko kung ayaw mong puntahan kita sa dorm mo.

Anica: Parang alam mo rin kung saan
dorm ko 'no? Tsk. Baliw

Agad na reply ni Anica at ibinaba ulit ang cellphone n'ya. May pilyo s'yang ngiti at napapailing na lang. Napapaisip s'ya kung gaano kabaliw ang text ni Dolion dahil paano naman s'ya mapupuntahan nito kung hindi naman alam ni Dolion kung saan ang dorm niya. 

She dropped her whole body in the bed and stretched up her arms and yawn too. She was about to shut her eyes but her heart almost jump out of her chest in suprise when someone suddenly knocked on her dorm's door.

“Ohh sino yan?” kumakabog parin ang dibdib n'yang tumayo para pagbuksan kung sino man ang kumatok. Ganun nalang ang pag-awang ng kanyang mga labi nang makita si Dolion na nasa harap ng pintuan n'ya. She wasn't able to speak for some seconds. It took her almost one minute to recover and ask him.

“B-Bakit k-ka nandito?” wala sa sariling tanong n'ya at napapakurap-kurap pa s'ya ng ilang beses dahil hindi parin s'ya makapaniwala sa nakikita n'ya. She was just talking with him a minute ago then he suddenly fucking knocked on her door.

“I told you, I would come to you once you don't go to me. Sinusundo kita!” nakapamulsa pang sagot ni Dolion. He was wearing a grey sweater and a black leather pants. His sweater was tacked in and he looks so cool with those black shades place above his head.

“I-I m-mean, paano? D-Di ko n-naman sinabi sa'yo k-kung saan ako nakatira at kausap kita sa text k-kanina lang,” Anica stuttered and swallowed the thick lump on her throat and deeply sighed.

“I told you, I make everything possible.”

“And even you say no to me right now, you'll still come with me, got it?” nakangiti pa nitong sagot at inirapan n'ya ito.

“Kung ayaw ko, ayaw ko. Wala kang magagawa— ah!” Singhap ni Anica nang bigla s'yang binuhat ni Dolion. She was placed beneath his arms and shoulder.

“Dolion! Ano ba, ibaba mo'ko!” asik n'ya ngunit nag-asta ang lalaki na walang narinig at dinala s'ya sa labas na ganoon ang posisyon.

“Hey! Sabing ibaba mo'ko eh! Nakakahiya, Dolion!” inis na bulong ni Anica.

“May hiya ka pa pala?” pabirong sambit nito kaya tinampal s'ya ni Anica sa balikat nito sa inis. Dere-deretso lang si Dolion hanggang sa makalabas ng block.  Agad naman s'yang pinaupo ni Dolion sa shotgun seat ng kotse n'ya. Ngayon ay isang navy blue crossover Ferrari naman ngayon ang dala n'ya.

Dolion immediately went to the driver's seat. Seeing how Anica wasn't moving, he went towards her and tried to fasten Anica's seatbelt. Dolion's face was so close to Anica's neck that, her heart beats immediately raise. Hindi n'ya alam kung bakit ang lakas ng kabog ng dibdib n'ya at ganun nalang ang pagtaas ng balahibo sa likod ng leeg n'ya noong ginawa iyon ni Dolion. Matapos ang seatbelt ay biglang lumingon si Dolion kay Anica at halos isang pulgada nalang ang layo ng kanilang mga labi.

Dolion looked at Anica's eyes down to her kissable pink lips that has no any lipstick or lip tint on it. She's barr faced now. From her eyes to lips to her eyes again. Dolion playfully smirked when he saw how Anica stilled and she even stopped breathing.

“Oh god! Breathe, sweetie!” mapang-akit na sambit ni Dolion na ikinagising ng diwa ni Anica. Agad namang inabot ng kamay ni Anica ang ulo ni Dolion at malakas itong sinapak.

“Gago ka talaga!” asik n'ya at imbes na magalit ay natawa pa si Dolion.

“Hang on, I'll drive to the restaurant now.”





WITH HER POKER face, she was staring at Dolion in pure frustration.  They are inside of an high end restaurant and she was just wearing an oversized t-shirts paired with a high-waist shorts.

“Tignan mo ginawa mo, Dolion! Nasa mamahaling restaurant mo'ko dinala, nagmumukha akong tanga dahil sa suot ko. Tignan mo nga yang iba oh ang gaganda ng suot, ang gagara tapos ako nakapangbahay lang!” galit na bulong n'ya rito at hindi man lang s'ya tiningnan ng binata. Dolion just raise a brow on her while reading something on the menu.  He puts the menu down and looked around. When he was done, he looked to Anica.

“As I can see, you're the prettiest girl among everyone here. Don't be so concern about your clothes, that doesn't define your beauty.”

After he said that, he called a waiter and he even give a damn look at Anica again. Anica was silent and was trying to stop her smile. Dolion always boost her confidence in his own way.

“Order kana rin, pagkatapos nito, pupunta tayo kahit saan mo man gusto.” pagpukaw ni Dolion kay Anica.

“Why are you doing these things?” kapagkuwa'y tanong ng dalaga rito.

“Bakit? Ayaw mo ba nito?”

“Ang weird mo kaya! Kakakilala lang natin eh tapos makaasta ka parang close tayo ah?” Anica hissed and rolled her eyes on him.

“Sungit!”

“Baliw!”

Biglang natawa ang dalawa at umorder nalang si Anica ng mga gusto n'yang kainin. Nang dumating ang order nila ay kumain kaagad sila. Si Dolion naman ay laging nagnanakaw ng tingin sa dalaga at bigla nalang ngingisi.

“Baliw talaga,” bulong ni Anica at napailing. Napatingin si Anica sa pagkain ni Dolion at may pilyong ngiti. Bigla n'yang inagaw ang malaking hipon na nasa plato nito at dere-deretsong kinain.

Hindi na napigilan ni Dolion ang matawa at tumingin sa dalaga. “Kung gusto mo ibibigay ko naman sayo. Silly!”

He chuckled and Anica snatched another shrimp on his plate.  Para makaganti rin si Dolion ay kinuha n'ya ang isang piraso ng chopped steak ni Anica at deretsong kinain ito.

“Ehh? Ano ba, Dolion!” asik ni Anica at kumunot ang noo.

“Ano? You keep on snatching my shrimps!” he said and laughed hard.

“Tsk. You said you'll give it to me if i want, but you snatched mine.”

“Wala akong sinabing walang bayad ang pagkuha mo ng pagkain sa plato ko!” natatawa parin nitong saad kaya napanguso lalo si Anica.

“Do you want to snatch something from me that doesn't need any payment?”

“What is it?” nakataas kilay na tanong naman ni Anica.

“My heart.”





FAITH
•|| fairyF8tales ||•

Lords Series #2: Deceitful Warm (COMPLETED)Där berättelser lever. Upptäck nu