Kabanata 105

41 5 8
                                    

KABANATA 105 ...

           MABIGAT ang dibdib niya habang papasok sa loob ng bahay ni Nay sora .

Malungkot na yumuko si Argara sa matanda " Hindi siya kakain kapa— " napatigil ito ng nakita siya ng kapatid niya .

Alam niyang anak niya ang pinapahiwatig nito at alam niyang ayaw nitong kumain kasama siya .

Tanggap niya ang katotohanan na galit at hindi siya tanggap ng anak niya pero masakit parin .

" Hindi ako sasama sa inyo kumain . Mag-papahinga lang ako "

Akmang aalis ito ng pinigilan siya ng Kapatid niya .

" Sasamahan nalang kita mamaya kumain ma— "

" Argara " mahinang pag-tigil niya dito .

Siya na ang lalayo sa anak niya . Ayaw niyang umiyak ito dahil walang kwenta ang ama niya .

" Nag-aalala lang naman ako sayo, Kuya . Ako ang nasasaktan para sayo at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko para matulungan ka . Ang sakit sa dibdib makikita kang lumalayo sa amin para sa anak mo, Kuya . Hindi ko nakita ang saya sa mukha mo, gusto ko lang naman ay maging masaya ka at tigilan mo na ang kasisisi sa sarili mo . Kuya, nandito naman ako oh . Sabihin mona man sa akin kung pagod kana at gusto mo nang yakap . "

Ginulo ni Argon ang buhok ng kapatid niya at patagilid na niyakap ito . Alam niyang nahihirapan rin ito pero binibigyan siya nito ng panahon para makapag-isip sa lahat .

" Okay lang ako, Argara . Wag ka nang mag-alala, nakalim— "

Hirap na hirap itong tumingin sa kaniya . " Paano ako hindi mag-alala, Kuya ? Sapalagay mo ba hindi ko naririnig at nakikita na umiiyak ka ? Sinasarili mo ang problema m— "

Mahigpit niyang niyakap si Argara at hinalikan sa noo .  Tumingala siya para hindi mahulog ang luha niya .

" K-kaya ko ang s-arili ko, Argara . Wag ka nang mag-alala, okay ? Sige na magpapahinga na ako " Ginulo niya ang buhok nito at hindi na siya lumingon dahil alam niyang iiyak lang siya sa harapan ng kapatid niya .

Pagdating sa anak niya hindi niya mapigilan ang sarili niya . Lumalabas ang lahat ng emosyon na naka-baon sa dibdib niya . Lahat ng kinikimkim niya lumalabas .

Pumasok siya sa silid niya at bumabalik ang lahat ng alala na nangyari sa kanila ng kasintahan .

" Kailan kaba babalik, Louisa ? B-bumalik kana " mahinang bulong niya sa sarili bago pinikit ang mata .

" Bubuo pa kaya tayo ? " mahinang bulong niya ulit .

Pagod na pagod na kinuha niya ang litrato na binigay ni louisa sa kaniya . Ang ganda mo, hart ..

     NAPATIGIL sila ng maramdaman ang tension sa harapan nila . Argara glance at louis, her eyes held with no emotion .

Hindi si luxe maka-alis ng tinabihan ito ni Jyna at agad na kinulong sa braso nito ang braso ng binata . Kumakain sila ngayon at napapatigil sila kapag tinatangka ng princesa na subu-an si Luxe .

Urgh ..

" Nandito kana pala, Margarita . Nagagalak akong makita ka ulit . Ito kasi si Luxe inawa— "

" Wala akong pakialam " agad na pag-tigil ni Louis .

Nagkatinginan silang lahat . Bigla yata uminit sa tingin ni Jyna kay louis .

" Kahit anong gawin mo, ako parin ang pipiliin ni Luxe, diba ? " hinawakan ni Jyna ang kamay ni Luxe . Tangina, wrong move!

Napaigtad sila lahat ng padabog na pinatong ni louis ang kubyertos nito . Natataranta na tumayo si Luxe at napakurap-kurap sila ng tumabi ito kay Louis . What's wrong with them ?

Mag-Kabilang Mundo (Book2)Where stories live. Discover now